29

7.5K 227 16
                                    


MATT sighed. Natitiyak na niya sa sariling may damdamin siya sa babaeng ito. Walang laman ang isip niya pagkatapos itong maihatid sa bahay nina Raquel kundi si Caroline. Kulang na lang ay hilahin niya ang mga oras para dumating na ang oras ng pagkikita nilang muli. The suddenness of his feelings shocked him. Right from the moment he saw her boarding the plane.

At bagaman hindi naman na siya umaasang makikita pa itong muli ay manaka-nakang inokupa ni Caroline ang pag-iisip niya nang sumunod na mga oras. At nang makita ito kinabukasan sa bangka ay tila gustong mag-umalpas ng puso niya mula sa dibdib niya. He was given that rare chance at wala siyang balak na ipagsawalang-bahala iyon.

Wala nang bakanteng bangka nang tumawag si Raquel. Alam niyang ang opisina niya ang unang tatawagan ni Raquel. Naroon siya nang kausapin ito ng sekretarya niya at nang sabihin nitong isang tao lang ang guest ay pinayagan na niyang makisabay ito sa kanila ni Hannah.

Hindi niya matiyak kung dapat ba niyang pagsisihang nagkita silang muli pagkatapos mapakinggan ang kuwento nito. Natitiyak niyang wala siyang pag-asa rito, lalo kung makapag-isip-isip si Shane at muling magbalik.

Kailangan siya sa Manila sa makalawa. At tapos na rin ang bakasyon ni Hannah. But his business could wait. He wouldn't give up his small chance of knowing this young woman. Na makasama ito sa kabuuan ng dalawang linggong bakasyon nito dito sa Coron. Kahit na nga ba wala namang magandang kahihinatnan iyon at magdudulot lamang ng kabiguan sa puso niya.

He had never felt this way with any other woman. Not even with Adelle, his late wife. Not that he didn't love Adelle. He did, in his own way. Subalit hindi marahil sila magpapakasal nito kung hindi ito nagdalang-tao kay Hannah.

Adelle was an independent woman. Minsan na nitong sinabi na kung mag-aasawa ito ay hindi sa panahon ng kabataan nito. Na kung mag-aasawa ito ay sa edad na kuwarenta. For companionship. Maybe in the States. That was when they started a fling. No commitments.

But Hannah happened accidentally. Pareho nilang hindi inaasahan iyon. She was on pill. For whatever reason, pumalya ang mga pildoras. Pareho nilang ipinasyang magpakasal alang-alang sa bata. Nang ilabas sa mundong ito si Hannah ay gayon na lamang ang pagtataka niya na ang isang munting sanggol ay magdudulot ng ganoong kaligayahan sa kanya. Hindi niya pinagsisihang pinakasalan niya si Adelle.

Despite the circumstances of their marriage, Adelle had been a good wife. Mabuting ina. Responsable. May ulo sa negosyo. Malayong-malayo sa stepsister nitong si Janet na laging nakaasa rito gayong higit ang katandaan nito kay Adelle.

But there was something missing with their relationship. Hindi niya kayang tukuyin kung ano. Para bang ang lahat ay obligasyon lamang. Para bang ang bawat araw ay rutina. There was nothing exciting to look towards the end of the day.

Even their sex life had been passive. Isang obligasyon sa bahagi nilang dalawa upang subhan ang biological na pangangailangan. Not that he wasn't a good lover. Hindi siya kailanman pumalya sa pagdadala rito sa kasukdulan.

But with Adelle, no matter what he did, it was all and the same. Hanggang doon lang ang kakayahan at pananaw ni Adelle sa pagtatalik. Bahagi ng obligasyong pang-mag-asawa. Paggising niya sa umaga ay hindi na niya ito nagigisnan. Naroon na agad ito sa opisina ng hotel at inaasikaso ang mga bagay-bagay.

Gayunman, sa buong panahong magkasama sila ng kanyang asawa ay hindi niya ito kailanman pinagtaksilan. Sa kabila ng napakaraming tukso; ng mga babaeng nais na makuha ang kanyang atensiyon kahit pangmadalian. And Adelle would probably give a blind eye. She had even teased him about it—that she wouldn't mind.

But he had always believed in the sanctity of marriage. Believed in fidelity and honesty.

At nang mamatay si Adelle, hindi kailanman pumasok sa isip niya na muling mag-asawa sa kabila ng mga oportunidad na nakahantad. Kontento na siya na ibuhos na lang ang panahon sa kanyang anak at sa negosyo ng pamilya. He had a few flings once in a while. Pero ganoon lang. 

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon