56

8.4K 232 8
                                    

TAHIMIK na pinagmasdan ni Caroline ang buong siyudad ng Makati mula sa balkonahe ng silid niya sa tenth floor ng condo. Alas-dose pasado na pero parang hindi gustong umuwi ng mga tao at magpahinga. Natatanaw niyang tila mga langgam ang mga tao sa ilang bahagi ng Greenbelt.

Hindi niya mapigilan ang mapahikbi. Kailangan niyang pakawalan na sa puso niya ang alaala ni Shane. Panahon na upang unti-unti itong limutin. Ipakakasal niya si Hannah kay Shane. She'd see to it even if it killed her. Pagkatapos ay sasamantalahin niya ang pagkakataong nasa honeymoon ang mga ito at aalis silang mag-ina. Mangingibang-bansa sila. Kasama ang lola niya. Hindi sila masusundan doon ni Shane. Hindi nito maaaring kunin sa kanya si Erick.

Tinupad niya ang pangako kay Matt. Hindi niya pinabayaan si Hannah at ang negosyo nito. Kayang pangasiwaan ni Shane ang negosyong minana ni Hannah sa ama. Bukas na bukas din ay tutungo siya sa Silang. Hindi niya kailangang magpalipas ng ilang araw. Kailangang makausap niya ang lola niya upang maihanda nito ang mga dapat ihanda.

Her grandmother would understand. Lalo nang hindi ito papayag na mawala si Erick sa kanila.

Iniyak niya ang lahat ng sama ng loob at hinanakit sa loob ng ilang sandali sa balkonahe. Pagpasok niya sa loob ng silid niya ay mabilis na tumalilis ang aninong kanina pa siya pinagmamasdan. Si Hannah.

NAG-EEMPAKE si Caroline nang pumasok sa silid niya si Hannah. "Going back to Coron?"

Umiling siya. "Dadalawin ko muna si Lola sa Silang, Hannah. We'll stay there for a few days. Babalik ako rito at saka ko pupuntahan ang dalawang branches sa Nuvali at sa Quezon City. At saka pa lang ako uuwi sa Coron."

"You look like hell," komento nito nang marahil ay mapansin ang pangingitim ng paligid ng mga mata niya.

"Well, thank you," she said sarcastically.

"You know I love you, Caroline. I would never hurt you."

"Yeah." Muli niyang usal nang patuya habang isinaksak sa bagahe ang mga gamit nilang mag-ina.

Hindi malaman ni Hannah ang gagawin. Palakad-lakad ito sa loob ng silid at nililingon siya sa ginagawa niya. "I was deliberately bitchy last night."

"Pagbutihin mo ang pagpa-practice. Pero sana hindi sa akin."

Marahang napaungol si Hannah. "Alam ni Shane na anak niya si Erick."

Nahinto sa ere ang damit na ipapasok ni Caroline sa bagahe. Nagtuwid siya ng katawan. Sunod-sunod ang kabang dumadagundong sa dibdib. "How... how could you betray me like this?" puno ng hinanakit at takot ang tinig niya.

"H-hindi ako ang nagsabi kay Shane, Caroline—"

"Sino?" she screamed in disbelief. "My friends would not betray me!"

"Sa Coron pa lang ay alam na ni Shane na anak niya si Erick. Sinabi ng mama niya sa kanya..."

Tinitigan niya si Hannah na para bang ibang tao ang nakikita niyang nakatayo roon. "Why are you doing this, Hannah? What have I done for you to hurt me so?"

"Mrs. Malvar saw Erick's faint birthmark, Caroline," anito. "Shane and Pauline had it when they were small on the same spot. Sa gilid ng mukha. Naglalaho iyon nang unti-unti habang lumalaki sila."

Caroline gasped. Hindi makaapuhap ng sasabihin.

"I am not in love with Shane," patuloy ni Hannah na lalong nagpalaki sa mga mata niya sa pagkakatitig dito. "Wala kaming relasyon. Ginawa namin ang pagpapanggap dahil gustong matiyak ni Shane ang damdamin mo sa kanya..."

Caroline was speechless. Biglang blangko ang laman ng isip.

"I saw you last night crying in the balcony," patuloy nito. "I would have told you about this last night. Pero hindi ako nakatitiyak kung bakit ka umiiyak." She paused, then, "You still love him, don't you?"

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig dito. Umaagos ang mga luha sa mga pisngi niya.

"Answer me, Caroline, please. Do you still love Shane?"

Ayaw maglandas ng salita sa lalamunan niya. Nagsisikip iyon sa mga luha.

"I want you to be happy, Caroline. I want my brother to know who his father is. And I like Shane very much..." Hannah's voice broke.

"I... I don't know if we still have that chance, Hannah..." she said finally.

"Shane and his family are leaving today for the States, Caroline. Tatlong taon nang sa ibang bansa naninirahan ang mga magulang niya. I told Shane not to give up on you. Pero nawalan siya ng pag-asa pagkatapos ng nangyari noong isang araw. I-I tried calling him last night and this morning. Pero ring lang nang ring. I also sent messages."

"W-what are you talking about?"

Sinulyapan ni Hannah ang relo sa side table. "H-hindi ko alam kung anong oras ang flight ng mga Malvar, Caroline. Hindi ko nilinaw kay Shane. But surely it couldn't be this early."

Caroline panicked. Hindi niya malaman kung paano kakalmahin ang takot sa dibdib.

"Take a chance and go to Tagaytay. Use my car." Inilagay nito ang susi ng kotse sa tabi mismo ng purse niya. "Baka sakaling naroon pa sila."

Dinampot ni Caroline nang sabay ang susi at ang purse niya at nagmamadaling tinungo ang pinto. "Call him, Hannah."

Hannah shook her head sadly. Kagabi pa siya walang tigil sa pag-dial sa number ni Shane subalit walang sumasagot. 

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon