7

9K 255 3
                                    


SA BUNGAD pa lang ng classroom ay narinig na ni Caroline ang pagkakaingay ng mga classmates niya. May ngiting sumungaw sa mga labi ni Caroline. Marami sa mga classmates niya ay tulad din niyang ga-graduate na sa susunod na taon. Pero kung titingnan niya ang ilan ay tila mga nasa high school pa lang sa pagkakagulo at pag-iingay.

Marami naman sa kanila ang block section kaya halos magkakaibigan ang lahat. Ang ilan sa mga ito ay classmates din niya sa nakalipas na mga semester. Lumakad siya patungo sa upuan niya sa ikalawang hilera.

Nang sandali siyang mahinto sa paglakad. Nakita niyang ang buong hilera ng mga upuan sa harapan ay okupado na ni Chanelle at ng barkada nito at ng ilang boys na nakatayo na tila mga security men.

Classmate niya ito sa dalawang magkasunod na subjects. Sa kung ano mang kadahilanan, hindi niya gusto si Chanelle. And probably, the feeling was mutual. Chanelle was too condescending. Sa nakalipas na semester na classmate niya ito ay wala siyang natatandaang sinsero ang mga pakikipag-usap nito sa kanya.

Kunsabagay, kahit naman sa ibang babae sa klase ay ganoon din ang trato nito. Maliban na lang sa mga boys, lalo at guwapo.

And in fairness, talagang nakakumpol ang mga lalaki rito. Bakit naman hindi, eh, maganda at sexy ito. Tila artista. Mas maganda pa kaysa sa mga artistang napapanood niya sa telebisyon.

Baka lumabis lang ang imahinasyon niya pero kung kukulayan ng puti ang buhok ni Chanelle ay maihahalintulad niya ito kay Marilyn Monroe. Kahit ang lipstick nito ay laging pula. O siguro ay talagang iyon ang ipino-portray ni Chanelle, the Marilyn Monroe look-alike. Dahil kahit ang nakasabog nitong alon-along buhok ay a la MM.

Kahit ang tawa nito ay makatawag-pansin. Tila baga sinasadya ang naroroong pang-aakit.

And she kept on crossing and uncrossing her legs. Marahil ay upang sadyang masilip ng mga boys ang kung ano mang nais nitong ipasilip.

In short, Chanelle was a flirt. Pero hindi ba at likas naman sa mga babae ang pagiging flirt? Depende na lang sa paraan ang pagpapakita niyon. Some are obvious, some are subtle.

Ang mga kaibigan naman nito ay laging nakasunod dito na tila mga "ladies in waiting" ng isang reyna.

Tahimik siyang nagbuntong-hininga at lumakad patungo sa upuan niya sa unang silya sa second row. Sa mismong likuran ni Chanelle. Agad na natuon ang atensiyon ng dalawang classmates niyang lalaki sa kanya at binati siya.

"Hello, Caroline," sabay-sabay na bati ng mga ito.

Ngiti lang ang isinagot niya. Nilingon siya ni Chanelle. Her smile was condescending, as always. Na para bang isa siyang alipin at reyna ito.

"Oh, hi, Caroline," bati nito, sabay ang paghagod ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Natitiyak niyang sinasadya nito ang ganoong uri ng tingin. Pagpapakita nito ng superiority kahit na wala namang kumokontesta. "Wala ka sa first subject natin? At wala rin si Raquel."

Caroline wondered why she noticed. Eh, sa nakikita niya ay wala naman itong pakialam sa ibang classmates nila, lalo at babae.

"Masama ang pakiramdam ni Raquel..."

Tumango-tango ito. Iglap nawala ang atensiyon nito sa kanya sa isa-isang pagtungo ng mga classmates nila sa kanya-kanyang upuan. Dumating na ang professor nila. At napabuntong-hininga siya habang sinusundan ang paglakad nito patungo sa munting mesa at inilapag ang gamit doon.

Ang professor nila, si Mr. Tolentino ay guwapo at macho. Hindi mo iisiping professor ito kung makakasalubong mo sa ibang lugar. Naka-tight hugging jean na nagpapakita ng magandang pangangatawan.

Sa kabila ng disenteng suot na polo shirt ay mababanaag ang abs nito. At kapag tumataas ang braso nito sa blackboard ay kitang-kita ang banayad na paggagalawan ng mga muscles.

