Weeks have passed. Danelle became very busy in the site checking the construction of her business. Malapit na rin iyong matapos kaya tinututukan na niya ngayon katuwang ang kanyang kaibigan. Meanwhile, Pion is already back to his work. He was also congratulated by the soldiers and some high officials because of his unexpected participation on the mission. Though it was not appropriate, still he was again in the field together with his team.
“Kayo na ba? Bakit hindi mo sinasabi sa’kin?” kanina pa kinukulit ni Xia ang kaibigang si Danelle. Hindi sa kanya sinasabi nito dahil panay ngiti lang ang babae.
“I don’t know. We didn’t labelled ourselves but I’m sure, we feel the same way.”
“Sigurado ka na riyan ha?” Xia teasingly smiled
“Oo nga.”
Tumigil sila sa paglalakad nang may makita si Danelle na bagong labas na high heels. Naroon sila ngayon sa isang boutique sa mall. Inaya niya kanina ang kaibigan dahil naboboring siya sa kanilang bahay at may kailangan din siyang sabihin kay Xia na siguradong ikatutuwa nito.
Kukunin na sana niya ang pulang sandals na mataas ang takong ngunit may kumuha rin sa isang pares niyon kaya nagkatinginan sila. Ilang sandali lang ay sabay silang tumawa at sabay pa nilang inilapag iyon.
“Sorry, akala ko wala ng kukuha. Sayo nalang.” Danelle smiled
“Hindi, okay lang. Sayo nalang, may nakita na naman ako roon banda, eh.” The woman also smiled
“You sure?”
The woman nodded. “Yes, of course.”
“Ganito na lang, why don’t we get the same shoes, the same designs.” Danelle
“Sigurado ka? I mean, may iba kasi na ayaw nilang may kaparehong gamit kaya tinatanong kita. I can buy another shoes naman, e.”
“No, it’s perfectly fine with me.”
The woman smiled in defeat, “Well, mukhang mapilit ka kaya sige na nga. By the way, my name is Yna. You are?” she extended her arm
Danelle accepted it, “I’m Danelle. Nice to meet you.” She smiled and called the saleslady.
“Miss, can we get the same shoes? The color would be the same also. Thanks.”
“Yes, Ma’am. Maswerte po kayo kasi dalawa lang talaga iyan and I know it will fit to the both of you.” The saleslady went off.
Iginala naman ni Danelle ang tingin niya, hinahanap ang kaibigan na si Xia dahil bigla na lamang itong nawala sa tabi niya. Lumingon siya ng makarinig ng tikhim.
“Mag-isa ka lang? Nakakalungkot mamasyal ng mag-isa ‘no?”
“Kasama ko si Xia, my bestfriend and she’s like a sister to me. Ikaw, mag-isa ka lang ba? You can come with us if you want.”
Lumawak ang ngiti ng babae, “Talaga? Pero okay lang ba sa kaibigan mo? Bak—
“Hi, girls!” bati ng babaeng may bitbit ng shopping bag.
“Saan ka na naman nagpupuntang babae ka? Bigla ka nalang nang-iiwan diyan.”
Ngumuso si Xia, “Namili lang ako roon sa kabilang banda. Busy ka kasi kanina sa pagtingin tingin kaya hindi na kita inistorbo tsaka hindi ka naman mawawala dito ano? OA ka, girl. Who’s that?” mahinang tanong niya sa panghuling sinabi.
“Ah! Yna, this is my friend, Xia. Hindi ko na pala siya bestfriend.” Danelle received a glare from her friend.
Yna laughed, “You two are cute. Para kayong magkapatid. Masaya bang magkaroon ng kapatid?”
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...