15

8.2K 221 3
                                    


HINDI gustong magmulat ng mga mata ni Caroline. Inaantok pa siya. Parang katutulog lang niya. 

At hindi niya maintindihan kung bakit gumigising siya. Unti-unti niyang iminumulat ang mga mata. Ang namulatan niya ay dilim. She frowned. Parang ilalim ng kung ano ang nakikita niya.

Mula sa pagkatagilid ay unti-unti siyang tumihaya. Napasinghap siya nang mamulatan ang mukha ni Shane na nakatunghay sa kanya mula sa sofa. Nakatukod ang isang kamay nito sa ulo at tinititigan siya.

"H-hi..." She was still disoriented. Sinisikap niyang paganahin ang isip niya kung bakit naroon si Shane at nakatunghay sa kanya.

"You are so beautiful," he whispered.

She blinked. Unti-unti ang pagbabalik sa isip ng nangyari at ang ginawa niya. She smiled sleepily. "Kagigising mo lang kasi. At hindi pa malinaw ang paningin mo."

He chuckled.

"What time is it?" Nilinga niya ang munting sala nila sa apartment. Sa dingding siya tumingin, sa kinasasabitan ng orasan. Hindi niya gaanong maaninag iyon dahil lampshade lang ang ilaw at hindi na inabot ng malamlam na liwanag ang bahaging iyon ng dingding.

"It's four thirty in the morning," ani Shane.

"Oh." She relaxed herself. Alas-singko y media pa ang gising ni Nemia. At si Raquel ay mamaya pang alas-siyete ang gising. Ibinalik niya ang tingin sa kasintahan. "B-bakit nga pala nagisnan kitang nakatitig sa akin?"

"I love watching you sleep. You were snoring..."

Umangat ang isang kilay niya. Her nose flared a little deliberately. "I don't snore."

Shane smiled. He bent his head, itinukod ang isang kamay sa sahig, and planted a soft kiss on her lips. "Good morning, love." Muli rin nitong ibinalik ang sarili sa dating puwesto bago bumangon at inayos ang sarili paupo sa sofa.

She frowned at him. "How long have you been watching me sleep?"

"A while..."

"Why?"

"Gusto kong memoryahin bawat linya ng mukha mo," he said tenderly. "Saka, ang laki ng nganga mo, ha."

Ngumiwi siya. "That's not true. If you are trying to embarrass me, then you are failing miserably."

Shane laughed. Hinawakan siya sa ulo at ginulo ang buhok niya na magulo na dahil sa pagtulog. 

"Just kidding. Ang ganda mong tingnan habang natutulog ka. Your lips parted a little. You are snoring softly. Totoo iyan, ha."

Hindi na niya kinontra ang sinabi nito. "Hindi na masakit ang ulo mo? Hindi ka na mainit?" He shook his head. "Must be the paracetamol." Kapagkuwa'y tinitigan siya nito. "Ano ang ginagawa mo riyan sa lapag at diyan ka natulog?"

Isang nahihiyang ngiti ang pinakawalan niya. Bumangon at naupo sa harap nito, lotus style. "Naisip kong mag-isa ka lang dito sa ibaba."

He was torn between his amusement and his love for this woman. His face tender as he looked at her. "So naglatag ka ng kumot at diyan sa malamig na baldosa natulog? Paano kung mapulmonya ka?"

Lumabi siya. "Sabi mo nga, hindi naman malamig." Tumaas ang isang kamay niya at dinama ang pisngi nito. "Hindi ka na nga mainit."

"Thank you." He cupped her face. "I love you, Caro. I only have one heart to give to you. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin..." he said huskily.

Inihimlay niya ang ulo sa binti nito. "I love you, too, Shane."

Isinuklay ni Shane ang mga daliri sa buhok niya. "Ipinangako ko sa mother ko na magiging isang lisensiyadong arkitekto ako, sweetheart. My mother wanted to be an architect. She never got the chance. Nag-asawa sila kaagad ni Papa. Kung hindi sa pangakong iyan ay itatanan kita at 

magpapakasal tayo."

Nag-angat siya ng mukha at lumabi rito. "How old-fashioned. Itatanan?"

He grinned. "It's kinda romantic. Don't you think so? Iyong pareho tayong mag-aalala kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko at ng lola mo pag-uwi natin..."

She made a face at him. Tuluyan na siyang tumayo. "Igagawa kita ng kape."

