26

7.8K 219 16
                                    


"SMILE!" sigaw ni Raquel at saka kinunan siya ng larawan. Sa pagkabigla niya ay tumayo mula sa upuang kahoy si Hannah at naupo sa tabi niya.

"Take our pictures, Tita Raquel," ani Hannah at ikinapit ang mga braso sa braso niya, saka ngumiti para sa camera.

"Oh, sure." Sinulyapan siya ni Raquel. "Don't look so gloomy, Caroline. Smile..."Pilit ang ngiting sumisilay sa mga labi niya. Pinagbibigyan lang niya si Raquel at ang bata.This was a mistake, she thought. Madi-disappoint lang si Raquel na hindi niya makuhang magsaya rito sa Coron.

Walang sandaling hindi si Shane ang laman ng isip niya. Paano kung nagpunta ito sa apartment at datnan siyang wala? Lalo lamang titindi ang hinala nito na may iba siyang boyfriend.

Pagkatapos ng dalawang shots ay tumayo si Hannah at tinungo ang dulo ng bangka at doon naman nag-pose. Raquel indulged the girl. Muli niyang ibinalik ang tingin sa karagatan. Natatanaw niya ang isang isla na sa tingin niya ay doon sila patungo.

"Who broke your heart?"

Bahagya pa siyang nagitla nang marinig ang tinig ni Matt. Nasa harap niya ito, nakahawak sa isang poste ng bangka at nakatunghay sa kanya.

"Excuse me?" kunot-noong sabi niya.

"I said who broke your heart?"

"What makes you think my heart was broken?" she snapped.

He shrugged. "Hindi mahirap hulaan. Labis ang lungkot sa mga mata mo. Pinagbigyan mo lang si Raquel nang sabihin niyang ngumiti ka. Pero hindi umabot sa mga mata mo ang ngiti."

"Sapat na ba iyon para isipin mong brokenhearted ako?" she said irritably.

"Hindi mo rin namalayang lumalapit ako. Nakatitig ka sa kawalan. At para kang may sariling mundo. Pinagbibigyan mo lang ang mga nakapaligid sa iyo. At kung papipiliin ka'y mas gusto mong wala kang kausap at gusto mo na lang na mapag-isa."

Hindi agad siya makahagilap ng sasabihin. The man was astute. At kung hindi siya nito nilapitan ay baka totoong napahikbi na naman siya.

"Maaaring ang lungkot kong sinasabi mo'y sa ibang kadahilanan..." Nainis siyang lalo.

"Maaari. Pero tama ako, hindi ba?"

"Eh, ano ba ang pakialam mo?" angil ni Caroline. Ibinalik niya ang paningin sa dagat. Umaasa siyang iwan siya nitong mag-isa. Nararamdaman niya ang pag-ikot ng bangka patungo sa batong-bundok.

"Wala nga. Pero nakakapanghinayang na makita ang isang tila sea nymph na nababahiran ng matinding lungkot ang mukha."

"Are you flirting with me?"

He grinned, showing perfect white teeth. "And if I am?"

Naningkit ang mga mata niya. "Married men are not my cup of tea! Mahiya ka naman, lalo na sa anak mo!"

Napahawak ito sa noo. "Thank God. And I thought you'd say, 'you're an old man!'"

Caroline opened her mouth to say something. Subalit naunahan siya ni Matt sa ano mang sasabihin niya.

"I'm not married. I mean, not anymore. Hannah's mother died when she was seven years old. Sa isang aksidente."

"Oh." Then she said in contrite, "I... I'm sorry."

"Yeah, me, too. But it's been six years. Both Hannah and I have recovered from the tragedy."

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Umiwas siya ng tingin, bahagyang tumagilid at itinuon ang tingin sa karagatan.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon