CHAPTER 10

1.6K 58 0
                                    

“Captain, may naghahanap sa'yo. Nasa tanggapan po siya ngayon.”

Nagpapahinga sana si Pion nang mapukaw niyon. Pinuntahan siya ng isang sundalo na gumagwardya sa entrance ng buong kampo.

Nagbihis siya saka tinungo ang lugar ng tanggapan na malapit lamang doon. Isa itong parang tolda na may mga mesa at upuan dahil doon napupunta ang mga sundalo nilang may bisita. Hindi sila basta-bastang nagpapapasok ng kung sinu-sino dahil iyon ang kanilang patakaran.

Tiningnan niya ang kaniyang relo upang makita ang oras at ang araw ngayon. Doon siya napakunot ng noo nang mapagtanto na hindi naman ngayon araw ng pagbisita. Bakit pa sila nagpapasok kung ganoon?

Para maglaho ang kaniyang kyuryusidad, pinili na lamang niyang magtuloy-tuloy at mula sa kaniyang kinatatayuan ngayon, nakita niya ang babaeng nakaside view sa kaniyang paningin. At kahit na hindi niya makita ng buo mukhang alam na niya kung sino iyon.

“Anong ginagawa mo rito?”

Nagising ang diwa ni Danelle. Ilang minuto rin siyang naghintay at ngayon dumating na ang lalaking nais niyang kausapin. Sandali silang nagkatitigan kaya bahagyang pinilig ni Danelle ang kaniyang ulo upang tuluyang magising sa mga pinag-iisip niya.

“May gusto ako sayo.”

Sabay na nagtaas ang dalawang kilay ni Pion dahil sa narinig mula sa kaharap. Tila napansin iyon ni Danelle at labis na lamang ang kaniyang hiya nang mapagtanto ang sinabi.

“I-I mean, may… may pakay ako sayo k-kaya nandito ako.”

Bahagyang yumuko siya saka kinagat ang pang-ibabang labi. Umiral na naman ang katangahan niya. Ang sinabi niya kanina'y naghatid lamang ng kakaibang mensahe sa lalaki.

“Martes ngayon at hindi kami tumatanggap ng bisita. Ano ang napakahalagang pakay mo sa akin, Ms. Greogo?”

Danelle was a bit intimidated as he called her surname. Muling naupo si Danelle at walang nagawa si Pion kundi harapin din ang babae. Kinabig niya ang upuan sa katapat nitong lamesa at doon siya naupo, ngayon ay magkaharap na silang dalawa.

“I am currently working on something and I kinda’ need your help.”

“What is it exactly?” tanong sa kaniya ng lalaki.

Ayaw sana niyang sabihin kung ano iyon ngunit mapipilitan siya. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba sa lalaki ang isyu ng kaniyang ama dahil baka hindi siya nito tulungan. Hindi madali ang mga nais niyang makuha na ebidensya kaya kailangan niya ng tulong lalo na sa mga taong nagtatrabaho malapit sa kaniyang ama. Malalim na huminga muna si Danelle bago muling nagsalita.

“Alam mo naman sigurong pinagbibintangan si Dad sa pagkawala ng bilyon-bilyong piso na sinasabing pera ng mga tao sa Pilipinas? Ano ba talaga ang nangyari? I’m sure my Dad has nothing to do with it.”

“Bakit mo alam ang tungkol diyan?”

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Danelle. Tama nga ang hinala niya, alam ng lalaki ang nangyayari at alam niyang matutulungan siya nito ngayong hindi siya mahihirapang magpaliwanag sa nangyari.

“Hindi na mahalaga iyon. I have contacted a reporter to write an article regarding this matter and for her to pulblish it, I need evidences of my father’s innocence. You can help me with that, r-right?”

Nakasandal si Pion sa kaniyang upuan nang umayos siya ng upo saka ipinatong ang mga kamay sa mesa at pinagsiklop iyon. Muling nagtama ang paningin nila ng babae na inaabangan ang kaniyang sagot. Mahina siyang napatawa kaya kumunot ang noo ni Danelle.

“Alam mo bang labas ako sa mga ganitong kaso? I am not a lawyer nor a prosecutor, Ms. Greogo. My job is to protect our country and our people, not to prove someone’s innocence.” Matapos niyon ay tumayo na ang lalaki

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon