NATAPOS ni Caroline ang exam nang walang kahirap-hirap. Katunayan ay siya ang unang nagpasa sa professor nila. Mula sa ikalawang palapag ng school building, nagmamadali siyang bumaba. Natitiyak niyang nasa gate na si Shane.
Routine na iyon na sinusundo siya nito pagkatapos ng klase niya. O di kaya ay siya ang sumusundo rito kapag nag-overtime ito sa trabaho.
Lakad-takbo ang ginawa niya patungo sa gate sa Lepanto kung saan alam niyang doon siya susunduin ng kasintahan. Part-time clerk ito sa admin ng FEU. Dito rin ito nagtapos ng kolehiyo bilang arkitekto. Nagtatrabaho ito roon at kasabay niyon ay ang pag-review nito para sa board exam.
While Caroline was taking up BS HRM. Hindi niya matiyak kung bakit ang kursong iyon ang pinili niya. Sa isip niya ay iniiwasan niya ang alinmang kursong napakaraming subject na Math. Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Naniniwala siyang mahina siya sa numbers.
Kung tutuusin ay gusto ng lola niya na Business Administration ang kunin niya at mag-major siya sa management. Gusto ng lola niya na kapag nakatapos siya ng pag-aaral ay pangasiwaan niya ang maliit nilang negosyo sa Silang, Cavite—ang flower farm nila. Gusto niyang matawa sa naisip. Dahil hindi kailangan ng flower farm ang management graduate para pangasiwaan iyon.
Pag-aari ng grandmother niya ang di-kalakihang flower farm na iyon hindi pa man siya naipapanganak. At sa farm nanggaling ang ipinapag-aral sa kanya. At ni hindi man lang nakatapos ng kolehiyo ang kanyang lola. Ni hindi nga ito horticulturist. Natuto ito mula sa karanasan nang ito'y dating helper sa isang malaking flower farm sa Tagaytay.
Nang magkaroon ng kaunting pera ang lola niya ay nagsarili. Ginamit ang isang ektaryang lupain para tamnan ng binhi ng mga bulaklak. At kahit paano, naging matagumpay naman. Mayroong limang tao ang katulong ng lola niya sa flower farm.
Hindi marahil sapat ang negosyo nila upang yumaman sila. Katunayan ay tamang-tama lang sa kanilang simpleng pangangailangan. Subalit natutustusan ng flower farm ang pag-aaral niya mula noon hanggang sa magkolehiyo siya.
Huwag lamang daw siyang magluho, ayon sa lola niya ay mapagtatapos siya nito ng kolehiyo. Sabi rin ng lola niya, noong araw ay madaling magnegosyo kahit hindi nakatapos ng pag-aaral. Subalit hindi sa kasalukuyang panahon. Kaya kailangan niyang magtapos ng kolehiyo.
Nakalabas na siya ng building at nalampasan na ang guardhouse nang matanaw si Shane sa may gilid ng mataong kalye sakay ng malaking motorsiklo nito. She gasped softly at the sight of him.
Hindi pa rin nagmamaliw ang kakaibang damdaming nadarama niya tuwing nakikita ang boyfriend. Parang laging may nagliliparang paruparo sa sikmura niya. Kunsabagay ay halos dalawang buwan pa lang naman silang magkasintahan. Hindi pa lumilipas ang pananabik sa bawat isa.
She smiled at him. Her eyes filled with so much love for this man. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa buhay sa sandaling mag-break sila ni Shane. He was her first love. At hindi niya kayang isiping posible siyang magmahal sa iba.
"Kanina ka pa?" tanong niya rito.
"Wala pang limang minuto." Inabot nito ang leeg niya at inilapit dito at saka banayad na hinagkan siya sa mga labi.
Shivers ran down her spine as his lips touched hers. That kind of sexual feeling that most often, she was trying to suppress.
"Hey," awat ni Caroline at naiilang na kumawala. Nilinga ang paligid. Totoong maraming estudyante at malamang ay may nakakita sa paghalik ni Shane sa kanya pero wala namang tumutok talaga ng tingin. "Ang daming estudyante sa paligid, ha."
"So?" anito, naaaliw ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Ayokong makarinig ng sigaw na, 'get a room!'"
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...