Ten years ago…
“Binalikan niyo ba ang barko?” tanong ng kanilang pinuno
“Opo, Master at may nakuha kaming isang sugatan, humihinga pa siya kaya dinala namin dito.”
Galit na napatayo ang lalaki mula sa kanyang kinauupuan.
“Hindi ba kayo nag-iisip?! Paano kung mabuhay ‘yan at magsumbong?! Mga walang utak!”
Natahimik ang paligid dahil sa sigaw na iyon. Kasalukuyan silang nasa isang silid at matagumpay nilang nagawa ang plano, nabura nila ang sundalong palagi na lamang humahadlang sa mga gawain nila. Naisama na rin nila ang pamilya nito kaya nasisiguro niyang hindi na aangat pa ang pamilya.
“Hindi pa siya nagigising Master, pero kung gugustuhin ninyo, pwede na namin siyang dispatsahin ngayon.”
“Nakuha na ba ang bangkay ni Rream Pzarova? Ng asawa at anak niya? Nasaan na?” sunod sunod na tanong nito na binalewala muna ang naunang sinabi ng kanyang tauhan.
“Yes, Master. Nakuha na ang mga bangkay nina Mr. and Mrs. Pzarova ngunit ang anak niya ay nawawala pa. Napatay din namin lahat ng tauhan nila at may iilang binatilyo din na naroon na maaaring kaibigan ng kanilang anak.”
“Kung ganon, sino ang dala ninyo ngayon?”
Tinahak ng lalaki ang daan patungo sa isang kwarto. Sa likod niya ay ang kanyang mga tapat na tauhan. Pinagbuksan siya ng matagal ng naninilbihang kasambahay sa kanila at bumungad sa kanya ang dalagitang babae na mahimbing na natutulog. Nilapitan niya ito at nang mapansing gumalaw, inihanda niya ang baril na nasa kanyang kamay at kapwa magkasiklop sa likod.
Unti-unting nagising ang babae. Naglalabas siya ng ilang salita ngunit hindi niya maipagpatuloy dahil sa sakit ng kanyang katawan at mga sugat na dulot ng pagsabog. Habang tumatagal ay naaaninag niya ang isang bultong nasa kanyang gilid. Ipinilig niya ang ulo doon at papikit pikit na tiningnan ang isang lalaki. Nanghihina pa rin siya kaya’t hindi man lamang niya magawang umupo.
“S-s-sino k-ka? Nasaan ak—o?” Maging sa pagsasalita ay hirap siya.
“I’m your dad.” Sa isip ay nakangiti ang lalaki ngunit sa labas nito ay seryosong seryoso siya. Inaabangan niya ang magiging sagot ng dalaga at sa oras na iba ang bumuka sa labi nito, diretso na niyang ipuputok ang kanyang baril. Walang rason upang bumuhay siya ng isang saksi sa pangyayari na dapat ay ilibing na sa alaala.
“D-dad? W-what happened?”
Dahil doon, napalingon ang lalaki sa likod niya kung saan naroon ang kanyang mga tauhan. Bahagya ding nagulat ang mga ito sa sagot ng babae. Muling bumalik ang tingin ng lalaki sa babae. Itinago na rin niya ang baril sa kanyang likuran na isinuksok niya.
“Magpagaling ka Yllona. Marami pa tayong dapat gawin.”
Nakangising lumabas ang lalaki sa kwartong iyon.
“Magpadala kayo ng maraming Doktor para mas mapabilis ang paggaling niya. Magagamit natin siya balang-araw.”
Kasalukuyan…
Papasok pa lamang si Pion sa kampo ay pinapalakpakan na siya ng mga sundalo at alam niya ang rason kung bakit. Ang ginawa niyang pagresponde sa holdup case na iyon sa bus ay umani ng papuri at pasasalamat sa social media. May kumuha ng video sa ginawa niya, hindi naman niya pinansin ng mga oras na iyon, nabalitaan na lamang niya na pinagpepyestahan na ang kanyang video sa social media.
Sumaludo si Pion sa sumalubong sa kanya na Colonel. Nakangiti ito at tinapik siya sa balikat.
“Good job, Captain Pzarova. Dahil sayo mas gumanda ang epekto natin sa mamamayan.”
BINABASA MO ANG
Gunned Down
ActionThe Army: Captain Pion Pzarova (CAPTAIN SERIES 1) Pion Pzarova is a Captain of Military Special Force called Throttler Rangers. He has been in the Philippine Army for years and had lived his loyalty to the country. Captain Pzarova was given a specia...