"MAY KUMAKATOK," ani Raquel kay Nemia na naghihiwa ng sibuyas para sa lulutuing tanghalian.
Nang bitiwan ni Nemia ang ginagawa ay mabilis na lumabas mula sa banyo si Caroline. "Ako na," aniya. Sa sulok ng puso at isip ay umaasang si Shane ang nasa labas ng pinto, kahit hindi siya nakatitiyak kung makapagpapatawad siya sa ginawa nitong pagbaling kay Chanelle.
But unlike him, she was willing to listen to any explanation. Ibibigay niya rito ang hindi nito ginawa sa kanya—benefit of the doubt.
Lumatay ang disappointment at kabiguan sa mukha niya nang sa pagbukas niya ng pinto ay makita kung sino ang naroroon. Her shoulders sagged and she didn't care if Matt noticed it.
"Hello, Caroline," bungad nito.
Hindi niya ito gustong papasukin pero hindi naman niya magawang magpakita ng kabastusan. Iniawang niya ang pinto. "Pasok ka..." Pumasok si Matt na ang mga mata ay hindi humihiwalay sa pagtitig sa kanya. Itinuro niya ang mahabang sofa sa may malapit sa pinto. "Maupo ka..." matamlay niyang anyaya.
Subalit nanatili itong nakatayo at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "How are you, Caroline?"
"I-I am good, Matt."
"No, you're not," anito, puno ng concern ang tinig at mga mata. "Isang linggong mahigit lang tayong hindi nagkita subalit kay laki na ng inihulog ng katawan mo."
"Please have a seat," muli niyang anyaya. "Kalabisan sigurong itanong sa iyo kung paano mo natutuhan ang address namin, 'no?"
Tumango si Matt at naupo. "Nag-uusap kami ni Raquel." Inabot nito ang kamay niya at iginiya siyang maupo sa tabi nito. Hindi nito binitiwan ang kamay niya at sa halip ay ikinulong sa mga palad. "I'm sorry, Caroline. Raquel told me."
Umiwas siya ng tingin. "Hindi niya dapat sinabi sa iyo. Wala siyang—"
"Walang masamang motibo si Raquel sa pagsasabi sa akin. Pinakiusapan ko siya bago kami umalis ng Coron na ipaalam sa akin ang kahihinatnan ng paghihintay mo kay Shane." Pinakawalan niya ang mga palad subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Matt doon. "No. Let me hold your hand. Dahil kung bibitiwan ko ang mga kamay mo ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ka."
"Oh, Matt..."
"Magbihis ka," anito. "Lumabas tayo. Kahit saan mo gusto. Kumain sa labas... manood ng sine. Natitiyak kong hindi pa kayo nagtatanghalian..." Napailing siya nang wala sa oras.
"Caroline, I want to feed you. Malaki ang ipinangayayat mo. Come on, baby..."
"I am not your baby, Matt," she said with a sigh. Gustuhin man niyang magalit ay parang wala siyang lakas na ilabas iyon sa tinig niya.
"Caroline, please. Lalabas lang tayo nang makasagap ka naman ng sariwang hangin."
Gusto niyang mangiti roon. Sa kabila ng mariing pagsasalita ay nasa tinig ni Matt ang pakiusap. And she decided she didn't want to say "no." "Gusto kong isama natin si Raquel."
"Good. Sila ni Lovelle. The more the merrier."
Natigilan siya sandali. Napangiti. "Sa pagre-report ni Raquel sa iyo ay nalimutan niyang sabihin na lumipat na sa bagong apartment niya si Lovelle, ha."
"I'm glad you're smiling. Kahit na hindi umabot sa mga mata mo."
She ignored the last sentence. Tumayo. "Give me fifteen minutes," aniya at tumayo at lumakad patungo sa hagdan.
"Take your time, baby." Lumabas si Raquel at binati si Matt. "Get dressed. Kakain tayo sa labas."
"Thank you," anito at pagkatapos ay pumanhik na rin sa itaas upang magbihis.Nang tanungin sila ni Matt kung saan nila gustong kumain, wala sa loob na itinuro ni Caroline ang isang Italian restaurant dahil nahagip niya ng tingin ang Yellow Cab hindi kalayuan doon.
Pagkatapos nilang kumain ay nag-malling at naglakad-lakad lang sa buong Greenbelt.
Ipinagpasalamat nang labis ni Caroline na hindi nagtangka si Matt na hawakan siya sa kamay. May palagay siyang hihilahin niya ang kanyang kamay pabalik kung ginawa nito iyon. Gayunman ay inaalalayan siya nito sa mga kinakailangang pagkakataon.
Matangkad, broad-shouldered, magandang lalaki, at nakakaangat sa buhay si Matt. At wala yata silang nakasalubong na babae na hindi nag-ukol dito ng tingin. She should be proud. Subalit hindi iyon ang nararamdaman niya. Hindi niya gustong isipin si Shane sa mga sandaling iyon subalit kahit paano ay inasam niyang sana ay sila ang magkasama nito at hindi si Matt.
Hindi niya gusto ang ginagawa ni Matt. Sa pakiramdam niya ay pilit nitong inaalis sa isip niya si Shane. And she must be crazy. Dahil iyong ibang brokenhearted ay nag-iisang dinudusa ang pamimighati. Samantalang siya ay heto at kasama ang isa sa kanyang matalik na mga kaibigan at isang lalaking ginagawa ang lahat upang maaliw siya at malimutan si Shane.
But it wasn't easy to forget Shane. She loved him. At nakatitiyak siyang hindi pa agad darating ang panahon para malimutan niya ito. At gaano man kahindi-makatwiran, gusto niyang manatiling mabuhay at nakakulong sa mga alaala ni Shane. Lalo na ang alaala ng tree house kung saan nabuo sa minsanang pagtatalik na iyon ang nasa sinapupunan niya. Hindi niya gustong lumabas sa mga alaalang iyon.
Alas-singko pasado nang magbalik sila sa parking lot. Ang buong akala niya ay ihahatid na sila nito sa apartment subalit dinala sila ni Matt sa Paco Park upang makinig ng awitin ng kung sino mang guests sa gabing iyon.
At mula kaninang umalis sila ng apartment, para sa kanya, ang maupo sa upuan sa parke at makinig ng mga awiting naririnig lang niya sa radyo ng lola niya ay nakapagdudulot ng kapayapaan sa dibdib niya. Balsamo sa durog-durog niyang puso ang tugtugin mula sa piano at mula sa mga mang-aawit.
Whoever it was who said that music is the best healer must be right.
Naroon sila hanggang sa matapos ang programa. Nang tanungin sila ni Matt kung saan nila gustong kumain ay si Raquel ang namiling gusto nila ng Chinese. Dinala sila ni Matt sa Estero Restaurant. Hindi siya masyadong nag-enjoy sa pagkaing Italyano kanina subalit nagustuhan niya ang in-order ni Matt para sa kanilang lahat.
Pagkahatid sa kanila sa apartment ay nagpaunang pumasok si Raquel at naiwan sila ni Matt sa loob pa ng sasakyan.
"Thank you, Matt," sinserong sabi niya. "I enjoyed listening to the music at the park."
"I noticed. At natutuwa akong pagdating natin doon ay hindi ka nagpakita ng pagkainip."Nahihiyang sinalubong niya ang mga mata nito. "I was that obvious?"
He smiled. "I don't mind. Nauunawaan ko. You're hurting." Kapagkuwa'y binuksan nito ang pinto sa bahagi nito at umikot sa bahagi niya at pinagbuksan siya ng pinto. Lumabas siya ng sasakyan.
"I'll call you tomorrow," anito, a promise in his voice.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Matt, baka hindi ko kayang tumbasan ang mga ginagawa mong ito. Baka..."
"Huwag mong ipagkait sa akin ang pagkakataong ito, Caroline," anito. "Wala akong hinihiling sa iyo. Hindi ko rin hihilinging kalimutan mo si Shane. Hindi iyon minamadali."
"Thank you." Lumakad na siya patungo sa gate.
"Goodnight, Caroline."
Napahinto siya sa paghakbang at nilingon ito. She smiled at him.
***************Pakiramdam ko kasing haba na ng buhok ko ang buhok ni Caroline char hahahaha, bakit ang ganda mo girl hahahaha. Enjoy reading mga besh. Stay safe and God bless. ;) - Admin A ************
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...