49

6.9K 237 7
                                    


"I AM truly surprised," ani Mrs. Malvar nang mawala sa paningin nila si Caroline. "Hindi ko inaasahang sa unang araw ng pagyapak natin sa Coron ay makikita natin si Caroline." Isinandal ni Mr. Malvar ang likod sa sandalan. "Sa inyong palagay, siya ba ang dahilan kung bakit isinuhestiyon ni Shane na dito tayo magbakasyon?"

"Hindi ko alam, Papa." Pauline was thoughtful. "Maybe. So, finally, I've met the infamous Caroline. Why, she's beautiful! Pero napansin n'yo ba na para siyang ligalig nang makita at makilala kayo? O ang mas akmang salita ay 'natatakot.' I was watching her while you were talking to her, Mama. Napipilitan lang siyang makipag-usap sa atin."

"It was too obvious, Pauline," Mrs. Malvar said. "I wonder why. Hindi siya nag-attempt na kumustahin man lang si Shane."

"It was as if she's hiding something."

"That's ridiculous," sabat ni Mr. Malvar. "Kayong mga babae ay sobrang mapaghaka-haka. Isang pagkakataong nakita nating muli si Caroline at isa nang biyuda sa batang edad. She must have turned to another man during her relationship with Shane. Things like that happen. Nagkataong hindi makalimot si Shane...

"For all we know, hindi naman alam ni Shane na dito na nagpirmi si Caroline," patuloy nito. "Ang sabi lang niya ay maganda ang Coron at mag-e-enjoy tayo sa magagandang isla rito. I suggested Puerto Princesa. Pero agad sumang-ayon itong si Pauline na dito tayo magtungo."

"Nakapagbakasyon na ako sa Puerto Princesa, Papa, noong college, with classmates. Pero hindi ko pa narating ang Coron. I thought it was a good idea to spend a few days here."

"Bukas ang dating ni Shane dito. Saan siya tutuloy gayong puno ang hotel?" tanong ni Mrs. Malvar.

Hindi sumagot ang asawa't anak.

BAKANTE ang dalawang silid sa bahay ni Caroline. Ang silid ni Hannah at ang guest room na may double bed. Sa kabila ng lahat ay hindi niya maatim na manatiling sama-sama sa isang single room na may single bed ang mga magulang at kapatid ni Shane. After all, lolo at lola at tiyahin ito ni Erick.

Alas-siyete ng gabi nang magsidating ang mag-anak at dumiretso sa restaurant ng hotel upang maghapunan. Nilapitan niya ang mga ito.

"Good evening..." bati niya. Hindi siya nakatitiyak kung tama ang ginagawa. Subalit alam niya kung gaano kaliit ang pang-isahang silid na nabakante. Kahit ang banyo niyon ay napakaliit din. Bagaman malinis ang silid ay sadyang pang-isahan iyon.

"Hello, Caroline..." sabay halos na bati ng tatlong Malvar.

"Tama ka, hija. Nag-enjoy kami sa hot spring. Mukhang magandang gamot sa rayuma," ani Mr. Malvar na tumayo at hinila ang isang upuan. "Please join us. Nag-order pa lang kami ng aming hapunan."

"Totoo ang sinabi ng asawa ko, Caroline," ani Mrs. Malvar. "Palagay ko ay makakatulog ako nang mahimbing nito." She smiled widely. "Hindi ko na mapapansing magsisiksikan kami ni Pauline."

"Thank you, sir. Pero iba ang sadya ko sa pagbaba rito." Inikot niya ang tingin sa tatlo. "Wala pong mababakanteng silid sa hotel sa loob ng apat na araw. Kung mayroon man ay naka-reserve na iyon sa ibang darating pa."

Pauline smiled at her. "It's all right, Caroline. We'll be fine. It's not your fault that we didn't have reservation."

"Tama si Pauline, hija," sagot naman ni Mrs. Malvar. "Anyway, nasa labas naman kami buong araw at namamasyal."

She swallowed. "I... I am offering you my guest room, sir... ma'am. And..." Nilinga niya si Pauline, "you can stay in my stepdaughter's room."

"We... we don't want to impose!" nag-aalangang sabi ni Pauline.

"Oo nga naman, Caroline," segunda ni Mr. Malvar. "Kalabisan iyan para sa amin." She smiled at them sincerely. "You are not imposing. Please, uutusan ko ang isa sa mga empleyado na dalhin ang mga gamit ninyo sa bahay ko. Karugtong lang po iyon ng hotel..." 


Nilingon niya ang isang bahagi ng restaurant at may itinuro sa glass panel. Puro nagtatayugang mga halaman ang makikita roon. "May daan po patungo sa bahay mula sa opisina ko. Sa likod lang po ng mga halamanang iyan."

"Why, thank you! I don't know what to say," bulalas ni Mr. Malvar.

"Wala pong anuman iyon, sir."

"We still want to keep the single room, Caroline..."

She frowned. "Pero bakit?"

"Shane's arriving tomorrow morning."

Kung hindi ang pamilya ni Shane ang kaharap niya ay baka hindi niya napigil ang sariling ilabas ang pagkamangha at ang matinding kabang umahon sa dibdib niya. Shane would be arriving tomorrow!

She forced a smile. "O-okay." Iyon lang at ipinagpatuloy na niya ang paglabas sa dining room ng restaurant.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon