NANG sumunod na mga araw, hanggang sa magpasukan ay naging bahagi na ng araw-araw na buhay ni Caroline si Matt. Tumatawag ito sa kanya sa paraang hindi siya nasasakal. Karaniwan na ay natitiyempo ang tawag nito sa mga sandaling nagsisimula na siyang mag-isip muli kay Shane.
Hindi man niya gustong aminin ay tinutulungan siya nitong huwag ituon ang buong pag-iisip kay Shane. Kahit paano ay natuto siyang muling ngumiti. Natuto siyang ibaon sa sulok na bahagi ng puso niya ang mga alaala nila ni Shane.
Sa mga lakad nila, kung hindi si Raquel ay si Hannah—na tuwang-tuwa—ang kasama nila. Hindi pa nangyaring niyaya siyang lumabas ni Matt na sila lang dalawa. At ipinagpapasalamat niya nang lihim ang pagiging makonsidera nito sa damdamin niya. Ni hindi ito nakikipag-usap ng tungkol sa layunin nito sa kanya.
Matt was giving her time to heal and recover slowly. Sa tulong nito. Sa pamamagitan nito. Subalit hindi sa paraang isinisingit nito ang sarili. He was just there. Silently offering himself as her anchor.
Nagmamay-ari si Matt ng limang franchise ng isang kilalang pizza parlor na nagke-cater sa A and B customers sa ilang mall sa Quezon City at Makati. Sa isa sa mga branch nito sa isang mall sa Quezon City sila inalok ni Matt na mag-OJT ni Raquel. Ayon kay Matt, kung napakalapit lang daw sana ng Coron ay mas gugustuhin nitong sa Hotel Hannah sila mag-OJT ni Raquel, lalo at ayon iyon sa kurso ni Caroline.
Hustong dalawang buwang mahigit mula nang magkakilala sila ni Matt sa Coron nang ipasya niyang lumabas kasama ito nang walang chaperone. Nananghalian sila sa Yakimix sa loob ng mall.
"Why here, Matt? Sayang lang ang ibabayad mo dahil hindi ako pang-smorgasbord..." natatawang sabi niya.
"Dapat ba ay sa isang cozy restaurant kita dinala, sa isang candlelit dinner? I would have preferred that. Pero alam kong gusto mong lagi tayong napapaligiran ng maraming tao."
She blushed. "Hindi naman. Kaya lang, paano ko ba susulitin ang halaga ng bawat isa?" "You don't have to, Caroline. Kung ano lang iyong gusto mong kainin. At least, you have choices. Alam ko na ngayon na gusto mo ng Chinese food. Huwag mong kainin ang ayaw mo."
"On our really first date..." she said with a smile, nilaro ng chopsticks ang pagkain.
"This is actually our second date," Matt said softly. "Ang una ay sa hotel sa Coron...""Oh."
Sa manaka-naka at wala namang halagang pag-uusap ay tahimik na kumain ang dalawa. Maliban sa pasulyap-sulyap sa kanya ay tahimik na kumakain si Matt. An hour later, si Matt na ang nagdala ng dessert sa kanya sa mesa.
"Hindi mo ba itatanong sa akin kung bakit pumayag akong lumabas tayo na hindi kasama si Raquel?"
Nagpunas ng bibig si Matt at sumandal at mataman siyang tinitigan. "Hindi ko gustong magtanong, Caroline. Baka hindi ko gugustuhin ang maririnig ko." Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. Fear crossed his eyes. Pero iglap din nitong naitago iyon.
Tumigil na rin siya sa pagkain. Ini-relax ang sarili at humugot ng malalim na hininga. "Gusto kitang pasalamatan sa lahat ng ginagawa mo sa akin... sa amin ni Raquel..."
Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya at naghihintay ng kasunod na sasabihin. His face remained passive.
"You can't keep on doing this..." she said wearily, para bang hindi makaapuhap ng tamang sasabihin.
"Doing what, Caroline?"
"You know what I mean..."
"You know why I am doing this."
"Why, Matt? Hindi ka nakatitiyak ng magandang resulta..."
"I love you, Caroline..."
"Oh."
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
Storie d'amoreIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...