IKALAWANG araw na nakabalik sila sa Maynila ay niyaya ni Matt si Caroline upang makipagkita sa mga itinuturing nitong kamag-anak. His wife's older stepsister, Janet, and her daughter Nelly.
Tinawagan muna nito si Janet upang makatiyak na nasa bahay ito pagpunta nila.
"Wala akong responsibilidad sa mag-ina, Caroline. By blood, hindi related ang asawa ko kay Janet," ani Matt habang nagmamaneho. "Still, out of respect, nais kong ipaalam sa kanila na mag-aasawa akong muli."
"It's okay. Maituturing mo na rin silang kamag-anak. What about you? Sabi mo ay twenty ka pa lang nang mamatay ang mga magulang mo. Hindi ka ba nahirapan?"
Matt grinned. "Parang ngayon pa lang tayo nagsisimulang magkakilala, 'no?" Caroline laughed. Lahat ng bagay sa buhay niya ay parang kidlat. Magmula kay Shane hanggang ngayon kay Matt. Oh, she knew that his parents died in the States when he was twenty. Naikuwento na sa kanya ni Matt iyon sa isa sa mga paglabas-labas nila. At nagtapos ito ng business administration.
"Hindi madali. Buong buhay ko ay nariyan sila. Pero tinuruan ako ng mga magulang kong maging independent sa maraming bagay. Malaking tulong iyon at natutuhan kong pakitunguhan ang nangyari at tapusin ang pag-aaral ko sa Amerika.
"May naiwan naman sa akin ang mga magulang ko. Kasama na ang kanilang life insurance, labis-labis iyon. Bumalik ako rito sa Pilipinas nang magtapos ako ng kolehiyo. Hindi ko gustong sa ibang bansa magtrabaho at manirahan..."
"How did you meet your wife?"
"Kakilala ng kakilala. Nagkapalagayan ng loob. Moderno ang pananaw ni Adelle. As independent as I am. Napag-usapan namin na walang commitment..."
"Really?" Umangat ang mga kilay niya.
He grinned. "Iyon ang plano. We'll be together until we get tired of each other. But Hannah happened. Hindi sinasadya. She was on pill. Hindi niya balak mag-asawa until she was forty. Kontento na siya sa fling. Pero hindi niya nais matulad kay Janet ang buhay niya na ang anak ay walang kinikilalang ama..."
"Ouch!" she joked.
Nilingon siya ni Matt at nang makitang nakangiti siya ay nagpatuloy. "Ipinasya naming pareho na magpakasal alang-alang sa bata..." May ilang sandali itong pinalipas bago nagpatuloy.
"We both loved Hannah. She's the center of our universe. Ang ano man sigurong pagkukulang sa bahagi namin pareho ay nawawalan ng kabuluhan dahil sa aming anak."
Tumango-tango siya. Ten minutes na silang nakahinto sa traffic. "How did she die?"Pinausad ni Matt ang sasakyan nang umusad ang nasa harapang sasakyan. "Nahulog siya sa hagdan sa bahay namin. Napasama ang tama ng ulo niya sa huling baitang..." He paused, his face was grim. "Isa na rin iyon sa mga dahilan kung bakit ninais kong iwan ang bahay kina Janet at Nelly. Hannah saw her mother bleed to death. Kararating lang niya galing sa school at dinatnan si Nelly na tili nang tili at dinadaluhan si Adelle."
Mahabang katahimikan ang namagitan. Umusad na muli ang traffic sa mabagal na pagtakbo ng mga sasakyan. Caroline broke the silence. "This Janet, paano sila naging mag-stepsister ng wife mo?"
"Long story..." he said with a sigh.
"I have all the time. Traffic naman, o." Inginuso niya ang mabagal na paggalaw ng mga sasakyan sa Aurora Boulevard.
"Pareho nang biyudo at biyuda ang papa ni Janet at ang mama ni Adelle nang magkakilala ang mga ito. Adelle was fourteen when her mother married Janet's father. Janet was five years older at may anak na dalawang taong gulang, si Nelly." Matt paused.She mentally computed Janet's age. "Janet got pregnant at sixteen?"
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...