28

7.4K 219 4
                                    


"YOU HAVE a nice place here," komento ni Caroline at nilingon ang paligid ng di-kalakihang restaurant. Ang Hotel Hannah ay mayroon lamang isang palapag at may sampung silid. 

Gayunman, may nakaabang na espasyo para sa karagdagang mga silid kung kinakailangan.

"Nagsimula ang hotel na walo lang ang silid," ani Matt at dinala sa bibig ang bote ng beer. Sinikap ni Caroline na alisin sa isip ang larawang gumuhit sa isipan niya sa ginawang iyon ni Matt.

"You also live here?" she asked conversationally. She was really trying to be very polite. Dahil kung siya ang masusunod ay gusto na niyang umuwi at tapusin na ang dinner date na iyon.

She had nothing against Matt. He was handsome and a perfect gentleman. With him, pakiramdam niya ay iba siya. A lady. Beyond her age. Kung wariin ay tila siya babasaging kristal kung ituring ni Matt. Parang reyna.

With Shane, she was herself. Young and carefree and so much in love.

Siya at si Shane ay naglalakad sa ulanan, walang pakialam sa mundo. Lahat ng bagay ay may kulay. Tinutukso nila ang isa't isa sa puntong nais nang magkapikunan. But in the end, pinagtatawanan na lang nilang pareho ang pangangantiyaw sa isa't isa.

While her relationship with Shane was intense and like there were no tomorrows. with Matt, napaka-passive ng mga bagay-bagay. Maybe because he was older.

"Yes," sagot nito na pumutol sa daloy ng isip niya. Kinamay nito ang calamares at isinubo. Tinapos ang pagnguya at paglunok, saka nagpatuloy. "Nasa left wing ang bahay ko. Halos sa likurang bahagi na ng hotel. I have plans of adding a new floor to the hotel. Maybe next year."

Tumango siya. "Nasaan nga pala si Hannah? Bakit hindi natin siya kasama?"

Matt smiled. "This is my date with you, Caroline. Bakit ko isasama ang anak ko?"

Pinunasan niya ng linen napkin ang bibig bago ito tinitigan. "Matt... Gusto kong malaman mong hindi ako available para... para..." She couldn't find the right words to say.

At wala ring idinudugtong na salita si Matt para tulungan siyang maisatinig ang nais sabihin. Nakatitig ito sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.

Ibinaba niya sa mesa ang linen napkin. "Okay." She sighed. "May... boyfriend ako, Matt."

Ikiniling lamang ni Matt ang ulo nito. Relaxed na sumandal sa sandalan at dinala sa bibig ang beer at muling lumagok.

Niyuko niya ang kandungan at sandaling ipinikit ang mga mata. Hindi niya gustong sabihin dito ang tungkol sa kanila ni Shane pero kung hindi niya gagawin iyon ay magpapatuloy si Matt sa interes nito sa kanya. And it would be unfair to him.

Muli siyang nag-angat ng tingin dito. Nakatitig ito sa kanya. Seryosong nakatitig. She bit her lip. 


"You are not making this easy for me..."

"Caroline, I am listening." he spoke finally, in an even tone.

"May... may hindi kami pinagkakaunawaan sa kasalukuyan..."

"It's obvious."

"Ayokong mag-assume ng mga bagay-bagay, Matt, pero gusto kitang tanungin kung bakit... sabi mo nga ay isa itong date. Why are we dating? No. Let me rephrase that. Bakit mo ako idine-date?"

"Hindi ko rin alam, Caroline." He shrugged. Ibinaba sa mesa ang bote ng beer. "Sa eroplano pa lang ay nakuha mo na ang interes ko." Umiling ito. "Don't get me wrong. Hindi ako ang uring naaakit sa mga kabataang babae. Ikaw ang kauna-unahan. Hindi ko kayang ipaliwanag sa sarili ko kung bakit."

That was an honest answer she could expect.

"Kahit walang kahihinatnan ang interes mo na iyan sa akin?"

Matabang na ngumiti si Matt. "Karapatan ko ang ano mang damdamin ko para sa iyo."

Wearily, nilinga niya ang paligid. May ilang kumakain na guests ng hotel. May foreigners at may mga local tourists. Ang Hotel Hannah ay hindi naman maituturing na de klaseng hotel. 


Gayunman ay hindi rin naman ito maikakategorya sa mumurahing hotel sa kabila ng iilan lang ang silid niyon.

Ibinalik niya ang tingin dito. "I am in love with him, Matt. Very much in love with him."

"You made it very obvious. And I envy that man, whoever he is."

"At umaasa akong pansamantala lamang ang nangyayaring ito na hindi namin pagkakaunawaan. Ito ang una naming seryosong pagkakagalit. Natitiyak kong kapag nakapag-isip nang husto si Shane ay tatawag iyon..."

"Shane. That's his name?" It was more of a statement than a question.

Tumango siya. "And it would be unfair to you. Ayokong mag-entertain ng ibang lalaki on the rebound, Matt."

"You made that very obvious also."

"Kaya sana ay—"

"No, Caroline," putol nito sa nais niyang sabihin na natitiyak niyang alam na nito. "Don't ask me of that. Isang malaking hypocrisy sa bahagi ko kung sasabihin ko sa iyong hindi ako nag-iisip na sana'y hindi na kayo magkakabalikan. Sa kabila ng lahat, hindi ko gustong nakikitang lagi kang iiyak. Pangalawa, I don't give up easily. Kahit sa aling aspeto ng buhay. I'll take my chance."

"Oh, Matt." Bewildered, she looked at him. "Paano kung... kung walang mangyari sa ginagawa mo?"

He shrugged nonchalantly. "That's life, Caroline. We can't have it all. Kailangang tanggapin ang mga bagay na hindi naman ukol sa atin. But as I said, I don't give up easily. You won't stop me from seeing you, will you?"

"At kung iyon nga ang gusto kong sabihin sa iyo?"

He smiled drily. "Hindi mo ako maaawat."

"But that would be so unfair!"

"Para kanino?"

"Sa iyo."

"Ako'ng bahala sa sarili ko, Caroline. Huwag mo lang hilinging huwag na akong makipagkita sa iyo. At least, while you're here in Coron." He paused, then stared at her with curiosity. "Maaari ko bang malaman ang pinagkagalitan ninyo?"

Her second day with Matt. Huwag nang isama pa ang unang araw na nagkita sila sa eroplano. At heto siya at nagpasyang ipagtapat dito ang lahat. There was something about him that she felt compelled to tell him... to trust him.

"Siya lang ang nagagalit sa akin..." Gumaralgal ang tinig niya.

"Okay." Itinaas ni Matt ang kamay. "Huwag mo nang sabihin sa akin kung magdudulot lang din iyon ng labis na lungkot sa iyo..."

Napilitan siyang ngumiti. "Gusto kong sabihin at ikaw ang nagsimula nito. At baka kapag narinig mo ay maipasok mo diyan sa isip mo na imposibleng magkaroon ng pag-asa ang interes mo sa akin."

Sinimulan niyang sabihin dito ang dahilan ng paglayo ni Shane. Subalit nilaktawan niya ang katotohanang tatlong linggo na ang nasa sinapupunan niya. Hindi siya inabala ni Matt sa kabuuan ng pagkukuwento niya. Mataman lang itong nakikinig.

Nag-angat siya ng tingin dito. Her eyes sparkled with unshed tears. "Why do you think he didn't believe me?" tanong niya sa tinig na puno ng hinanakit.

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon