16

8.8K 235 34
                                    


HABANG lumilipas ang araw ay lalong tumitindi ang pag-ibig na nararamdaman ni Caroline para sa kasintahan. Ganoon din naman si Shane. Hindi niya pinagdududahan ang damdamin nito para sa kanya. Mas pa nga kung magpakita ng affection si Shane sa kanya kahit sa maraming tao. Dahil kilala na rin siya ng mga kaopisina nito ay natutukso silang malimit.

Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Caroline. Habang lumilipas ang araw ay palapit nang palapit sila sa katuparan ng kanilang pangarap. At dalawang buwan na lang ay semestral break na niya. Sa susunod na semester ay simula na ng OJT niya.

"Huwag mong alalahanin kung saan ka mag-o-OJT," anito minsang nasa labas sila ng admin ng unibersidad. Tulad ng nakagawian kapag inaabot ng gabi sa opisina si Shane ay siya na ang nagtutungo sa kabilang unibersidad. Pareho silang nakaupo sa isang bench doon.

"Saan naman ako mag-o-OJT?"

"Excutive vice president si Papa sa construction firm na pinagtatrabahuhan niya. At major stockholder. Doon ka mag-OJT. Kayo ni Raquel."

"Oh, thank you! At least hindi na ako mahihirapang maghanap ng kompanyang maaari akong mag-train."

"Anyway, matagal pa iyon," anito, hinawakan ang kamay niya at hinila siya patayo kasabay nito nang maramdaman ang patak ng ambon sa mga braso. "Gusto ko nga pala kayong imbitahin nina Raquel at Lovelle sa party sa amin sa Tagaytay sa Linggo."

Ang akmang paghakbang ni Caroline ay nahinto, hindi pinapansin ang banayad na ulan. "Ano'ng okasyon?"

Shane almost rolled his eyes. Iniabot sa kanya ang isang nakatuping peryodiko na bagaman kanina pa niya napapansing hawak nito paglabas ng building ay hindi niya pinagtuunan ng pansin. "Hindi ka ba nagbabasa ng peryodiko? I'm wounded, Caro!" Nanlaki ang mga mata niyang niyuko ang nakatuping peryodiko na pinapatakan na rin ng ulan. Pagkatapos ay ibinalik muli sa kasintahan ang mga mata. "Y-you mean—"

"Yes, Caro. Yesss! Isa na akong lisensiyadong arkitekto!"

"Oh, Shane!" Niyakap niya ito. "Congratulations. I am so happy for you."

"And be proud. Pampito ako sa top ten..."

"Ohhh."

"Asahan mo na ang maraming offer mula sa malalaking kompanya. Makapagpapakasal na tayo!"

At bago pa siya makapiyok ay binuhat siya nito at inikot nang inikot. Wala itong pakialam kung may iilan pang estudyante sa area na iyon ng campus. Hindi rin nila pareho iniinda ang mga patak ng ulan.

She was laughing habang nakahawak sa mga balikat ni Shane. At kahit siya ay walang pakialam kung may mga estudyanteng nakatingin sa kanila. She was too happy. Sa bawat paglipas ng araw ay palapit sila nang palapit sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

And soon, she would be his wife. She would be Mrs. Caroline Malvar. She closed her eyes. Ninanamnam ang pangalan niya sa isip. Dahan-dahan siyang muling ibinaba ni Shane sa lupa.

"Umuulan!" ani Shane na para bang noon lang napuna ang malakas na ambon. "Basa na tayong pareho."

Caroline laughed. Tumingala sa kalangitan. Hinayaang mabasa ng ulan ang mukha. Hand in hand, lumakad sila patungo sa pinagparadahan nito ng bike. "I'll design our house, Caro," patuloy nito. "Kailangan bago tayo pakasal ay yari na iyon. My father's company will build it, sweetheart..."

Sandaling nahawi ang ngiti sa mga labi niya. "A-alam ba ng mga magulang mo ang tungkol sa akin... sa atin?"

His eyes were laughing at he stared down at her. "Kilala ka na nila, sweetheart. Wala akong bukambibig tuwing magkakasama kami sa hapunan kundi ikaw. Excited na nga ang mama na makilala ka. Una nilang nabasa ang peryodiko kanina pang umaga at agad akong tinawagan para ipaalam na magpapa-party sila. Kaya sa celebration party sa Linggo ay makikilala mo ang mga magulang ko..."

Alam niyang may isa pang nakatatandang kapatid na babae si Shane. Nasa Amerika at magtatapos na rin sa medisina.

"Sa... palagay mo, tatanggapin nila ako?" Nabahiran ng insekyuridad ang tinig niya.

"Malalaman mo sa Linggo." He winked at her.

"Oh, Shane. Huwag mo akong tuksuhin nang ganyan. Kinakabahan ako, ano ba!" He laughed. Hinawakan siya sa magkabilang baywang at itinaas sa motorsiklo. "You will like my parents, Caro," paniniyak nito at sumampa na rin sa motorsiklo. Inilagay nito sa ulo niya ang isang helmet na sadyang nakalaan lagi sa kanya.

"Is it a formal party? Ano ang isusuot ko?" she asked warily. Mababawasan ang allowance niya kung bibili siya ng bagong damit. Malamang na sobrang pagtitipid ang gagawin niya sa susunod na mga araw. She couldn't ask her grandmother for money this month.

"It's a simple informal get-together ng mga piling kaibigan at ng mga kaopisina ni Papa at mga piling kaibigan ni Mama sa subdivision. Nakantiyawan daw si Papa kanina na mag-blowout naman. Siyempre, tatanggi ba si Papa, eh, gusto akong ipagmalaki niyon." Nakahinga siya nang maluwag. "Dito sa school mo, sino ang imbitado mo?"

"Strictly si Mike lang."

"Hindi ka kinantiyawan sa office?"

Nilingon siya nito at ngumiti. "Nagpa-Jollibee na ako kaninang lunch sa kanila." Isang tawa ang pinakawalan niya at inilagay na sa baywang nito ang mga braso niya nang paandarin na nito ang bike.

Gayunman, sa sulok ng puso niya ay naroon ang agam-agam. Ipakikilala siya ng kasintahan sa mga magulang nito. Magugustuhan kaya siya ng mga ito? Paano kung hindi? Don't borrow trouble, Caroline, wika ng kabilang isip niya. She sighed. Idinikit ang ulo sa likod ni Shane.


**********Maraming salamat mga beshie. Enjoy lang sa pagbabasa. Sorry at kunti lang update natin ngayon medyo mabagal ang data ko eh. Kumusta kayo mga beshie, update n'yo naman ako kung ano na nangyayari sa inyo char hahahaha. Stay safe and God bless. - Admin A ********

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon