41

7.2K 240 25
                                    

"SHANE!" manghang bulalas ni Raquel nang mapagbuksan ng pinto si Shane.

"Maaari ba akong tumuloy?" Nakikiusap ang tinig niya.

Nang maka-recover sa pagkabigla ay itinuwid ni Raquel ang katawan. "Ano ang ginagawa mo rito, Shane?" Ang tinig nito ay pormal. Walang kainte-interes na makita siya na tila siya isang salesman at hindi nito gusto ang iniaalok niya.

Nakita niyang bahagya lang ang awang ng pinto ng sala. Walang balak si Raquel na papasukin siya. Hindi niya ito masisisi. She was Caroline's best friend, along with Lovelle.

"Gusto kong makausap si Caroline, Raquel. Please..."

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo, Shane. Wala akong maapuhap na sasabihin sa iyo," Raquel said. "At kung susundin ko ang damdamin ko ngayon, gusto kitang suntukin..."

"Raquel, please..." He was almost begging. "Kung kailangan kong lumuhod para makausap ko lang si Caroline ay gagawin ko."

Iwinasiwas nito ang kamay. She looked at him condescendingly. "Oh, there's no need for that. Walang silbi ang ano mang gagawin mo."

"Nais kong humingi ng tawad..."

"You are almost three months too late, Shane," ani Raquel. Sadness laced her voice.

Kinabahan si Shane. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Raquel stared at him. "Wala si Caroline dito, Shane. Kasama ng fiancé niya upang kunin ang damit-pangkasal niya."

"Fiancé?" Parang tinarakan ng punyal si Shane sa narinig.

"Yes. Fiancé," pagdiriin ni Raquel, enjoying the shock on Shane's face. "Ikakasal na si Caroline sa katapusan. Sa Coron, Palawan. Tagaroon ang mapapangasawa niya. She's happy now, Shane. Pagkatapos ng maraming gabing pagluha sa ginawa mo. At sana'y hindi ka narito para sirain ang kaligayahan nilang dalawa..."

He was gaping at Raquel. Staring at her without really seeing her. Kung matinding sakit ang idinulot ng paghihiwalay nila ay wala nang tatalo pa sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon—Caroline was marrying another man. Parang may humablot sa puso niya at tinanggal iyon mula sa mga arteries at sa iba pang pinagkakabitan niyon.

"Pero hindi ko gagawin ang ginawa mo," ani Raquel na nagpakurap sa kanya at bumalik ang atensiyon niya rito. "Hahayaan kong si Caroline ang magpasya. Kahit alam kong sa gagawin ko'y posibleng masira ang isang nagsisimulang magandang ugnayan. Na posibleng may isang taong masasaktan nang labis. Pero hindi ko hawak ang buhay ninyong tatlo. At ayokong dumating ang panahong sisihin ako ni Caroline kung bakit hindi kayo nakapag-usap."

Sinulyapan ni Raquel ang motorsiklo sa labas ng gate. "Ipasok mo ang bike mo at dalhin sa gilid ng bahay. Gusto kong ako ang magsabi kay Caroline nang hindi siya nabibigla dahil nakita na niya kaagad ang bike mo."

Nilingon nito mula sa bintana sa loob ng apartment ang gilid ng bahay. "Doon mo hintayin si Caroline. They'll be here anytime. Dito sila manananghalian. Kung gusto mong maghintay..." Idinagdag na lang nito ang huling pangungusap sa paraang mas nanaisin nitong umalis na lang siya. Pagkasabi niyon ay tumalikod si Raquel bagaman iniwang nakabukas ang pinto.

Para pa ring itinulos sa kinatatayuan si Shane. Hindi agad makahuma sa mga narinig. Ikakasal si Caroline!

"WHAT'S lunch, Raqs?" bungad ni Caroline na nagtaka pa kung bakit nakaawang ang pinto ng apartment. Wala ni isa sa kanilang magkakaibigan ang gagawa niyon. Kahit si Nemia na mahigpit nilang binilinan.

Mula sa kusina ay sumungaw si Raquel. Binati si Matt. "Hi, Matt." Ni hindi makuhang ngumiti ni Raquel. Puno ng kaba at agam-agam ang dibdib. Nakadama na kaagad ng simpatya kay Matt sa nagbabantang pagkikita nina Caroline at Shane.

