14

7.8K 211 1
                                    

"SHANE, gagabihin kang lalo kung magtatagal ka..."

"Maghahatinggabi na, Caro," he said. His eyes imploring. "Ang layo pa ng Tagaytay."

Alanganing binuksan niya ng sariling susi ang apartment. Alam niyang tulog na si Raquel. At si Lovelle naman ay bukas na ng umaga ang uwi. Pati na rin si Nemia na sa may ibaba ng kama ng dalawa natutulog.

She looked at him. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin dito.

"Caro, please." Sumunod ito sa kanya pagpasok sa apartment. "Kanina pa masakit ang ulo ko. Kaya marahil nakatulog ako kanina sa videoke bar. Hindi ko gustong mag-drive nang ganito ang pakiramdam."

"W-when we kissed... doon sa videoke bar, mainit ang bibig mo. I thought... I thought..."

"You thought I'm just so hot for you..." Umiwas siya ng tingin. He smiled at her tenderly. "Believe me, that, too." Tuloy-tuloy ito sa sofa at naupo roon. He stretched his long legs tiredly. Inihilig ang ulo sa sandalan.

Nilapitan niya ito at dinama ang noo. She frowned. "Mainit ka nang kaunti. Wait, kukuha ako ng paracetamol sa medicine cabinet." Tinungo niya ang banyo sa may kusina at kumuha ng paracetamol mula sa maliit na medicine cabinet doon. Naglagay ng tubig sa baso mula sa pitsel at dinala pabalik sa sala.

Nakapikit ito habang nakasandal sa sandalan ng mahabang sofa. Siguro nga ay masama ang pakiramdam nito. At marahil iyon ang dahilan kaya wala itong ganang kumain kanina. Ibinigay niya ang paracetamol at tubig dito. Ininom naman iyon ni Shane.

"I'll be fine here," anito at ibinaba ang baso sa coffee table. Tinapik-tapik nito ang leatherette sofa. "Iwan mo na ako rito. I'll leave first hour in the morning. Hindi mo mamamalayan. Mauuna pa akong magigising kay Nemia."

"Magbababa ako ng unan at kumot."

"Don't bother, darling. These big throws are more than enough." Inabot nito ang malaking throw pillow at inilagay sa armrest ng mahabang sofa. "Besides, hindi naman malamig. Go upstairs. Ako na ang bahala sa sarili ko."

She didn't know what to say. Kinakabahan sa maaaring sasabihin ng mga kaibigan kinabukasan. Pero hindi rin naman niya maaaring pauwiin na lang si Shane gayong nakikiusap itong masama ang pakiramdam. Mula sa kanila ay mahigit dalawang oras ang biyahe pabalik sa Tagaytay, kung saan ito nakatira kasama ng mga magulang.

At totoo namang mainit ito nang damhin niya kanina. Malamang na may kaunting lagnat. Binuhay niya ang lampshade sa gilid at pinatay ang main light. Papanhik na siya sa hagdan nang tawagin siya ni Shane.

"Hey. I need a good-night kiss."

Binelatan niya ito at tuluyan nang pumanhik. Naririnig pa niya ang mahinang tawa nito. Sa landing ay pinakiramdaman niya ang kabilang silid. Mababanaag sa siwang sa ibaba ng pinto kung may ilaw pa ang kabilang silid. Subalit madilim na iyon. Tulog na tulog na ang dalawa. Mag-aala-una na ng madaling-araw.

She sighed. Sinusian ang silid niya at pumasok.Inabot niya ang bata de roba sa may likod ng pinto at ipinalit sa hinubad niyang damit. She went down after a while quietly. Tinungo ang banyo at naglinis ng katawan at nag-toothbrush. Pagkatapos ay pinatay ang mga ilaw.

Sinilip niya si Shane sa sala bago pumanhik. Sa anyo nito ay nakatulog na ito. Matangkad ito para magkasya sa sofa. Nakababa ang isang binti at ang isa ay nakalawit sa kabilang armrest.

Gusto niyang maawa. Naroon ang pagnanais na gisingin ito at papanhikin sa itaas upang pahigain sa kama niya. Though her bed was also small, he would be comfortable. Pero inawat niya ang sariling gawin iyon at walang ingay na bumalik sa silid niya. Nagpalit ng pajamas at nahiga na.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon