CHAPTER 4

1.9K 72 2
                                    

Kinabukasan nagtipon ang mga reporters sa harap ng palasyo. Abang na abang sila sa Presidente na mas dumoble pa ang seguridad. Agad na kumalat ang balita at agad din na pinagpulungan  ang nangyari.

Sa isang mahabang lamesa naroon ang mga kasama sa pulong. Sa kabisera nakaupo ang Presidente Dencil Greogo at sa kanang bahagi niya ay ang Chief of Staff. Kahanay nito ang Major General, Lieutenant General, at ang General mismo ng mga hukbo ng sundalo sa Pilipinas. Sa kabila ay naroon ang ilan pang mga kawani, ang dalawang kapitan ng mga mataas na sundalo, Major Officer, Lieutenant Officer at ang Colonel Officer na nasa unahan na para siyang mag-ulat.

“Site, Philippine University, 120 Degree Northwest at exactly 7:38 in the evening, an explosion of M67 Fragmentation grenade was recorded. Approximately five to seven persons were involved in the attempted crime. Aside from properties damage there were no further casualties.” Paunang ulat ng Colonel

“Paano sila magkakaroon ng ganoong granada? That was only for military.” Ani ng Major General

“Iyan pa po ang inaalam namin, Sir.” sagot nito

“May intensyon ba silang sumalakay o isa lamang iyong panakot? At akala ko ba, Colonel Officer mahigpit ang inyong seguridad sa araw na iyon? Ano ang nangyari? Bakit may mga nakapasok na tao?” Lieutenant General

“Hindi namin masasabing isa lamang iyong pananakot ngunit maaaring may isa pa silang layunin kung bakit nila ginawa iyon.” Ani niya saka muling nagbago ng slides ang presentation na nasa unahan.

“These are the threats that President Greogo have received. And the black one, in the middle was the recent letter he got.” The Colonel made another transition of the presentation.

“Heto ang nilalaman ng papel.”

Binasa nila ang nakasulat doon.

*Malapit kanang bumagsak pati pamilya mo, walang matitira.

Napansin ni Pion ang pagkuyom ng kamao ng matanda. Nang iiwas niya ang tingin dito'y naabutan naman niya ang isa pang kapitan na nakatingin sa kaniya habang nakangisi. Noon pa man hindi na sila magkasundo nito. Wala siyang problema sa lalaki ngunit ang kapitan Locsin na iyon ay palagi siyang binabangga at kinokontra.

Dapat siya ang magiging kapitan ng Prime Special Forces subalit hindi pumayag si Pion. Matindi na ang mga misyon na ibinibigay doon at kaya niya man gawin, hindi pa rin niya tinanggap ang promotion. Sa huli, ibinigay ito kay Andrius Locsin sa tulong ng Major General.

“Captain Pzarova.” Napalingon si Pion sa tumawag sa kanya.

“Tinatanong kita kung ano pa ang nangyari bukod sa mga naitala ko.”

Tumayo siya at akmang magsasalita na ng matigil ito dahil sa isa pang kapitan na nagsalita.

“Hindi namin nakita si Pzarova sa site habang nangyayari ang gulo, Sir. Para sa isang kapitan ng kaniyang mga sundalo, hindi iyon ang tamang gawain at hindi rin magandang halimbawa sa mga kasama niya.”

Dahil doon ay nagsukatan silang dalawa ng tingin hanggang sa magsalita ang Presidente.

“Inutusan ko siya sa ibang bagay, Captain Locsin. And he just came on time. His team escorted me going out of the university while everyone is on the scene.”

Matagal na nagkaroon ng katahimikan sa loob. Humingi naman ng paumanhin si Locsin at hindi na sumagot pa ang Presidente.

“Wala ng nangyaring iba maliban sa mga nabanggit ninyo, Sir. Matapos naming marating ang sasakyan ay nagrequest ako ng back up mula sa mga sundalo ng Lieutenant General. They came on the call time and escorted the President back to their house.”

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon