1

21K 463 36
                                    


SHE WAS the last passenger who boarded the plane bound for Busuanga. Kaya naman natuunan agad ito ng pansin ni Matt. Hindi niya matiyak kung bakit naakit siyang sundan ito ng tingin habang naglalakad at hinahanap ang numero ng upuan. Maliban sa paglinga-linga sa mga numero ng upuan, the young woman looked bored.

She had shoulder-length straight hair with bangs that reminded him of the seventies. Pero bumabalik na naman sa uso ang bangs. Ang suot ay maliit na pink and white checkered long-sleeved polo shirt in soft cotton and fuchsia short shorts. Nakarolyo ang mga manggas ng polo shirt hanggang sa bago magsiko.

Ang unang butones na nakasara sa polo shirt nito ay ikalawa mula sa itaas at sapat upang masilip nang bahagya ang cleavage dahil medyo nakalaylay ang kabilang bahagi ng polo sa may shoulder dahil sa strap ng bag na malaki lang nang kaunti sa wallet.

Nice breasts, katamtamang laki lang. And nice pair of legs. Sa mga paa ay pink Havaianas slip-on. May hawak itong ipod na nakakabit ang headphone sa tainga.

There was nothing extraordinary about the woman's face. Hindi iyong uring makikita mo sa cover ng mga pambabaeng magazines. Simple. Pale pink lipstick na bumagay sa tila naka-pout na mga labi. Maliban doon ay wala na. Kahit yata polbo ay wala.

Maliban sa ang kabuuan nito ay makatawag-pansin. She was sexy though. Kahit hindi kataasan. Must be five-three. At nakikita niyang may ilang pasaherong lalaking nakasunod din dito ng humahangang tingin.

Hindi si Matt ang uring naaakit tumingin sa isang batang-batang babae. But there was something about her that caught his attention. Kung ano ay hindi niya matukoy.Huminto ang babae sa tapat niya at hinanap ng mga mata ang numero ng upuan. Madre de dios! Ang laylayan ng short shorts ay halos kapantay na ng laylayan ng blusa nito. Napahugot siya ng hininga.

Sa bandang kanan niya sa kabilang bahagi ng mga upuan nito nakita ang designated seat. Naupo ito roon. Then she crossed her legs that Matt swallowed an imaginary lump in his throat.

She was very young. Must be twenty... twenty-one. At ang mga kabataan ngayon kung manamit ay... napapailing siya. Kung hindi polo shirt ang suot nito ay maaari mo nang sabihing sa beach ito tutungo. Ang ganoon kaiksing shorts ay naipanlalakad na ngayon.

Worst, nakahantad sa kanya ang kabuuan ng mga binti nito.

And goodness, nalalanghap niya ang banayad nitong pabango na naiwan sa ere. It wasn't cloying. It wasn't flowery either. Ang naiisip niya ay isang mabangong umaga pagkatapos ng magdamag na ulan. Or maybe from a particular bath soap and not really perfume.Sa pagkamangha niya, pinukaw ng babaeng ito ang kanyang pagkalalaki. Simpleng itinakip niya ang peryodiko sa kandungan. Napahugot siya ng hininga. Hindi siya makapaniwala sa reaksiyon ng katawan. At katabi niya ang anak niya!

Hindi siya ang uring naaakit sexually sa mga kabataang babae. He was thirty-six, for crying out loud! And he had his share of beautiful women in his life. At ni hindi niya man lang maitukoy sa babae ang salitang "beautiful." Though the woman was easy on the eye. At malakas makahatak ng atensiyon.

Then she uncrossed her legs and fastened her seat belt then recrossed her legs. Pagkatapos ay isinandal ang ulo sa headrest at pumikit na para bang walang pakialam sa nakapaligid dito.Hindi malaman ni Matt kung magpapasalamat ba siya na ang upuan nito ay malapit sa kanya o masusuya siya. Bakit ba, eh, ni hindi siya tinapunan nito ng tingin gayong buong buhay niya ay sanay siyang tinititigan, nililingon, at nginingitian ng mga babae na gustong matawag ang kanyang pansin, whether it was as young as this woman or very much older. Somehow, parang may nasaling sa amor propio niya.

Pero kung tutuusin ay wala rin naman itong tiningnan kahit na sino sa mga pasaherong naroroon. At isiping sa unahan ay dinaanan nito ang mga kabinataang magkabarkada. Lahat ay pawang nakasunod dito ng mga humahangang tingin. At ang isa pa roon ay sadyang tumayo at kunwari ay may inaabot sa baggage grill pero nakasunod ang mga mata rito.

It was as if she was in a world of her own. Walang pakialam sa paligid. And looking at her, nakakunot nang bahagya ang noo nito kahit nakapikit. At kahit nang magsalita ang flight attendant habang iminumuwestra ang safety measures ay hindi ito nagmulat ng mga mata. She turned her ipod off, ipinasok sa munting bag at pagkatapos ay muling pumikit. Hanggang sa mayamaya pa'y unti-unti nang umaangat ang eroplano sa lupa. Ilang minuto pa'y panatag nang lumilipad ang eroplano sa kalawakan. In probably less than an hour, they'd be arriving in Busuanga airport. Nagmulat ng mga mata ang babae, inihilig ang upuan at muling pumikit.

"Daddy..."

Nagitla pa siya nang marinig ang tinig ni Hannah at nakahawak sa braso niya."What?""You're staring. Kanina mo pa siya sinusundan ng tingin," pabulong nitong sabi kasabay ng munting malisyosang ngiti. "Hindi ka tumititig sa mga babae."

"Nahahalayan ako sa suot niya," he said in defense, lying through the skin of his teeth.

"Kunwari ka pa," his daughter said, kasabay ng marahang hagikgik. "Mahalay lang iyan, Dad, kapag hindi bagay sa nagsusuot. Besides, she doesn't even care. Hindi rin nagpapa-cute. So, tell me, why are you staring?"

He rolled his eyes ceilingward. "Masama bang humanga?" pabulong din niyang sagot. "She's sexy." And that young woman seemed not to know her attributes.

"Now that's the right word. Sexy. Pero ang daming nagpapa-sexy sa iyo, hindi mo naman pinapansin. Tulad na lang ni Auntie Janet..."

Matt shrugged. Tulad ng ginawa ng babae, kung maaari nang ihilig ang mga upuan ay inihilig din niya ang upuan niya. Itinuon ang mga mata sa unahang bahagi ng eroplano. He wanted to ignore her daughter.

But knowing Hannah, kapag naintriga ito ay hindi ito maglulubay hangga't hindi nasa-satisfy ang curiosity.At tama ang nasa isip niya dahil inilapit ni Hannah ang bibig sa may tainga niya at bumulong.

"You think she's suplada?"

Nilingon niya ang anak at sumagot nang pabulong din. "How would I know?"

"Hindi ka man lang niya sinulyapan."

"So?"Hannah grinned. "Walang babaeng hindi ka pinansin. Kahit nga iyong matatanda, eh. Wala ka nang appeal, Dad."

He almost laughed. "Yeah, you're right. Daddy's getting old. And hush." Sinabi niya ang huling dalawang salita nang mariin upang matigil na ang anak. Pinigil niya ang sariling muling lingunin ang babae sa kabilang aisle.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon