45

7.4K 225 8
                                    


ARAW ng kasal nina Matt at Caroline. Ang ilang bisita na kasosyo ni Matt sa negosyo ay naka-check in sa Hotel Hannah kasama ng kani-kanilang mga asawa. Alam din ni Matt at Caroline na dumating sina Janet at Chanelle dahil sinabi ng clerk na inokupa na ng mga ito ang reserbadong silid para sa mga ito.

Isang silid sa hotel ang inilaan para sa bride at sa mga kasama nito upang mag-ayos. Naroon lahat sa silid ang mga babae kasama sina Hannah at Lola Serafina.

"Kay ganda mo, apo," nakangiting sabi ni Lola Serafina, inayos ang kuwintas sa leeg niya. Regalo ng lola niya sa araw na iyon ng kanyang kasal. Pag-aari nito ang kuwintas, bigay ng lolo nito noon ding kasal ng mga ito.

"Yeah," sang-ayon ni Hannah. "Ang ganda-ganda mo. Ilang minuto na lang ay mommy na kita." Then she pouted. "'Kainis lang kayo. Tuloy, hindi ako nag-bridesmaid. Bakit kasi wala kayong entourage?"

"Ito ang gusto naming kasal ni Daddy mo, Hannah. Simple lang subalit memorable." Hannah pouted. "Sige na nga. Ang importante ay magiging mommy na kita."

"Totoong nasira mo ang pangako mo sa akin, Caroline..." patuloy ni Lola Serafina. "Subalit wala akong maipipintas kay Matt, apo. Mahusay kang pipili ng lalaking pakakasalan."

Caroline smiled warmly at her grandmother. Pagkatapos ay sinulyapan ang mga kaibigan na kasalukuyang mine-make up-an. Amusement ang mga nasa mukha ng mga ito. Alam niyang maligaya ang mga ito para sa kanya.

"Huwag po kayong mag-alala, Lola," aniya. "Sabi naman ni Matt ay ipagpapatuloy ko ang pag-aaral sa susunod na semester. Naatraso lang po nang limang buwan ang aking pagtatapos. Mauunahan ako ni Raquel."

Raquel laughed. Tumayo ito mula sa stool at hinalinhan ni Lovelle at nilapitan siya. "Hush. By next semester nakapanganak ka na. At paano mong iiwan ang baby mo gayong ilang buwan pa lang?"

Napatingin si Caroline sa lola niya. Hindi malaman ang sasabihin. Kumulubot ang mukha ng lola niya sa pagngiti. "Sa akin iiwan ni Caroline ang apo ko sa tuhod, Raquel. Lamang ay kailangang may yaya. Ako lang ang superbisor."

Nagkatawanan ang lahat. Inayos ng make-up artist ang buhok ni Caroline na pinanatiling nakalugay. There was no veil, just a sapphire tiarra. Isang heirloom mula sa grandmother ni Matt. Ang pangkasal niya ay off-white empire cut na dinisenyo upang hindi mahalata ang kanyang tiyan—bagaman hindi pa naman halatang talaga ang tiyan niya dahil maliit magbuntis si Caroline—ay gusto pa rin nilang makatiyak. Lalo na si Lola Serafina.

Ang bahaging dibdib at balikat at maiksing manggas ay yari din sa manipis na lace na walang lining.Lumampas lang ang length ng wedding dress nang kaunti sa tuhod niya. On her feet, she was wearing a two-inch satin shoes.

Isang warning knock ang narinig nila at ilang sandali pa'y bumukas ang pinto. Si Matt na kay guwapong tingnan sa kanyang barong-Tagalog na yari sa Jusi.

"Ready, girls?" tanong nito para sa lahat. Subalit ang mga mata ay para kay Caroline lamang. 

"Beautiful!" he exclaimed softly.

Nag-quarter turn si Caroline and smiled at him. "Do I look like a pregnant bride?"

"Just perfect. And I don't really care if everybody will notice. I'd be a proud groom." Nilapitan nito si Caroline, hinapit at itiningala ang mukha niya rito. "I love you," he said emotionally. "Kung ako ay mamamatay at mabubuhay muli, ito pa rin ang pipiliin ko." He bent his head and about to kiss her when one of the make-up artists squirmed.

Nilingon nilang pareho ito. Alanganing ngumiti ang make-up artist. "Baka po masira ang makeup ng bride ninyo, sir. Ilang sandali na lang po at magsisimula na ang kasal..."Muling nagtawanan ang lahat. Atubiling binitiwan ni Matt si Caroline. "See you downstairs..."

Ngumiti si Caroline at sinundan ito paglabas sa pinto at banayad iyong isinara. Pagkatapos ay ikinawit ang mga braso sa leeg ni Matt. "You'll have your kiss."

Matt laughed as he claimed her lips. Masuyong tumugon si Caroline. Matt groaned, bago atubiling pinakawalan ang mga labi niya pero hindi ang pagkakayakap sa baywang niya.

"Now you're prettier, natural ang pula ng lips mo," he said huskily, desire shadowed his eyes. 

"This is the happiest day of my life, Caro. Like I am a brand-new man."

"Not the other day?" she teased. Noong isang araw pagkakuha nila ng lahat ng mga requirements ay dinesisyunan nilang magpakasal sa mismong mayor ng bayang iyon. Raquel and Lovelle stood as witnesses. All were thrilled. Dahil ayon sa mga ito ay para silang tumatakas upang magpakasal.

"That, of course," sagot ni Matt. "Pero ang araw na ito ang kumpirmasyon ng kasal natin noong isang araw. Sasaksihan ng lahat ang pag-iisang-dibdib natin."

"You're getting romantic, old man," she teased.

"Let's see tonight who's old."

"A threat?"

"A promise."

Caroline laughed. Nitong nakalipas na araw, sa kabila ng lahat ay kay dami niyang dahilan upang tumawa. At lahat ng iyon ay dulot ni Matt. Muling inangkin ni Matt ang mga labi niya. At si 

Caroline ay muling nagpaubaya. Tumutugon sa init.

Mabilis na naghiwalay ang dalawa nang bumukas ang pinto at lumabas si Lola Serafina na nakaangat ang mga guhitang kilay. "Sabi ko na nga ba. Ano ba kayong dalawa at tinalo n'yo pa'ng napahiran ng pandikit. Limang minuto na lang at tutugtog na ang pianista," paalala anito.Caroline hid her laughter. Banayad na tinapik ni Matt ang ibabang likuran niya. "I'll see you."

Masuyo niya itong nginitian. Pagkatapos ay bumalik sa silid. Tinukso siya nang makitang nabura ang lipstick niya. Nakangiti siyang nagpa-retouch.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay na silang nagsibaba. Nasa bungad na sila ng entrada sa hardin nang magsimulang tumugtog ang piano kasabay ng pagkanta ng isang mang-aawit. "You Make Me Feel Brand New." It was Matt's choice of song. Ayon dito, mula nang makilala siya ay tila ito bagong tao.

My love

I'll never find the words, my loveTo tell you how I feel, my loveMere words could not explainPrecious love, you held my life within your handCreated everything I amTaught me how to live again...

Kung tutuusin ay si Caroline ang dapat magsabi niyon. Matt made her feel brand-new. He was there when she needed him. Believed in her through thick and thin.

Sa dulo ng hardin, sa makeshift altar ay naroon si Matt. He was smiling at her. Iniabot ni Lola Serafina ang braso sa kanya at kumapit siya roon. She stared down at her grandmother. Lola Serafin looked so proud and so happy.

Nagsimula silang lumakad maglola patungo kay Matt.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon