“Tawagan ninyo si General! Sabihin niyong nilulusob tayo!” sigaw ni Leo, isang miyembro ng Prime Special Forces.
Kanina lamang ay nananahimik ang kampo subalit ngayon ay sobrang gulo niyon. Nagkagulo ang mga sundalo at kanya kanya silang kuha ng mga armas. Pinosisyon nila ang mga sarili at pinagbabaril ang mga kalaban. May mga nasawi silang kasamahan sapagkat hindi nila inaasahan ang biglang paglusob na iyon. Isang malakas na pagsabog ang nagpasimula ng gulo kung saan ang gitnang bahagi ng kanilang kampo ay naging abo na.
“Men! Two airjets approaching!"
Napatakbo at napatalon sila matapos na pasabugan na naman ang kanilang lugar.
“Marami na tayong sugatan!”
“Medic!”
“Nasaan si Captain Locsin?” tanong ni Leo sa isa nilang kasama. Nakatago sila sa likod ng mga tinambak na sako'ng pinuno ng itim na buhangin.
“Hindi pa siya dumarating simula kaninang hapon.”
“Shit! Kung kailan kailangan siya wala naman siya rito.”
Muli silang nagbarilan. Ang mga taong kumakalaban sa kanila ay kapwa may mga tattoo na crescent moon sa sintido ng kanilang ulo. Hinuha nila’y isa iyong samahan ngunit hindi nila matanto kung bakit may galit ito sa kanila.
“Tangina! Bakit may mga espada ang ibang ‘yan? Mga assassin ba ‘yan?”
“May babae silang kasama.”
Bagama’t naghahari ang ingay ay nagagawa pa rin nilang mag-usap. Nakita nila ang mga kasamahang sundalo at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanilang mga mata nang makitang pinagbabaril ito hanggang sa mawalan ng buhay.
“Tangina.”
“Send three batallions to back up! Ngayon na!” sigaw ng Lieutenant General. Naroon sila sa headquarters at nakatanggap nga sila ng tawag na nilulusob ang kampo Samonte. Nagpadala sila ng mga sundalo at medical team na aalalay sa mga sugatan.
“Lieutenant, may airjet sila kaya madali ang pagpapasabog na nagawa nila sa kampo.” Nasa isa silang silid kung saan puno iyon ng kompyuter at mga teknolohiyang ginagamit nila sa mga hindi inaasahang sitwasyon.
“We already sent unmanned aerial vehicle to monitor the situation along the camp. Ang kampo lang talaga ang pakay nila.”
Malalim na huminga ang Lieutenant General. “Anong sinabi ni General? Babalik na ba raw sila rito?”
“Yes, Lieutenant. Mamayang hatinggabi aalis sila ng Baguio.”
“Sir, we just received a report.” Sabat naman ng isa pang sundalong may bitbit pa nab aril
“Nawawala si Captain Locsin ng Prime SF.”
“Ano? Bakit ngayon pa siya nawala sa oras ng trabaho?!”
“At marami na ang sugatan pati na ang mga nasawi. They are requesting for military choppers to rescue as soon as possible, kung hindi, abo ang maaabutan natin sa kanila.” dagdag pa nito
Napasipa ang nakatataas na lalaki sa isang trash can na naroon. “Contact the air force unit. Damn it.”
Philippine Air Force…
“Prepare F-16 Fighting Falcon, for use.”
“Yes, Captain.”
Abala si Captain Xodriga sa pagbibihis. Nakatanggap sila ng tawag mula sa headquarter ng Philippine Army at sinasabing kailangan nila ng airborne back up. Palabas palang siya ng pintuan para pumunta sa eroplanong gagamitin niya ngunit may mabilis na humarang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...