Bago pa siya makahakbang ay nahawakan siya nito sa braso. "Don't bother. Aalis na ako. Kapag nagisnan ako ni Nemia ay baka kung ano pa ang isipin."

Kumunot ang noo niya. "Are you sure? Hindi mo man lang ba gustong mainitan ang sikmura mo?"

"Sa bahay na. Thank you." Inayos ni Shane ang sarili at kapagkuwa'y hinapit siya at hinagkan nang mariin. Alam niyang nagpipigil lang ito na pahabain ang halik. Mabilis siyang pinakawalan. His thumb caressed her lower lip.

"Pagkasara mo sa pinto ay pumanhik ka sa itaas at matulog uli. I'll see you after class." Akma siyang susunod sa labas subalit pinigilan siya nito. "Madilim pa. I'll be fine. Lock the door."

Iginiya nito ang motorsiklo palabas ng gate. Ito na rin ang nagsarang muli ng gate at saka pinaandar ang bike. He blew her a kiss and waved good-bye. Gumanti siya ng kaway at hindi siya umalis sa pinto hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

Isinara na niya ang pinto at nagulat pa siya nang malingunan sa puno ng hagdan si Raquel. 

"Ginulat mo ako!"

"Bakit dito natulog si Shane?" Guilt flooded her face. "Raquel, walang masamang—"

"Hindi naman iyon ang itinatanong ko."

Caroline sighed. "Masama ang pakiramdam niya kagabi at hindi niya gustong mag-drive pauwi sa Tagaytay. Bukod pa sa madaling-araw na halos. B-bakit maaga kang nagising?"

Raquel sighed. "Nauulinigan ko na ang mga bulungan ninyo sa itaas. Gusto kong tiyaking walang mangyayari sa pagitan ninyong dalawa nang wala sa panahon," anito.

Nang hindi siya kumibo ay nagpatuloy ito. "Bumaba ako kagabi... technically kaninang madaling-araw para magtungo sa banyo. Bukas ang lampshade sa sala. Naisip kong naiwan mong nakasindi. Nagulat pa ako nang makita ko kayong dalawa. Si Shane ay himbing na himbing sa sofa at ikaw ay sa baldosa na kumot lang ang banig."

Naupo siya sa sofa. Niyakap at sinamyo ang malaking throw pillow na ginamit ni Shane. Naroon pa ang amoy nito. Raquel rolled her eyes. Kapagkuwa'y sinamsam niya ang kumot at tinupi at ipinatong sa ibabaw ng unan at kinipkip. Dumiretso siya sa hagdan at nilampasan ito.

"Hindi ako nanghihimasok, Caroline," pahabol nito. "Alam kong mabuting tao si Shane. Pero dahil kaibigan kita ay ayokong mapasubo kayo nang wala sa oras. Sinabi mo na sa akin ang pangako mo sa lola mo at ang nangyari sa nanay mo..."

Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan at nginitian ang kaibigan. "Thank you. Pero sabi mo nga ay mabuting tao si Shane. Marahil ay hindi ako tatanggi kung hihilingin niyang lampasan namin ang dapat lampasan. Pero may pangako ring binitiwan sa mga magulang niya si Shane."

"Get some sleep. Hindi na ako makakatulog. Lalabhan ko na lang ang ilang maruruming undies ko."

"Bakit hindi mo na lang hayaang gawin ni Nemia iyon?"

"Kaunting trabaho lang naman at hindi na ako makakatulog uli." Tumingala ito sa kanya. 

"Nabanggit na ba sa iyo ni Lovelle na balak niyang lumipat sa Eastwood?"

Nahinto ang akma niyang pagbubukas ng pinto. "Hindi pa kami nagkakausap."

"Kahapon din lang naman niya nasabi sa akin. Sasabihin niyang tiyak sa iyo mamaya pag-uwi niya."

"Greener pasture?"

Tumango si Raquel. "At malayo na iyong lilipatan niya dito sa atin. She said she might have to find another place. Kahit nalulungkot siyang magkahiwa-hiwalay tayo. It would be too expensive kung dito pa siya uuwi. Bale-wala rin ang itataas ng suweldo niya."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. May lungkot na gumuhit sa dibdib sa nalalapit na paghiwalay ni Lovelle. Kapagkuwa'y ngumiti. "Hindi naman ibig sabihin niyon na hindi na tayo magkikita-kita, 'di ba?"

"Oo naman. Besides, balak pa lang naman niyang lumipat."

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon