MAAGA pa lang. Subalit kinakabahan si Caroline habang halos paliparin ang sasakyan sa SLEX, hoping na walang makakapansin na overspeeding siya. Umaasang dahil lahat halos ng tao ay patungong Makati o Quezon City o Manila sa pagpasok sa trabaho ay hindi gaanong ma-traffic.
Subalit umuulan. Bagaman hindi kalakasan ang ulan ay karaniwan na iyong isa sa mga pinagmumulan ng traffic. Sama-sama na sa isip niya ang iba't ibang isipin. Na baka tuluyan nang mawala sa buhay niya si Shane. She'd blame herself forever.
Nang may marinig siyang telephone ring. Bahagya siyang nagpalinga-linga, sinusundan kung saan galing ang ring. Hindi iyon ang ringing tone niya. Natanto niyang sa footwell sa likod nanggaling ang ring. Sandali siyang nagmenor at tumabi at dinampot ang cell phone.
Nakarehistro sa LED ang pangalan ni Hannah. Cell phone marahil ni Shane ang naiwan sa sasakyan ni Hannah. Inilagay niya iyon sa passenger seat sa tabi niya at muling ipinagpatuloy ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Mabilis ang pagpapatakbo niya. Praying nonstop and hoping. Bagaman magaan ang traffic ay hindi pa rin niya naiwasan ang mapahinto sa mga lugar na talagang ma-traffic tulad ng Sucat, Bicutan, at Nuvali. Hindi niya mapigilang mapaiyak sa sobrang frustration.
Hustong dalawang oras nang marating niya ang subdivision ng mga magulang nina Shane. Halos paliparin niya ang sasakyan patungo sa dulo ng subdivision. Inihinto niya ang sasakyan sa labas ng nakasarang gate at lumabas.
Bahagya nang lumalakas ang ulan subalit hindi niya iyon iniinda. Sinipat niya ang gate na hindi naman nakakandado at binuksan iyon. Subalit gayon na lang ang panlulumo niya nang mapunang walang isa mang sasakyan sa garahe o sa kahit na saang bahagi ng bakuran. Nang mapansin niya ang bike ni Shane sa may dulo ng garahe na nakatakip ng grey plastic. Lalo siyang napaungol. Tinatakpan dahil matagal na hindi magagamit.
She started walking through the rain. Ang mga luha niya'y humalo na sa patak ng ulan. Sarado lahat ang mga bintana ng bahay ng mga Malvar. Nangangahulugang walang tao. Gayunman ay tinungo niya ang main door at nag-buzzer. At nag-buzzer. Muli at muli.
Subalit walang tao ang bahay. They must have left already. Posibleng nakasalubong pa niya. Lumakad siya palayo sa bahay. Basang-basa na siya. Hindi niya alam kung saan siya patungo at kung ano ang gagawin. She looked around and saw the tree house. Huminto siya sandali sa paghakbang.
She was soaking wet and so cold. Pero hindi niya iyon alintana. Pagkatapos ay tila wala sa sariling lumakad siya patungo roon. She hesitated only a moment. Kapagkuwa'y pinanhik ang tree house.
It was the same old tree house. Walang nabago maliban sa nang sulyapan niya ang loob ng kubo ay walang kutson ang papag na kawayan. The bed was bare. Siguro dahil matagal na nanatili sa ibang bansa ang mga Malvar.
At ngayon ay muling maiiwang nakatiwangwang ang tree house. Humikbi siya at naupo sa bench na yari sa kawayan. Itinaas ang mga paa at niyakap ang mga iyon at itinukod ang baba sa mga tuhod niya. Hindi alintana kung patuloy siyang nababasa mula sa malakas na anggi na tangay ng hangin. Hindi niya kailangang pigilin ang pag-iyak. Nakikisabay ang langit sa kanya.
Kung gaano siya katagal sa ganoong ayos ay hindi niya alam. Or maybe she must have fallen asleep dahil ang ulo niya'y nakahilig na sa sandalan. May banayad na tumatapik sa pisngi niya.
"Caroline?"
She gasped. Napatuwid ng upo. Kinabahan sa maaaring panganib. But the voice was so familiar that she looked up.
"Caro, sweetheart, what are you doing here? Bakit basang-basa ka?"
"S-Shane?"
"Ako nga." Gently, hinawi nito ang basang buhok niya patalikod na tila kurtina sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...