“Ibalik na ninyo ako sa pamilya ko, please.” Pagmamakaawa ni DanelleIsang linggo na siyang nakakulong sa kwartong iyon. Binibigyan naman siya ng pagkain subalit hindi rin siya makakain ng maayos, maging ang pagtulog ng mahimbing ay hindi niya magawa. Gabi-gabi na lamang siyang umiiyak dahil sa pag-aalala sa pamilya. Hindi na niya ito nakikita o nakakausap man lang. Gusto niya itong makausap upang ipaalam na maayos ang lagay niya para hindi ito labis na mag-alala sa kanya. Huling pagkikita pa nila’y hindi naging maayos.
“Hindi maaari, may gagawin pa sa iyo si Senyor.” Sagot sa kanya ng isang nagbabantay doon
“Sino ba ang Senyor ninyong ‘yan?! Anong kailangan niya sa’kin at sa pamilya ko?!” lumuluhang sigaw ni Danelle
“Anong ingay ito?” isang malaki ngunit mababang boses ang nagpalamig sa pagkatao ni Danelle.
Malaya niya ngayong nasisilayan ang mukha ng matanda ngunit malakas pa rin at maayos ang tindig nito. Walang emosyon itong nakatingin sa kanya. Magsasalita na sana siya nang muling may sumulpot sa nakabukas na pintuan. Gayon na lamang ang gulat ni Danelle nang makita ang lalaking nakatingin sa kanya.
“A-a-andrius.” Mahina lamang ang boses niya
Nag-iwas ng tingin ang lalaki sa kanya saka may ibinulong ito sa matanda. Agad na naguluhan si Danelle sa mga pangyayari. Bakit ganoon? Hindi nakagapos si Andrius at nakikipag-usap pa ito ng maayos sa mga taong kumuha sa kanya.
“Andrius, what are you doing?! They’ve kidnapped me and—
“I’m sorry, Danelle but I can’t do nothing if that’s what you’re thinking.”
Nagpumiglas si Danelle sa pagkakatali ng kamay niya. Salubong na salubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin lamang sa lalaki.
“Anong ibig mong sabihin? Kasabwat ko sa katarantaduhang ‘to?!” pilit pa rin niya na kinakalas ang kamay sa likod niya na nakagapos. Hindi umimik sa kanya si Andrius.
“I thought you’re a good person, Andrius but I got it all wrong. I can’t believe this. I can’t believe you! Ano? Siguro sinadya mo akong lapitan para sa masamang plano mong ito, hindi ba?”
“I was a good person but everyone’s capable of changing, why can I not change?” walang emosyong sabi nito saka naunang umalis. Muling naiwan ang matanda at kung nakamamatay lamang ang mga tingin niya ay kanina pa burado sa mundo ang lalaking nasa may pintuan na ngayon ay nakangiti sa kanya.
“Nilason mo ang utak niya! Isa siyang sundalo, gosh! How can you ruin someone’s life just because of your bullshits?! Kasing bulok ng hitsura mo ‘yang ugali mo!”
Mabilis na nag-iba ang mukha ng matanda. Tinawid nito ang distansya nila at dahil nakaupo siya sa sahig, bumaba ang matanda saka hinablot ng marahas ang buhok niya kaya bahagya siya ngayong nakatingala.
“At kapag hindi ka pa tumahimik, dito rin mabubulok ang bangkay mo.” marahas siya nitong binitawan at ramdam niya ang hapdi ng kanyang anit kaya nagsimulang manubig ang mga mata niya
“Ibalik mo na ako sa pamilya ko. Wala naman akong ginagawang masama sa inyo! Ang pamilya ko, wala naman silang masamang ginawa! Why are you doing this?!”
Tumawa ang matanda sa mahinang boses nito. “Wala kang alam. Lahat ng humahadlang sa negosyo ko’y inaalis ko. Hindi sila pwedeng maging balakid sa anumang gawain ko. Matagal na nila kaming nasira at ngayon, hindi na mangyayari iyon dahil uunahan ko na sila.”
“Then why am I here? Wala akong—
“You’re Dad!” sigaw ng matanda dahilan upang maputol ang kanyang sinasabi
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...