GANOON na lamang ang tuwa ni Raquel nang marinig ang balita mula sa kanila nang gabing iyon pagkahatid ni Matt kay Caroline. Sa mismong sandaling iyon ay tinawagan nito si Lovelle na parehong kinausap sina Matt at Caroline at halos maghumiyaw sa kasiyahan.
Maaga pa ng Sabado ay bumiyahe sina Matt, Caroline, at Hannah patungong Silang upang hingin ni Matt ang kamay ni Caroline mula sa abuela nito. Sa daan ay bumili na ng mga pagkain si Matt bilang tanghalian na nila.
Bagaman nabigla sa pag-uwi ni Caroline na may kasamang lalaki ay magalang na hinarap ng lola ni Caroline si Matt. Sa mismong kubo tahimik na inihain ng matandang babae ang pagkaing dala nila. Tinulungan ito ni Caroline na maglabas ng pinggan at kutsara at pitsel ng tubig.
Limang putahe ang naroroong nakahain. Umiling ang matandang babae. "Napakaraming pagkain nito, Caroline. Baka kahit sa susunod na dalawang araw ay hindi ko ito mauubos mag-isa. Yamang alam kong mamaya lang ay uuwi na kayo." Sinulyapan nito si Matt. Natitiyak nitong hindi matutulog sa bahay nito ang apo dahil may kasama ito.
"Ayaw po ba ninyo na may ulam kayo sa susunod na mga araw?" nakangiting biro ni Caroline.
"Ipasok po natin sa fridge ang matitira at initin n'yo po kada kakain kayo." Iniabot niya kay Matt ang kutsara at tinidor at sinenyasan na kumain na ito. Siya man ay nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato niya. "Kumain na po tayo, Lola..."
Siniko niya si Matt upang pangunahan nito ang panalangin para sa pasasalamat sa mga biyayang nasa harap nila. Matt uttered a simple prayer of thanks.
"Ang natatandaan kong sinabi mo, Caroline, ay hindi ka muna makakauwi dahil nga sa maraming ginagawa para sa pagtatapos mo sa susunod na semestre..." anito pagkausal ng amen. Ni hindi kumikilos upang umabot ng pagkain. Pinaghahalili sa kanila ni Matt ang tingin.
Napahugot ng hininga si Caroline. Noon lang niya nakaringgan ng ganoong tono ang lola niya. Tuwina'y mabait at mahinahon ito. Nagsimula siyang kabahan. Nilingon niya si Matt na pinisil ang tuhod niya sa ilalim ng mesa.
"Pagkakain po natin ay sasabihin ko po—"
Pinutol ni Lola Serafina ang sinasabi ni Matt. "Ang sasabihin ninyo pagkakain ay masasabi ninyo ngayon. Nakikinig ako."
"Katunayan po, Lola, kaya kami narito ay dahil..." Matt cleared his throat. "Nais ko po sanang hingin ang kamay ng inyong apo—"
"Magkasintahan kayong dalawa?" muling putol nito sa sinasabi ni Matt.
Tiningnan muna ni Caroline si Matt bago sumagot. "Opo," magkasabay nilang sagot ni Matt.
Sa nerbiyos niya ay wala sa loob na tinusok ng tinidor ang isang hiwa ng chicken at isinubo. Isa iyon sa mga ipina-take out ni Matt. Persian grilled chicken with lots of spices.
"Nangako ka sa akin, Caroline, na magtatapos sa pag-aaral bago ka makikipagnobyo..." naguguluhang sabi nito.
"Magtatapos na po ako sa susunod na semester, Lola," aniya. Iyon ang plano nila ni Matt. "At magpapakasal po kami bago ang—" Nahinto siya sa pagsasalita at mabilis na tinutop ang bibig kasabay ng marahas na paghugot ng hininga. "E-excuse me..." Mabilis siyang tumayo. Sumunod si Matt. "Honey..."
Tumakbo siya patungo sa loob ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa banyo at doon nagduduwal.
"Caroline, honey..." ani Matt mula sa may pinto ng banyo. Inabot nito ang isang face towel na nakasabit at ibinigay sa kanya. Hinagod nito ang likod niya habang patuloy siya sa pagduduwal.
At dahil wala pa naman talagang laman ang tiyan maliban sa kape kaninang umaga sa apartment ay wala siyang isinusuka. She was gasping for breath as she held her stomach tightly.
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
Roman d'amourIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...