11

7.9K 222 1
                                    

SHANE'S eyes were smiling down at her. "Huwag kang pikon. Kahit pandak at chubby ka ay love kita."

Have you looked into your heart?

Have you searched through all your dreams?

Did you ever find a trace of me?

Kinabig pa siya nitong palapit sa dibdib nito. "I love you, Caro..." bulong nito sa tainga niya. "Sa iyo ko lang naramdaman ang ganitong damdamin..."

Even though you say we're through

That I'm not the one for you

Have you looked into your heart?

"Pagkatapos mo akong asarin, mag-e-emote ka diyan," pabirong sagot niya, and pressed her chest against his chest.

"Tell me you love me, too."

She stared into his eyes and said solemnly: "I love you, Shane. Always."

Kinabig siya ni Shane payakap habang isinasayaw. Isiniksik ang mukha sa leeg niya at banayad siyang hinahagkan doon. Napaharap siya sa kinauupuan ni ma'am Mercedes.Tila nangangarap ang matandang babae habang nakatingin sa kanila. Sa wari ay nasa ibang panahon ang isip.

Kumawala siya mula sa pagkakayakap ni Shane. "Tama na," pabulong niyang sabi.

"Tinitingnan tayo ni ma'am Mercedes. Nakakahiya."

Nang pakawalan siya ni Shane ay pumalakpak ang nakatatandang babae. "Thank you for indulging this old woman, Shane, Caroline. Ipinaalala ninyo sa akin ang aming kahapon ng aking asawa..."

Ever since we've been apart

All I do is pray for your return

Shane smiled. Ganoon din si Caroline at kinawayan ang matandang babae bilang pamamaalam.

"See you tomorrow, ma'am..." ani Shane at inakay na siya patungo sa pinto palabas.

Take a look and you will see

Maybe there's a place for me

Have you looked into your heart?

"I don't like that song..." ani Caroline nang nasa bukana na sila ng pinto dahil naririnig pa rin nila ang awitin.

"Dahil luma na?"

"Hindi iyon. Marami rin naman akong gustong lumang kanta. Paborito rin ni Lola ang istasyong iyon na pinakikinggan ni ma'am Mercedes. I just don't like that we danced that song. Parang hindi magandang pangitain. Tungkol sa naghiwalay."

Tumawa nang malakas si Shane. "Kanta lang iyon, Caro. Hindi mo dapat binibigyan ng kung ano-anong kahulugan."

"I still don't like it," she said stubbornly.

"O, siya. Hindi na kung hindi." Itinaas nito ang kamay niyang hawak nito at hinagkan.

Nasa labas na sila nang matanaw nila sa may main door sina Mike at Chanelle.

"Nariyan ka pa pala, Mike. Hello, Chanelle," bati ni Shane.

Ikinawit ni Chanelle ang braso sa braso ni Mike. Sa tingin ni Caroline ay siyang-siya naman ang binata. Hinawakan pa nito ang kamay ni Chanelle na nakahawak sa braso nito.

"Inimbita ko si Mike na kumain sa labas, Shane," ani Chanelle."Sumama na kayo ni Caroline. My treat. I just received my allowance from my stepfather."

"Allowance mo iyan, Chanelle," ani Shane. "Tinitipid mo dapat hanggang sa next na padala." Chanelle waved her hand indifferently. "Oh, don't worry. My stepfather's loaded."

"Kailangan kong makauwi kaagad—"

"Oh, please, Caroline," tonong-pakiusap nito na pumutol sa pagtanggi niya. "Dalawang sem na tayong classmates at hindi pa tayo nagkakasama. Next year ay busy na tayong pare-pareho. OJT na natin."

Alanganing nilingon niya ang kasintahan. He shrugged. Ipinauubaya sa kanya ang desisyon. Napakunot-noo pa siya dahil napansin niyang malamlam ang mga mata ni Shane. Akma na siyang iiling at tatanggi nang mabilis na muling nagsalita si Chanelle.

"Huwag mo naman akong hihiyain, Caroline."

"Pumayag ka na, Caroline," segunda naman ni Mike.

She sighed in resignation. Hindi niya talagang gustong sumama sa mga ito. Pero kapag ganoon ang sinasabi ni Chanelle ay parang ipinalalabas nitong kill joy siya. "O-okay. Pero sandali lang tayo at hindi ako nakapagsabi kina Lovelle at Raquel."

Chanelle rolled her eyes. "Ano ba ang gamit niyang cell phone mo? Text them. Better yet, call them."

Hindi siya kumibo. Pinagbigyan niya si Chanelle at tinawagan niya si Raquel. Si Lovelle ay malamang na nasa trabaho na. Ipinaliwanag niya kay Raquel na baka gabihin siya. Pagkatapos ay ini-off na ang cell phone at ibinalik sa bag niya.

She sighed. Why couldn't just they have their own date?

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon