Hapon na at madali ng magdilim, pauwi na si Danelle galing sa site. Hindi niya kasama si Shawn dahil inaasikaso nito ang papeles pabalik ng New York. Nalulungkot siya dahil nalalapit ng umalis ang kanyang pinsan, wala na naman siyang kasama at kausap-usap sa kanilang bahay.
“Nasaan kana? Bakit ang ingay?” tanong ni Danelle sa pinsan na kausap niya ngayon sa cell phone.
[“Nagkita kami ng kaibigan ko at inaya niya akong magbar. Mamaya pa ako makakauwi, how about you?”]
“Pauwi palang. Galing ako sa site at marami rami na ang progress ng pinapagawa ko. I’m so excited to see the whole of it sayang nga lang kasi babalik ka ng New York. Hindi kana ba talaga mapipigilan?”
Narinig niya ang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya.
[“I really wanted to stay but I have a life in New York. Kung gusto mo ikaw nalang sumama sakin pagbalik. And I forgot to say, Xia contacted me, she said she can’t reach you. May problema ba kayong dalawa? Is it because of what I said the last day?”]
“Heck no! Hindi. Baka naka off lang yung cell phone ko kaya hindi niya makontak.” Saad niya. Nagulat siya ng sabihin iyon ng pinsan ngunit hindi naman siya galit o nagtatampo. She just turned her phone off purposely to avoid those who kept contacting her for an interview and showbiz offers.
[“Yeah, whatever. Pupunta iyon sa bahay kaya dapat bilisan mo na.”]
“Yeah, yeah.”
Naputol na ang kanilang pag-uusap. Gusto sana niyang tawagan ang kaibigang si Xia ngunit mas pinili na lamang niyang kausapin ito ng harapan. Muling tumunog ang kanyang cell phone at nasa tabing upuan niya iyon. Tinangka niya na abutin ang bagay ngunit hindi sinasadyang matabig niya ito kaya nahulog sa ibaba.
Danelle checked the road and she saw nothing coming to her direction kaya bahagya siyang yumuko upang maabot ang cell phone na ang tumatawag palang number ay si Xia. She smiled when she reached her phone but when her eyes turned to the road, she was completely surprised.
Mabilis na iniwas ni Danelle ang kanyang sasakyan mula sa motorsiklong humaharurot. Tumawid ito sa linya niya kaya mababangga niya iyon kung hindi siya iiwas at ayaw naman niyang makapatay ng tao. Subalit sa kagustuhan niyang makaiwas, hindi agad niya napansin ang isang puno sa tabing kalsada.
Tanging tunog ng bumangga niyang sasakyan ang naghari sa lugar. Umuusok na ang unahan nito at batid niyang wasak din ang kanyang kotse. Danelle’s vision was blurry and her hands were trembling as she got a hold of her head, there was a blood in it and in that same time, she lost her consciousness.
“Shawn, hindi mo ba talaga siya kasama? O baka sumunod lang sayo tapos hindi mo namalayan?” nag-aalala na ang inang si Nalyn, malapit ng mag-alas nuwebe ng gabi ngunit wala pa rin ang kanyang anak. Nakarating na rin si Shawn sa bahay subalit wala pa rin doon si Danelle. At bagamat gabi na, hindi pa umuwi si Xia dahil nag-aalala rin ito sa kaibigan.
“Hindi talaga, tita. When I called her past five in the afternoon, she said she’s going home.” Shawn explained
“At tinawagan ko rin siya kanina, pero hindi niya sinagot, Tita.” Xia said
“Then where is Danelle?! Where is my daughter?! May problema ba ang anak ko Shawn? Wala siyang sinasabi sa'kin but I’m sure, kahit isa man lang sa inyo ay may pagsasabihan siya.”
Napatingin si Xia kay Shawn. Wala siyang alam na problema ng kaibigan dahil wala naman itong sinasabi sa kanya at medyo matagal tagal din na hindi sila nag usap ni Danelle. Pansamantala din muna siyang hindi nagawi sa site dahil naging abala siya sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...