"ANG BAGAL magpatakbo nitong si Mike!" reklamo ni Chanelle sa mataas na tinig. Pinagpagan ang jeans ng imaginary alikabok. "At palitan mo na nga kasi iyang bike mo, Mike. Ano ba iyan? 90 cc lang?"
"It's 250 cc, Chanelle," salo ni Shane. "Hindi naman kailangan ni Mike ng malaking motorsiklo sa trabaho niya. Malapit lang ang dorm niya sa university, alam mo iyan."
Isang di-komportableng ngiti ng pasasalamat kay Shane ang pinakawalan ni Mike. Kung araw lang at hindi ang night lamp sa poste ang tanglaw ay malamang na makikita ng lahat ang pamumula nito.
"Tuloy, tagal ninyong naghintay dito sa labas," patuloy ni Chanelle at hinagod ng tingin si Caroline.
"Oh, we didn't mind waiting," ani Shane. "Nagpapasalamat nga akong medyo natagalan kayo. May mahalaga kaming pinag-usapan ni Caroline." Shane smiled at her.
Chanelle opened her mouth to say something but changed her mind and kept quiet. Agad na itong nagyaya na pumasok na sila sa loob ng videoke bar. Umaasa si Caroline na walang bakante sa bar. Subalit sa gulat niya ay napag-alaman niyang may reservation na ito roon. At sa silid na ipina-reserve nito ay naroroon at naghihintay na ang dalawang barkada nito, sina Juvy at Amy.
"What took you so long?" salubong ni Amy, sabay beso-beso ng mga ito kay Chanelle. Binati rin ng mga ito sina Mike at Shane na sa tingin ni Caroline ay magkakakilala. Huli siyang binati ng dalawang babae.
Ilang sandali pa'y isine-serve na ng waiter ang pagkaing nauna nang in-order nina Amy at Juvy. Habang nagkakaingay sa pagkukuwentuhan ang tatlong babae at si Mike, tahimik silang dalawa ni Shane at inabala ang mga sarili sa pagkaing nakalatag sa coffee table.
Si Shane ay tila walang pakialam sa paligid. Ipinagbabalat siya nito ng hipon at inilalagay sa plato niya. Na para bang pinagbibigyan lang nito ang mga kaibigan. Hindi rin nag-aangat ng tingin si Caroline dahil alam niyang sa kanya lahat nakatingin ang tatlong babae.
Napansin niyang hindi gaanong kumakain si Shane. Pasubo-subo lang. At mas nasa pagbabalat ng hipon para sa kanya nakatuon ang buong atensiyon nito. And she was amazed the way he skillfully unshelled the shrimps with his fork and spoon.
"Bakit hindi ka kumakain?" pabulong niyang tanong dito.
He shrugged. "Parang wala akong gana. Kumain ka."
Kung nagugutom man siya ay tuluyan na iyong naglaho pero pinilit niyang kumain upang pagbigyan ang nobyo.
Isinasali ng mga babae si Shane sa usapan na sagutin-dili rin nito. Kung mayroon mang bagay na nakapagpapaluwag ng dibdib niya sa grupong iyon ay iyong katotohanang ibinigay lahat sa kanya ni Shane ang buong atensiyon nito.
"Hey, Shane," tawag ni Chanelle. "Are you okay? You're quiet."
He smiled and it didn't reach his eyes. "I'm good, Chanelle. Huwag mo akong intindihin."
Nang matapos kumain at nailigpit na ng mga waiter ang pinagkainan ay nagsimula na ang kantahan. Si Shane ay sinikap na pagitnaan nina Chanelle at ni Amy. Si Caroline ay nasiksik sa sulok.
Subalit tumayo ang binata at sa kabilang dulo ni Caroline naupo, sa mismong malapit na sa dingding. Inaantok daw ito. Inakbayan siya nito at isinandal din sa dingding kasabay nito.
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chanelle. "Ang OA ninyo, ha. Sobrang PDA iyan." But both Caroline and Shane ignored her.
Itinuon ni Chanelle sa pagkanta ang pagkabuwisit. She wasn't a bad singer but wasn't that good either. Nakikanta na rin kasabay nito ang dalawang mga kaibigan nito. Si Mike ay nanatiling nakatitig kay Chanelle. Like a puppy.
"I'm tired, Caro," he whispered. "Kung makakatulog ako sa balikat mo ay gisingin mo ako, ha. Baka mabigatan ka."
"You're payat, bakit ako mabibigatan?" she teased and kissed his temple.
Shane moaned and pulled her closer. He intertwined his fingers with hers and then closed his eyes. Mayamaya lang ay bumigat na ang kanang balikat ni Caroline. Naiidlip na ito at walang pakialam sa ingay ng mga nagkakantahan sa loob ng silid. Inalalayan niya ang ulo nito upang huwag dumausdos.
"Ang kill joy naman niyang si Shane!" singhal ni Chanelle sa pagitan ng pagkanta at inirapan sila.
"Ang sabi niya'y pagod siya, Chanelle," pagtatanggol niya sa nobyo. "Nag-overtime pa sa trabaho nang magkasunod na tatlong araw."
Hindi siya sinagot ni Chanelle at nagpatuloy sa pagkanta kahalili ang mga kaibigan. Pagkatapos ng tatlong kanta ay padabog itong tumayo.
"Hmp! Umalis na nga tayo. Tama na nga!" Walang lingon at padabog itong lumabas ng videoke room. Nagsunuran sina Amy at Juvy.
Si Mike ay alanganing nginitian siya. "Mahirap talagang ispelingin iyang si Chanelle." Tumayo na rin ito. "Gisingin mo na iyan, Caroline..." anito bago lumabas ng videoke room.
She stared at Shane lovingly. Parang bata ito sa payapang pagtulog. Hinawi niya ang buhok nito pabalik at dinampian ng halik sa noo. Hindi niya ito gustong pigilin sa pagtulog pero kailangan na talaga nilang umalis.
Naghintay pa siya ng dalawang minuto bago banayad niya itong tinapik sa pisngi. "Hey. Wake up. Tayo na lang ang naiwan dito."
Umungol si Shane. "Wake me up with your kisses, Caro..." he said huskily, inabot ang leeg niya at ipinayuko siya at hinagkan sa mga labi.
Tumugon ng halik si Caroline, mapusok. His tongue played inside the crevices of her mouth. Napaungol silang pareho. At tuluyan na talagang magpapadala sa damdamin niya si Caroline nang biglang bumukas ang pinto ng videoke room at pumasok ang waiter.
Other times, nais niyang makadama ng pagkapahiya. Subalit alam niyang hindi na sila magkikita pang muli ng waiter. At kung sakaling maligaw man sila uli sa lugar na iyon, duda siya kung matatandaan ng waiter ang mukha niya.
Shane took time in letting go of her lips. He smiled at her. "Now, I'm awake."
She rolled her eyes. Naunang tumayo.
Muli silang nasa daan upang ihatid siya sa apartment nila sa Sta. Mesa. Sa pagtataka niya ay ipinasok ni Shane ang motorsiklo sa loob ng gate ng apartment.
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...