"Masarap ang naaamoy ko," nakangiting sabi ni Matt. Bitbit nito ang isang mahabang puting kahon na pinaglalagyan ng damit-pangkasal ni Caroline. Inilapag nito iyon sa mahabang sofa.

"Asado sa kamatis," sagot ni Raquel, sinulyapan si Caroline na tinanggal ang shoulder bag at itinabi sa malaking kahon. "It's almost done. In ten minutes. Nagpaprito rin ako ng lumpiang shanghai kay Nemia."

"Sarap!" nakatawang sabi ni Matt. "Bumili na rin kami ng choco mousse sa bakeshop sa Greenhills for dessert..." His voice trailed off. Unti-unting nahawi ang ngiti ni Matt, nahalinhan ng kunot ng noo. "Hey. You looked tense. Something wrong?"

Ang akmang pagbubukas ni Caroline ng puting kahon ay napigil at nilingon ang kaibigan. "What could be wrong? Bakit nga pala nakabukas ang pinto nang dumating kami? Nanakawan ba tayo?" biro niya.

"Maaari ba tayong mag-usap sandali, Caroline?" Sinulyapan nito si Matt sa nag-aalalang tingin.

"Should... should I leave?" naguluhang tanong ni Matt.

"No, that's silly," ani Caroline, smiling at him. "Maupo ka diyan at sandali lang ito." Lumakad siya patungo sa kusina at sinundan si Raquel na nagpauna. Sa maliit na kusina ay naroon si Nemia at nagpiprito ng lumpia. Ang mesa ay nakahain na para sa tatlo.

"Ano'ng problema?" Caroline asked.

Humugot muna ng malalim na hininga si Raquel bago sumagot. "Nasa gilid ng apartment si... Shane. Hinihintay ka," anito sa halos pabulong at nag-aalalang tinig.

Caroline couldn't have been more shocked if a bomb had exploded around them. Sinulyapan niya ang bintana sa kusina bagaman wala naman siyang natatanaw mula roon. Shane must have parked his bike farther.

Instantly, nanginig ang mga tuhod niya at sunod-sunod ang kabog ng dibdib niya.

"Gusto ka niyang makausap. Sinabi kong ikakasal ka na. Ayoko siyang itaboy dahil nasa sa iyo ang pagpapasya..."

Nag-init ang sulok ng mga mata ni Caroline. She blinked them back. Bit her lip.

"Ayokong makialam sa pasya mo, Caroline. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay hindi ko rin alam ang gagawin ko. I hate to be in your shoes right now." Puno ng simpatya ang tinig ni Raquel.

"Ano na nga iyong sinasabi nila?" gumagaralgal niyang sabi. "Kapag hindi mo alam ang ipapasya ay sundin ang puso?" It was almost a joke had it not been for the raging emotions she felt right now.

Raquel rolled her eyes. "I don't believe in that. The heart will deceive you. That's biblical."Caroline smiled bitterly. Kapagkuwa'y muling lumabas patungo sa sala. Nanatiling nakatayo si Matt sa mismong pinag-iwanan niya rito. Nakabalatay sa mukha nito ang pagkabahala.

"May... problema?"

Tumango siya. Sunod-sunod ang hugot niya ng hininga.

Tinitigan siya ni Matt nang mataman. "Pinakakaba mo ako, darling..." Nilapitan siya nito at hinawakan sa mga balikat. "What is it?"

"Na... nasa likod ng apartment si... Shane. Gusto niya akong makausap..." She swallowed the lump in her throat. Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ni Matt. Pagkatapos ay ang paghahalili ng iba't ibang damdamin.

Nasa anyo nito ang pagkawalang katiyakan. Kalituhan. Pag-aalala. At takot. Alam ni Caroline kung para saan ang takot na iyon. Her heart ached for him. Hindi marahil niya ito iniibig katulad ng pag-ibig niya kay Shane subalit mabuting tao si Matt. Wala siyang karapatang saktan ito pagkatapos ng mga ginawa at gagawin pa nito para sa kanya.

"Now, should I really leave?" It came out almost as a whisper.

Sinalubong ni Caroline ang mga mata nito at umiling. "No. Please, hintayin mo ako. Kakausapin ko lang siya. Gusto kong ibigay sa kanya ang hindi niya ibinigay sa akin. Ang makapagpaliwanag..."

Bagaman tumango si Matt ay nakita niya ang matinding insekyuridad sa mga mata nito. Halos hindi nito pakawalan ang kamay niya nang tumalikod siya at tinungo ang main door.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon