8

9.1K 267 26
                                    

ANO ANG ginagawa nito roon?

Nanatili siya sa kinatatayuan nang lumakad ito patungo sa kanya. He was smiling at her. "Hi."

"H-hi din. May... may sinusundo ka rito?"

"Ikaw."

Napakurap siya. "Ako?"

"Ikaw nga. Hindi ba at itinanong ko sa iyo kung anong oras ang huling klase mo?"

"P-pero paano mo nalamang dito ako sa Recto gate lalabas?"

"It doesn't take a genius, Caro. Galing kang Sta. Mesa so dito ka lalabas pauwi."

Caro. Humahaplos wari sa dila nito ang paraan nito ng pagbigkas ng pangalang itinawag nito sa kanya. An endearment in Italian.

"Okay..." wala sa loob niyang sagot.

"I'll buy you dinner. Saan mo gusto?"

Umiling siya. Hindi pa rin makaahon sa pagkamanghang inabangan siya nito... na siya ang sinusundo nito. "Kailangan kong umuwi kaagad. May sakit ang kaibigan at roommate ko. Baka hindi pa rin iyon naghahapunan."

"Kung ganoon ay tara na. Mag-taxi tayo pauwi sa inyo..."

"Taxi!" bulalas niya.

Shane smiled that disarming smile of his. "Ano naman ang nakakamangha roon? Hindi ako rapist, Caro. O kidnapper kaya. Ayoko lang danasin natin uli ang siksikan sa LRT tulad kanina. Uwian ng mga nag-oopisina at ng mga estudyante ngayon."

Hinawakan siya nito sa likod ng siko at inakay patungo sa gilid ng daan upang maghintay ng taxi na daraan. At ni hindi niya makuhang hatakin ang kamay mula rito. She could easily say "no." Natitiyak niyang hindi siya pipilitin nito. She had never been in a taxi with a man. And a stranger for that matter.

Hindi niya ito talagang kilala maliban sa pangalan nito at nagkasama sila kaninang umaga at inilibre siya ng paborito niyang pizza. Hindi ba sa ganitong pangyayari may napapahamak na mga babae?

Sa kaisipang iyon ay sandali siyang nahinto sa paglakad. Nag-atubili. Hindi niya hahayaang dahil lang magandang lalaki ito ay isasantabi na niya ang pag-iingat sa sarili.

Nilingon siya ni Shane. He frowned a little. Then, "Wait here."Bago pa siya makakibo ay lumakad ito pabalik sa gate ng UE at sa mga security guards doon. 

Napansin niyang may dinukot ito sa bulsa ng polo shirt. An ID and a calling card. Ipinakita nito ang ID sa mga security guards. Pagkatapos ay sinundan din iyon ng ball pen from his shirt pocket. May isinulat ito sa likod ng calling card at pagkatapos ay ibinigay sa guwardiya at nilingon siya. Ang mga guwardiya man ay hinayon din siya ng tingin.

"What was that?" tanong niya nang nasa tabi na niya uli ito.

Nagkibit ito at muli siyang hinawakan sa palapulsuhan. "Showed them my office ID. Gave them my calling card and wrote your name at the back. Sabi ko kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo ngayong gabi ay ako ang hanapin nila."

"You're crazy!" she exclaimed. Hindi niya matiyak kung ano ang dapat niyang maramdaman. If it was excitement or uneasiness, she couldn't decide.

"Bakit mo ako sinundo?"

He frowned at her. "Dahil gusto kitang makilala pa nang lubos."

"Why?"

"Because I like you."

"Why?"

Lumalim ang kunot ng noo nito. "'Ayan ka na naman sa puro 'why.'"

"Eh, bakit nga?"

"Tinagalog mo lang ang tanong mo. So, why do I like you?" Tumango siya. "Truth is I don't know. You're not even my type..."

Napatuwid ng tayo si Caroline sa narinig. "I'm not your type?" Tumango ito pero nakangiti. 

"Same here. Hindi rin kita type. But for curiosity's sake, bakit hindi mo ako type?" Parang nasagasaan ang ego niya sa sinabi nito.

Aba, at ang payatot na ito ay diretsahang sinabing hindi siya type. Pagkatapos, heto at sinusundo siya.

Totoong hindi siya kasingganda ni Chanelle pero wala namang nagsabi sa kanyang pangit siya. Sabi nga ng marami, ang lakas daw ng sex appeal niya. Before Chanelle tried to get all the male's attention in their class, siya ang pinagkakaguluhan ng mga ito.

Ganoon pa man, lihim na nagpapasalamat siya kay Chanelle dahil doon. Hindi niya kayang makipag-usap sa mga boys ng kung ano-anong wala namang kawawaan o makipag-flirt kaya.

Mamaya pa ay pumara na ang taxi na kinawayan ni Shane at sumakay na sila. "Sabihin mo sa driver kung saan tayo," ani Shane. Sinabi niya ang address nila sa Sta. Mesa.

"Ow, malapit lang iyon sa NCBA. Bakit hindi ka roon nag-aral?"

"Ang lola ko ang namili ng unibersidad para sa akin. Sabi niya ay nag-aral din daw sa UE ang mother ko." Sinulyapan niya ito. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko..."

"Ah, oo nga pala." Sinulyapan din siya nito. "Hindi ka matangkad..."

Nanlaki ang mga mata niya. "Sa tingin mo, pandak ako?"

"Ano ang height mo?"

"Five-three... almost..." pabagsak niyang sagot.

"O, di hindi ka nga matangkad. I'm five-eleven something. Halos six footer na. Chances are, baka tumaas pa ako..." He grinned at her teasingly. "Pansin mo, kapag kinakausap kita'y nakayuko ako sa iyo? At ikaw ay nakatingala sa akin?"

"So?"

"Perhaps when we kissed—"

"What?!"



************Maraming salamat mga beshies, sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal. Patuloy kayong mag-ingat para masaya tayong lahat char. Mahaba-haba pa ang kuwentong ito at back to work na muna ako mga beshies. Enjoy reading at pasensya na kung natagalan sa pag-uupdate. -Admin A *********

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon