NANG bumaba sila ng tree house pagkalipas ng mahabang sandali ay naroon pa rin si Mike at kausap ng papa ni Shane at ilang kaibigan nito. Ipinagpaalam siya ng kasintahan sa mga magulang na ihahatid na siya.
"Isama mong muli rito sa atin si Caroline, hijo," wika ng mama ni Shane.
"Tiyak iyon, Mama." He turned to look at her and smiled at her.
Isang ngiti lang iyon subalit nag-init ang buong katawan niya. Naalala ang naganap sa kanila ni Shane kanina lang. Umiwas siya ng tingin dahil sa pakiwari niya ay ipinaaalala ng mga mata nito ang naganap sa kanila.
"Nabusog ka ba, hija?" tanong ni Mr. Malvar.
She smiled. "Opo. Masarap lahat ang pagkain."
"Ang mama ni Shane ang nagluto lahat ng pagkain. My wife is a good cook." Pagmamalaki ni Mr. Malvar sa asawa.
"Mauuna na kami sa iyo, Mike," ani Shane sa kaibigan na sa tingin niya ay gusto na ring tumayo at sumabay sa kanila subalit hindi lang nito gustong iwan sa gitna ng pag-uusap ang papa niya.
Hinagkan siya sa pisngi ni Mrs. Malvar habang kinamayan naman siya ng papa ni Shane. Caroline felt so guilty. Iniisip kung naghihinala ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Shane sa itaas ng tree house. Sana'y walang nag-iisip nang ganoon. May ilan pang mga bisita ang naroroon at nagpapatila ng ulan na humihina na.
Sa kotse ay inihilig ni Shane ang ulo niya sa balikat nito. "Nagsisisi ka ba sa ginawa natin?"
She shook her head. "It... feels wonderful."
"I can't even think of the right word to describe it, sweetheart," he said in a hoarse voice. "Kung ako ang masusunod ay ayoko kitang iuwi." Hininaan nito ang takbo ng sasakyan at niyuko siya.
"Maybe I shouldn't have."
"Don't be silly, Shane. Alam mong iyan din ang gusto ko. Pero may mga obligasyon pa tayo."
"I cannot wait for your graduation, Caro. Kapag nagsimula na ako sa kompanya nina Papa ay maghihintay lang ako ng ilang buwan at sasabihin ko kay Papa at Mama na mamanhikan kami sa lola mo. Puwede mo namang tapusin ang dalawang semester mo kahit mag-asawa na tayo..."
Hindi maipaliwanag ni Caroline ang ligayang naramdaman niya sa mga sandaling iyon. Siya man ay hindi gustong maghintay pa na makapagtapos siya bago sila magpakasal ni Shane. Her grandmother would understand. Magpapakasal siya at magtatapos din naman.
"You still have to meet my grandmother, Shane."
"Let's schedule that. Maybe at the end of the semester." Ginagap nito ang kamay niya at dinala sa bibig at hinagkan."Mahigit dalawang buwan na lang iyon."Isiniksik niya ang ulo sa braso nito and sighed contentedly.
Bago maghatinggabi ay naihatid na siya sa apartment. Halos ayaw nilang maghiwalay. Hindi niya sinabi sa mga kaibigan na may nangyari sa kanila ng kasintahan. Gusto niyang sarilinin ang nangyari sa kanila sa puso niya. Hindi iyon kailangang ibahagi sa mga kaibigan.
HABANG lumilipas ang mga araw ay lalo niyang iniibig si Shane. Ito man ay lalong higit na malambing at maalalahanin.
Nararamdaman niya na kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong ulitin ni Shane ang nangyari sa kanilang dalawa sa tree house. At natitiyak niyang hindi niya tatanggihan. Subalit wala silang pagkakataon na maulit ang pangyayari. Naging abala siya sa pagtatapos ng kanyang thesis.
Si Shane naman ay ang pag-aasikaso nito sa lisensiya at ang pag-a-apply sa kompanya na pinagtatrabahuhan ng ama. And then he said he was busy with something that would surprise her. Ayaw naman nitong sabihin kaya hindi na siya nagpilit.
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomantizmIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...