52

7.2K 232 6
                                    


SUNDAY. Nalabasan ni Caroline si Shane na nakatayo sa gitna ng hardin ng hotel. Nakapasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng pantalong maong. Malaya niyang nahahagod ng tingin ang kabuuan nito dahil hindi pa nito namamalayang naroon siya.

Gone was the tall and lanky boy. Ang humalili ay isang nag-mature na lalaki. Broad-shouldered. Six-pack abs... the whole nine yards.

He must have felt her. Lumingon ito.

"Ano ang ginagawa mo rito, Shane?" she asked unemotionally. "This place is off-limits to guests.."

"Since that day?"

Tumango siya.

Nagbuntong-hininga si Shane. Malungkot na inikot ng tingin ang buong paligid. "Hindi mo siguro ako paniniwalaan, Caro," he said after a while. "Though it was killing me watching you walk towards Matt, I had wished you then all the happiness in the world..."

"Thank you." She was sarcastic. Hindi niya gustong iyon ang tono ng boses niya. But she was defensive. Hindi niya gustong masaktan nito uli.

Nasa entrada siya ng hardin. At naroon ito sa gitna ng hardin. Napapaligiran ng nagtatayugang magagandang halamang-dahon at halamang namumulaklak. Hindi makapasok ang araw sa loob ng hardin dahil sa mga sanga at dahon ng dalawang malalaking punong nakatabing sa buong paligid.

Ang hardin ay isa sa mga atraksiyon ng hotel bagaman walang guests na nakakapasok doon. Nakikita lamang iyon mula sa bintana ng hotel rooms o di kaya ay sa salamin ng coffee shop. Idinagdag niya ang isang malaking koi pond sa hardin na may ilang silid sa itaas na natatanaw iyon. Kabilang na ang mula sa silid niya.

Itinuon niya ang atensiyon kay Shane. He was a very impressive man yet he seemed lost.Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Limang taon nang wala si Matt, Caro. Could we—"

"No," putol niya sa sinasabi nito. "You didn't listen to my side, Shane. Mas pinaniwalaan mo ang kaibigan mo..." She saw him grimace. "I would have forgiven you had you shown decency by saying good-bye—"

Ito naman ang pumutol sa sinasabi niya. "I never wanted to say good-bye, Caro..."

"Oh, yes? Gayong wala akong narinig sa iyo sa nakalipas na halos apat na buwan. And you made me a laughingstock. Pinagtawanan ako ni Chanelle at ng mga barkada niya. Magkasama kayo sa beach resort. Spent a couple of days with her while I had been crying all the time. And you are telling me now that you didn't want to say good-bye?"

"Caro..."

"Hinihintay ko ang tawag mo... ang pagdating mo sa apartment. I've waited... and waited in vain..." Gumaralgal na ang tinig niya. Nagsimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya.

Humakbang palapit sa kanya si Shane subalit inawat niya ito. "Don't come near me, Shane." Matigas at mariin ang tinig niya. "Hindi mo siguro alam kung anong sakit ang idinulot mo sa akin nang mga panahong iyon. At si Matt ang naroroon sa mga panahong sa aking palagay ay hindi ko kakayanin. Si Lovelle... si Raquel... at si Hannah." And I was pregnant with your son, damn you!

"Patawarin mo ako, Caro..." anito sa nahihirapang tinig.

"Matagal na kitang pinatawad, Shane. So, please, let's get on with our lives." Tumalikod siya pabalik sa loob ng hotel, bago huminto at nilingon ito. "Maligayang paglalakbay pabalik ng Maynila sa inyo ng pamilya mo bukas ng umaga."

"SO, ANO ang plano mo ngayon?" tanong ni Pauline pagkatapos mapakinggan ang buong kuwento na sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagtapat ni Shane sa mga magulang at kapatid.

Shane was toying with his food. "Hindi ko alam... hindi ko alam..."

"You are a fool, little brother. You made your bed and now you have to lie on it."

"Pauline," ani Mrs. Malvar sa tonong nananaway. "Your brother was young then. Binulag ng matinding paninibugho at paniniwala sa kaibigan." Hinawakan ni Pauline sa braso si Shane. "I'm sorry..."

"Yeah. Me, too."

Mr. Malvar cleared his throat. "If you love her, son, then do what you must. Win her back, come hell or high water..."

A smile broke Shane's lips. "Thank you, Papa."

"So, we are all going home tomorrow?" tanong ni Pauline. "Maliban sa iyo, Shane?"

"Kasama ninyo akong lilipad pabalik ng Maynila."

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon