PAGKAGALING sa mall ay dinala siya ni Matt sa condo unit nito sa Makati. Nasa ikasampung palapag iyon. Unlike other units, malaki ang loob ng unit ni Matt. May tatlong silid at dalawang toilet and bath. Isang servant's quarter at maliit na toilet and bath para dito.
Ang sala ay salamin ang dingding at nakatanaw sa buong Greenbelt at ang mga establisimyento nito.
"Wala ba kayong kasamang kasambahay rito?" tanong niya at tinanaw ang buong siyudad mula sa salamin.
"Si Manang Marina. Nasa grocery marahil. Si Hannah ay darating nang tiyak..." Niyuko nito ang relo sa braso. "Uwian na niya. Inihahatid iyon ng service dito."
Hindi pa nito natatapos ang sinasabi nang bumukas ang main door at iniluwa si Hannah.
"Daddy, you didn't lock the—" She stopped in mid-sentence. Nanlaki ang mga mata nang matanaw si Caroline sa dulo ng sala. Agad itong ngumiti at tumakbo at niyakap siya. "You're here! I missed you."
She laughed. "Magkasama lang tayo three days ago."
"And I miss you already. Sana dito ka na tumira sa amin. Sana magpakasal na kayo ni Daddy."
Nagkatinginan sina Matt at Caroline. Parehong natawa.
"May gusto kaming sabihin sa iyo, Hannah," ani Matt na hinila ang anak patungo sa sofa at pinaupo. Sumunod si Caroline at naupo sa tabi nito.
"W-what? I hate bad news, Daddy..." wika ng dalagita na agad nag-iba ang anyo.
"Is marrying Caroline a bad news, sweetheart?" Matt announced proudly. "We want you to be the first one to know."
Napahawak sa bibig niya si Hannah. "Oh, my god... oh, my god!" Hannah shrieked. Bumaling kay Caroline at niyakap ito. "You'll be my mommy as I wanted you to be!" Kapagkuwa'y binalingan ang ama. "This calls for a celebration, Daddy. Saan tayo magdi-dinner?"
"We want it simple and quiet, Hannah. Nagpa-deliver na ako."
"Did you order flowers and candle, too, Dad?"
Sabay na nagtawanan sina Matt at Caroline. "Hindi mo mauunahan ang daddy mo, Hannah," ani Caroline.
"Okay. I'll set the tables now. Nasaan ba si Manang?"
Matt twined his fingers with hers and stared into her eyes lovingly. "I am so happy, Caroline. You can't even know how much..." he whispered.
"Kahit na hindi ko masabi sa iyong mahal din kita?"
Inilagay ni Matt ang hintuturo sa ilalim ng baba ni Caroline at itinaas iyon. "Kahit paano ay mahal mo na ako, Caroline. Hindi ka papayag na magpakasal sa akin kung hindi. Maraming uri ng pagmamahal, sweetheart. Sa ngayon ay tatanggapin ko ang uri ng pagmamahal na kaya mong ibigay sa akin. Hihintayin ko ang araw na masasabi mong iniibig mo na ako..."
Umiwas siya ng tingin at yumuko. "P-paano kung hindi darating ang araw na iyon, Matt? Paano kung manatiling nakatali kay Shane ang puso ko?"
"I have enough love for both of us, Caroline." Kinabig niya ito at hinagkan sa ibabaw ng ulo.
"Too cheesy, Daddy!" sigaw ni Hannah mula sa dining room na natatanaw lang. But the girl was grinning from ear to ear. Her happiness was contagious that Caroline wanted to be happy, too.
Matt shook his head but was smiling. Labis na nag-uumalpas sa dibdib ni Matt ang kaligayahang nadarama. He loved this woman with all of his heart and soul. Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mapaligaya ito.
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...