TATLONG araw makalipas makapamasyal sa mga isla ay nagpaalam na sa mga magulang nito sina Raquel at John. Tutuloy raw ang mga ito sa Puerto Princesa sa pamamagitan ng bangkang de-motor. Nais ni Raquel na iikot sa buong Palawan ang asawa. Nangako si Caroline na magkikita silang tatlo nina Lovelle sa sandaling dumating siya sa Maynila.
Summer at halos okupado ang lahat ng silid sa Hotel Hannah. Maraming local at foreign tourists ang nagsidating. Hanggang sa sabihin ng front desk na may nagpipilit na maghintay sa mababakanteng pang-isahang silid mamayang tanghali. Tatlong tao ang mga bagong dating at ang kasunod pang mababakante ay kinabukasan ng tanghali.
Nagbubuntong-hiningang lumabas sa front desk si Caroline. Tatlong tao ang nakikita niyang nasa reception at nag-uusap-usap. Nakatalikod ang dalawa at nakaharap sa kanya ang isang babae. Nakikipag-usap ito sa dalawang kasama. Must be her parents.
"Heto na po si ma'am Caroline," narinig niyang sinabi ng clerk.
Sabay-sabay na nagsilingon sa kanya ang tatlo. Nanlaki ang mga mata ni Caroline nang makilala ang dalawang matanda. Ang mga magulang ni Shane! Walang gaanong ipinagbago ang mga ito sa nakalipas na limang taong mahigit nang huli niyang makita ang mga ito.
Ano ang ginagawa ng mga ito sa hotel?
Ilang hakbang mula sa mga ito ay napahinto siya. Parang nais niyang tumakbo pabalik sa opisina. Ang pagkamangha niya ay nakita niyang pareho sa mga mukha ng mag-asawang Malvar.
"Caroline? Is it you?" manghang tanong ni Mrs. Malvar sa kanya.
"It is Caroline!" bulalas naman ni Mr. Malvar pagkatapos siyang suriin ng tingin.
She was dumbstruck. Ang unang pumasok sa isip ay ang anak. Kailangang siya ang sumundo kay Erick Shane sa preparatory school nito. In fact, gusto niyang takbuhin ang palabas sa hotel sa mga sandaling iyon.
Kapagkuwa'y sinikap niyang magpakahinahon. Bakit kailangan niyang kabahan para sa anak? Isa siyang biyuda. Hindi naman kataka-takang nanganak siya ilang buwan pagkamatay ni Matt.
Dahil naging magkasintahan sila. Ni walang nag-isip kahit isa sa mga kaibigan ni Matt nang maipanganak niya si Erick. Lalo at hindi iba ang turing ni Hannah rito. Para kay Hannah, si Erick ay ang bunsong kapatid nito.
Calm down. Relax, utos niya sa sarili.
She composed herself. "G-good afternoon," nauutal niyang sabi.
"The service van that we hired recommended this hotel," sagot ni Mr. Malvar na nakatitig sa kanya. "Mahigpit ang bilin niyang dito kami tumuloy at talagang mahusay raw ang serbisyo ng Hotel Hannah. At ang tao sa front desk ay nagsabing ikaw ang may-ari ng hotel, Caroline?"
"Isa... po itong korporasyon. Isa lang po ako sa may kaunting share..." she said humbly.
"Maliban sa naiwala mo ang kaunting baby fats noong huli ka naming makita ay walang gaanong nabago sa iyo, hija," ani Mrs. Malvar na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Oh... but yes, you are older now and even more prettier..."
And wiser, gusto niyang idagdag sa sinasabi nito.
"Sana... po ay nagpa-reserve kayo para hindi po kayo nahirapang maghanap ng matutuluyan," aniya. "As of last month, fully booked po kami. Season po ngayon."
Mrs. Malvar sighed. "Isang buwang mahigit pa lang mula nang dumating kami galing ng Amerika, Caroline," anito. "It was just two weeks ago when we decided to visit some of our beautiful spots. Inuna namin ang Coron. Pagkatapos ay tutuloy kami sa Bohol. Ito ang unang bakasyon ng anak ko sa Pilipinas since almost eight years ago..." Nilingon nito ang babae sa likuran. "By the way, this is my daughter, Pauline."
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...