At marami sa mga classmates niyang babae ang talagang napapahanga rito. Nangunguna na si Chanelle sa mga ito at sadyang ginagawang obvious ang paghanga sa professor nila. Siya rin naman ay crush ito. Crush na agad niyang sinupil dahil may asawa na si Mr. Tolentino. Kahit pa sabihing simpleng crush lang naman. Still, hindi niya gustong magkaroon ng atraksiyon sa isang hindi na malaya.

Sa pagkakaalam ni Caroline ay wala pang isang taong nakakasal ito. At natutuwa siyang hindi gumaganti ng flirting si Mr. Tolentino sa mga babae. Lalo na kay Chanelle na sa kabuuang isang oras sa klase ay lagi nang gustong dito natutuon ang atensiyon ng professor.

Out of the blue, Shane's image popped up. The twinkling eyes; ang banayad nitong dimple sa iisang pisngi lang; ang guwapong mukha. Pagkatapos ay in-imagine niya na kasingkatawan ni Mr. Tolentino si Shane. Oh, wow—

"Are you daydreaming, Miss dela Rosa?"

"S-sir?"

Kasabay niyon ay ang hagalpakan ng tawa ng mga classmates niya. Nilingon siya ni Chanelle. Umangat ang mga kilay at painsultong nginitian siya. "Did you have your sexual fantasy with our professor, Caroline?"

Marahas ang hiningang pinakawalan niya. Nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. May itinanong sa kanya ang professor niya pero hindi niya iyon naririnig. Buong pag-isip niya ay nakatuon kay Shane!

Sa lalaking ni hindi niya type! At estranghero pa. Napahiya siya dahil inokupa ng payatot na iyon ang buong pag-iisip niya.

It isn't his fault that you thought of him, at na hindi ka nakikinig... wika ng kabilang isip niya.Buong sigasig na inako ni Chanelle ang pagsagot sa tanong sa kanya ng professor nila. At hindi rin naman niya naiintindihan ang sagot nito dahil napapahiya siya. Gayunman ay ipinagpapasalamat niyang nawala na ang atensiyon sa kanya.

Isang klase pa ang sumunod at break time na. Hindi sana niya gustong magtungo sa canteen dahil busog pa naman siya mula sa pizza na kinain nila kanina ni Shane. Pero hindi niya gustong makipaghuntahan sa mga classmates niyang lalaki.

Nagtungo siya sa canteen at um-order ng soft drink at kung ano na lang na kakanin. Dala ang tray ay tinungo niya ang natanaw na bakanteng mesa. At huli na nang mapansin niyang sa kabilang mesa naroroon sina Chanelle at ang tatlong barkada nito. Nang sulyapan niya ang mesa ay patapos nang kumain ang mga ito.Naupo siya at nagsimulang kumain.

"May mga babae talagang kung magpakita ng admiration ay over..." narinig niyang sabi ni Chanelle.

Nakayuko si Caroline sa pagkain niya pero umikot ang mga mata niya. Look who's talking, wika ng isip niya.

"At napapahiya tuloy," wika ni Juvy, ang isa sa mga barkada nito na sinundan naman ng tawa ng iba pa.

Caroline ignored them. Ipinagpatuloy niya ang pagkain kahit na hindi gustong tanggapin ng lalamunan niya ang kakanin. Kapag tumayo siya at iniwan ang pagkain ay lalo siyang pagtatawanan ng mga ito.

Ilang sandali pa ay nagtayuan na ang mga ito. Kinawayan siya ni Chanelle at matamis na nginitian. Ngiting nakakaloko.

"Bye, Caroline."

Kung paano siyang gumanti ng ngiti ay hindi niya alam. Pero natitiyak niyang mapaklang ngiti ang naihatid niya. Malayo na ang mga ito ay naririnig pa rin niya ang tawanan. Samantalang si Chanelle ay panay ang kaway at ngiti sa mga boys na kakilala nito at nadadaanan.

Iniwan na rin niya ang pagkain kahit na hindi pa iyon napapangalahati man lang. Hinintay lang niyang makalabas ng canteen sina Chanelle at tumayo na rin siya at nagbalik sa klase.

Nang matapos ang huling subject niya ay nagmamadaling tinungo ni Caroline ang Recto gate ng unibersidad. Nasa labas na siya ng building nang mapansin ang isang pamilyar na bulto na nakatayo ilang hakbang mula sa kanya.

Si Shane!

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon