27

8.4K 229 8
                                    

"DON'T leave me!" she screamed in panic.

Agad na lumangoy pabalik si Matt. "Narito lang ako, Caroline. Hindi kita iiwan. Gusto ko lang na ikaw mismo ang masanay na lumubog at magpaikot-ikot sa tubig para unti-unti mong matanggal ang takot mo."

Gusto niyang masuya sa sarili. Para bang nakadepende na kaagad siya rito. Umiwas siya ng tingin. She looked around the vast sea. Pagkatapos ay sa mga batong-bundok sa paligid ng Twin Lagoon. Such a majestic place! Kung sana ay marunong siyang lumangoy. Nilingon niya ito at nahuling nakatitig ito sa kanya. She took a deep breath. "H-how do we get to the other lagoon?"

Umangat ang mga mata nito sa kabilang lagoon na marahil ay dalawampu't limang metro mula sa kinalalagyan nila. Pinalis nito ng kamay ang tubig sa mukha. "Puwede sa kayak. May maliit lang na lagusan at kasyang-kasya ang plastic canoe. Hindi kalakihan ang lagusan at makikita mo kapag low tide. Sa ngayon ay hindi mo iyon matatanaw. Maaari ding languyin pero kailangang mahusay kang lumangoy at 'di natatakot."

Marahas siyang umiling. "Hindi ako marunong lumangoy."

"Madali namang matuto," anito at lumangoy palapit sa kanya at nag-tread sa tubig. "The water is fantastic, Caroline. Nagtatagpo sa lagoon ang tubig-tabang mula sa mga bundok at ang tubig-dagat."

Yumuko siya at tiningnan ang tubig. "Kanina ko pa gustong itanong sa iyo kung bakit magkakaiba ang temperatura ng tubig. Kanina." Nilingon niya ang ilang hakbang na pinanggalingan, "malamig ang tubig doon. Dito ay maligamgam..."

Matt grinned. "Fantastic, isn't it? The wonders of Mother Nature."

Napilitan siyang ngumiti at tumango. Nakakahawa ang pagngiti nito. "It is. Ngayon ko lang naranasan ito... I mean, iyong tubig na bagaman iisa naman ay magkakaiba ang temperatura." Sinulyapan niya sina Raquel at Hannah na nagpapaligsahan sa paglangoy. Nais niyang mainggit. Sana'y marunong din siyang lumangoy.

"Inaalok ko ang sarili kong turuan kang lumangoy," ani Matt na sa wari ay nababasa ang iniisip niya.

"T-thank you. Pero wala akong panahon doon. In a few days, babalik na ako sa Manila..." She frowned at herself. Ang alam ni Raquel ay dalawang linggo siya sa Coron. Magkasabay silang babalik sa Maynila.

She didn't want to think of Shane. Pero nais na niyang liparin ngayon din ang Manila. Kinakabahan siyang baka nagtungo ito ng apartment ano mang araw at wala siya. But then she would know. Ipapaalam ni Lovelle o ni Nemia sa kanya iyon.

"Caroline to earth..."

She blinked. Nilinga niya si Matt. Mataman itong nakatitig sa kanya. And slowly, a smile curved his lips.

"Lumubog ka sa tubig, Caroline..."

Marahas siyang umiling. "N-no!"

"Trust me, little one," he said softly. "Humawak ka sa mga braso ko at lumubog ka nang mabasa naman ang ulo mo." Then he chuckled. "May naligo ba sa dagat na hindi nabasa ang ulo?"At bago siya muling umusal ng pagtanggi ay napasinghap siya sa tubig na isinaboy sa kanya mula sa tagiliran niya. At sinundan pa iyon ng isa at isa pa.

"Hannah, stop it!" saway ni Matt sa anak sa mariing tono. Hannah giggled. Pagkatapos ay lumangoy palayo sa kanila.

Sinundan niya ng tingin ang bata na kung lumangoy ay tila isda. Habang nakakapit ang isang kamay niya sa katig ay inihilamos naman niya ang isang kamay sa mukha niya. Nang bigla siyang may naisip. She stared at Matt, a triumphant and mischievous smile on her lips.

"Now, my hair's wet. Naligo na ako sa dagat."

Nag-echo sa paligid ang tawa ni Matt. Lumapad ang ngiti niya. Other times, she could like him despite the age. At napaka-obvious ang interes nito sa kanya. More than just obvious. Subalit iisa lamang ang puso niyang maaaring ibigay. At naipagkaloob na niya iyon kay Shane.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon