43

7.5K 240 12
                                    


MATT was pacing around the room when Caroline entered the living room. Isinara ni Caroline ang pinto pagkapasok at sumandal roon. Pareho nilang narinig ang arangkada ng motorsiklo at ang paglabas niyon sa gate.

For a while, they stood there staring each other. Malayang umaagos ang mga luha sa mga pisngi ni Caroline na nagpabiyak sa puso ni Matt.

"Are you all right?" Matt asked gently. Sa pakiramdam niya ay tumanda siya nang maraming taon at nanghihina. Fear and uncertainty filled his chest. He had never felt this way in all his life. Until now. Because of this woman that he loved so much.

Sapilitang tumango si Caroline. Nilapitan niya ito. Itinaas ang baba at hinagod ng tingin ang mukha. He'd etched her face in his heart until his last breath. Pinunasan niya ng mga palad ang mga luha nito.

"Lagi mong ginagawa iyan. Tumatango gayong hindi," he said. "You love him still?" It was more of a statement than a question.

"Do you want me to lie?" she whispered.

Yes, lie! Dammit, lie if you must. Please... please... Matt thought desperately.

But he shook his head instead. Matagal na niyang tinanggap na may ibang lalaking nagmamay-ari ng puso ni Caroline. Umaasa siyang sa pagpapakasal nila ay magagawa niyang ibaling ang pag-ibig nito sa kanya. Kahit na ikamatay niya ang pagsisikap na iyon.

But he'd be a fool if he wanted her to lie. "Inihanda ko na ang sarili ko sa sandaling ito." Nagpakawala siya ng hininga para lumuwag ang dibdib niya. "Matagal ko nang naisip ang posibilidad na magkikita kayong muli... at posibleng magkasundo."

"I love him so," she whispered in the brink of another tears.

"And?" he asked painfully. Tila may dumagok sa dibdib niya.

"Hindi ko nais pang balikan ang nakaraan, Matt. Sinaktan niya ako. He didn't even lie about Chanelle."

Matt's sigh of relief echoed around the four corners of the living room that it almost weakened his knees.

"Ikaw?" Tumitig si Caroline sa mga mata niya. "Mamahalin mo pa rin ba ako kahit alam mong mahal ko pa rin siya? Na taglay ko sa sinapupunan ko ang katibayan niyon?"

"I'll take my chance, Caroline. Gagawin ko ang lahat ng paraan para malimot mo siya. And then, mamahalin mo rin ako. Hindi marahil katulad ng pagmamahal mo sa kanya pero mamahalin mo ako. Hihintayin ko ang sandaling iyon. At ako ang kikilalaning ama ng dinadala mo," he said with conviction.

"Then hold me, Matt. Hold me. Don't let me go."

Niyakap niya ito nang mahigpit. Kung maaari lang niyang mapahinto ang orasan sa mga sandaling iyon habang kayakap niya ito ay gagawin niya.

Caroline cried unabashedly. Sa dibdib niya. Walang salitang namutawi sa pagitan nilang dalawa sa sumunod na mga sandali. Walang maririnig kundi ang pag-iyak nito... ng buntong-hininga niya at ang pagsisikap na huwag sumabay sa pag-iyak nito.

Matt kissed the top of her head. Holding her tight. And yes, he could let her go. Tumalikod at ipaubaya si Caroline kay Shane. But he'd rather die than do that. Ipaglalaban niya ang pag-ibig kay Caroline hanggang sa huling sandali ng buhay niya.

Hindi niya alam kung tama ang ginagawa. Ang alam lang niya'y iniibig niya ang babaeng ito. And he'd fight for her love. Right or wrong. Patas man o hindi.

MABILIS ang pagpapatakbo ni Shane ng motorsiklo pauwi sa Tagaytay. It was a Saturday. Traffic ang Makati dahil pauwi ang mga tao subalit hindi niyon naawat ang pagsikot-sikot niya sa mga sasakyan. Muntik-muntikanan siyang madagil ng mga sasakyang nadadaanan niya.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon