12

7.9K 224 2
                                    


PAREHONG dala nina Shane at Mike ang kani-kanilang bike. Parehong umangkas ang dalawang babae sa dalawang binata.

"Saan tayo?" tanong ni Shane na nilingon si Chanelle.

"Tulad ng dati, Shane," sagot ni Chanelle, makahulugang nginitian si Shane na wari ay may lihim na palitan ng sekreto.

Isiniksik pa nang husto ni Caroline ang sarili sa likod ni Shane at niyakap ito. Silly her. Pero gusto lang niyang inisin si Chanelle sa paraang alam niya. At hindi siya nabigo. Muling gumuhit ang galit sa mga mata nito.

Tumatakbo na ang motorsiklo ni Shane sa kahabaan ng España Extension. Gusto sana niyang tanungin ang kasintahan kung saan sila patungo pero ipinagparaan na niya iyon. Inisip na lang niya na dati namang magkakabarkada ito at sina Chanelle kaya normal na may hang out ang mga ito.

Napansin ni Caroline na Quezon Boulevard na ang tinutumbok nila. At ilang sandali pa ay nasa videoke bar na sila. Naunang dumating sa tagpuan sina Shane at Caroline. Hindi naman nakapagtataka dahil Honda Shadow Aero 750 ang bike ni Shane. Samantalang si Mike ay pangkaraniwan lamang ang motorsiklo. Bukod pa roon ay mabilis ang pagmamaneho ni Shane.

Nakaparada na sila sa isang bahagi ng parking lot. Sa dami ng sasakyang nakaparada ay natitiyak ni Caroline na puno ang videoke bar. Bumaba ng bike ang nobyo samantalang nanatili siyang nakaupo.

"Sana'y tumanggi ka kaninang sumama tayo," anito.

Nanlaki ang mga mata niya. "Eh, bakit hindi ikaw ang tumanggi? Mga kaibigan mo ang mga iyon, ah."

He shrugged. "Gusto ko rin namang dalhin ka sa ganitong lugar at mag-enjoy. Pero mas gusto kong tayong dalawa lang. At hindi sa oras na ito. I'm kinda tired."

Tinitigan niya ang mukha nito. He looked haggard. Bahagya na niyang napansin iyon kaninang isinasayaw siya nito. "Eh, di pagdating nila ay magpaalam tayo."

"Too late for that." He grimaced.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Nilinga ni Shane ang pinanggalingan. Marahil ay inaaninag kung parating na ang dalawa.

"Lagi kayo rito?" tanong ni Caroline.

Ibinalik ni Shane ang tingin sa kanya. "Noong narito pa sa Pilipinas si Joshua ay halos linggo-linggo kaming narito," he said. "Dito ang paboritong hang out ni Joshua. Mahilig iyong kumanta..." Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito sa alaala.

"Frustrated singer iyon," patuloy nito. "Sana'y nagkakilala kayo. Natitiyak kong magugustuhan ka niya." He added the last sentence softly and stared at her with love in his eyes. Kapagkuwa'y hinawakan siya sa batok at mariing hinagkan.

She moaned and kissed him back. Makalipas ang ilang segundo'y nag-angat ng mukha si Shane. His eyes were hooded with desire. "God, you taste so sweet..." he said huskily, pinahiran ng hintuturo nito ang mamasa-masa niyang mga labi. "Given a chance, I could devour you."

Binale-wala niya ang sinabi nito. Hindi niya gustong i-acknowledge na pareho sila ng nararamdaman. "Mahalaga bang gusto rin ako ng mga kaibigan mo?" tanong niya para sa naiwang sinabi nito bago siya hinagkan. Gusto niyang alisin sa katawan ang init na sinindihan nito.

"Hindi mahalaga kung gusto o ayaw nila sa babaeng mahal ko, Caro..." Hinawi nito ang buhok sa mukha niya at inipit sa tainga niya. "Tayo ang makikisama sa isa't isa, hindi sila."

"Sorry for asking..."

"It's a reasonable question. Wala pang isang taon mula nang umalis si Joshua. One of these days, ipakikilala kita sa kanya kapag nag-chat kami. We'll arrange that. Silang dalawa ni Mike ang matalik kong mga kaibigan, Caro."

Marahang tango ang isinagot niya. Idinikit ni Shane ang noo sa noo niya. "I want them to be my groomsmen when we marry."

Napatuwid siya ng upo. "W-what?" He chuckled. "No, I am not proposing yet. When I do, I'll make it memorable for both of us."

"W-when is that?" She blinked. She didn't mean to ask that. Baka sabihin ni Shane ay nagmamadali siya.

Inilagay nito ang kamay sa ilalim ng baba niya at itinaas iyon. His eyes caressed her face. "You will be my wife, Caro. I cannot imagine my future without you in it." Dinama nito ang tiyan niya. 


"You will bear my children..."

She smiled. "Children talaga, ha."

"Dalawa lang kami ni Ate Pauline. Gusto ko ng apat na anak," seryosong sabi nito. "But you need to graduate. And I need to pass the board and get myself a decent job. Iyong malaki ang suweldo nang sa ganoon ay may mapatunayan tayong pareho sa ating mga magulang. In your case, sa lola mo."

Hindi maunawaan ni Caroline kung bakit nag-init ang sulok ng mga mata niya. Nasa tinig ni Shane na seryoso ito sa sinasabi. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito at niyakap ang baywang nito.

Kahit siya ay hindi niya kayang isipin ang bukas na hindi ito kasama. She loved him so. Kung kaya lang niyang hilahin ang panahon upang mangyari ang gusto nito ay gagawin niya.

"First, I want to meet your grandmother..."

Napatingala siya rito, napuno ng bahagyang pag-aalala ang mga mata niya. "Baka sumama ang loob ni Lola sa akin. Sinuway ko siya..."

"Kakausapin ko ang lola mo. Ipapangako ko sa kanyang magtatapos ka. At na hindi tayo lalampas sa dapat lampasan..."

Ang isasagot niya ay hindi na niya naisatinig dahil sa pagparada ng motorsiklo ni Mike sa tabi ng motorsiklo ni Shane. Nagpupuyos na bumaba ng motor nito si Chanelle.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon