CHAPTER 51

2K 40 0
                                    


Nakauwi si Danelle galing sa hospital sa tulong ng kanyang pinsan at ng Mommy niya kasama ang maraming bodyguards nito. Sa nangyari, hindi na sila hinayaan pang umalis at umuwi nang walang kasamang mga tauhan ng kanyang ama.

“Mom, can we talk?” bagamat nanghihina pa sinubukan ni Danelle na magsalita upang kausapin ang ina, maya-maya rin ay uuwi ang Dad niya at kukunin na niya iyong pagkakataon upang makausap ng masinsinan ang mga ito.

Tipid na ngumiti ang Mommy niya. “B-bakit, anak? Anong gusto mong pag-usapan natin?” nahalata agad ni Danelle na parang hindi komportable ang kanyang ina.

“I’ll just go outside.” Pagpaalam ni Shawn bago ito tuluyang nawala sa loob ng bahay.

Naroon sila ngayon sa sala, inalalayan naman si Danelle ng Mommy niya na umupo. Samantala, ang ibang kasambahay nila’y inakyat na ang kanilang mga gamit.

Magkadikit ang mga tuhod ni Danelle, ipinatong niya ang dalawang siko sa kanyang hita saka itinabon ang mga kamay sa mukha niya. She seems too problematic and frustrated.

Habang ganoon ang sarili, nagsalita siya. “Mom, would you please stop lying at me? Kahit ngayon lang please, bigyan niyo naman ako ng karapatang malaman ang lahat lahat.”

Umangat ang tingin ni Danelle nang marinig na humikbi ang Mommy niya. “I’m sorry, anak. Sa gano’n pang pangyayari nalaman mo lahat.”

Her lips parted. “Alam mo na?” paglilinaw niya dahil sa pagkakaalala niya’y wala pa siyang sinasabi tungkol sa mga nangyari pati na sa mga nasaksihan niya.

Her mother nodded, “Shawn told me. Pinilit ko siyang sabihin sa’kin lahat dahil nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba ang ginawa nila sayo habang nakakulong ka doon. And then he mentioned about this girl who claimed to be your sister.”

“T-totoo ba ang sinasabi ng babaeng iyon, ma?” lakas-loob na tanong niya. Honestly, natatakot siyang malaman ang mga isasagot nito ngunit iyon lang ang dahilan upang malaman niya ang katotohanan.

Nakatingin pa rin siya sa kanyang ina at nang tumango-tango ito napasinghap na lamang siya. Later on, her eyes started to water, “m-mom, bakit? Bakit nagawa niyong maglihim sa’kin ng ganito katagal?”

“Forgive me, Danelle. Gusto ko lang naman na magkaroon ka ng magandang buhay. Ayokong matulad ka sa akin noon na hindi nakapag-aral ng maayos. Gusto kong maabot mo ang mga pangarap mo. Lahat lahat kaya kong gawin para lang sayo, anak.”

Bumubuhos ang luhang tumingin si Danelle sa kanyang ina. “At kabilang na doon ang pagsira niyo sa buhay ng iba? Ang panloloko niyo? Mom! I can’t- I can’t believe you. Paano mo nagawang makipagrelasyon kay Dad habang may pamilya siyang iba?”

Bakas ang pagkagulat sa mukha ng ginang.

“Hinding-hindi ko ‘yan nagawa, Danelle. Nagsama kami noon ng Daddy mo nang mamatay na ang asawa niya. Kailanman hindi ko pinangarap na maging kabit.”

“Really, mom? Alam mo ang hirap hirap ng maniwala ako ngayon. After what happened I don’t think I can listen to your lies again.”

Sandali silang nanahimik. Hindi madugtungan ng ginang ang sinabi ng anak niya at hindi niya rin ito masisisi kung mahihirapang magtiwala muli sa kanya. Siya naman ang may sala sa paglihim ng ganoon katagal.

“Your mom is right.”

Pareho silang napalingon sa isang bultong papalapit at walang iba iyon kundi ang Daddy niya na may mga kasama pang tauhan sa likod. Sinenyasan ito ng matanda na umalis at silang tatlo muli ang natira sa malaking sala.

Unti-unti namang tumayo si Danelle. Muling bumuhos ang mga luha niya nang harap-harapang makita ang ama. “Bakit?” mapait niyang tanong

Her father sighed and motioned her to sit. “Sit down, honey.”

Gunned DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon