HINDI alam ni Caroline kung tama ang ginawa niyang pagtanggap sa alok ng kaibigang si Raquel na magbakasyon siya sa bahay ng mga magulang nito sa Coron. Dapat ay magkasabay silang bumiyaheng magkaibigan. Subalit hindi niya gustong umalis ng Maynila. Umaasa siyang dadalawin siya ni Shane.
Her eyes stung at the thought of him. May tatlong araw na ang matuling lumipas mula nang umalis ang kaibigan pero kahit anino ni Shane ay hindi niya nasilip. Hanggang ipasya niya kahapon na sumunod kay Raquel sa Coron.
Hindi niya maaaring gugulin ang buong semestral break sa pagkukulong sa silid niya at maghintay hanggang sa wala na ang galit nito; kung nakapag-isip-isip na ito na biktima siya ng pagkakataon; that giving her the benefit of the doubt was the wise thing to do.
"Kung gusto mo, Caroline, umuwi tayo sa amin sa Quezon. May kilala akong marunong manggayuma. Gayumahin natin si Shane para makapag-isip kaagad," seryosong wika ni Lovelle nang mapasukan siya nito sa silid na nakadapa sa unan niya at nagsisikap na huwag umiyak.
Hindi naman kasi sila nag-break ni Shane. Nagkatampuhan lang. At ano mang sandali ay magte-text ito o tatawag.
Inantala ni Lovelle ang paglipat sa bagong tirahan dahil lang sa kanya. Dahil lang nag-aalala at namimighati siya sa ginawang pagtatampo ni Shane. Sa ibang pagkakataon ay gusto niyang matawa sa sinabi ng kaibigan. Dahil hindi siya naniniwala sa gayuma. But she was too lonely and worried that humor couldn't take root.
Tatlo silang magkakaibigang nakatira sa apartment na iyon sa Sta. Mesa, isang sakay patungo sa university na pinapasukan nilang pare-pareho. Nang lumuwas si Caroline sa Maynila may tatlong taon na ang nakalipas ay kasama niya ang lola niya upang maghanap ng apartment na matutuluyan dahil ayaw nitong mag-board o mag-bedspace siya sa university belt. Masyado raw dikit-dikit ang mga bahay at masisikip.
And she had periodic asthma. Hindi gusto ng lola niya na nati-trigger iyon dahil sa nakakalanghap siya ng kung ano-ano, lalo na ang usok ng sigarilyo. Nasindak ang lola niya nang makita sa gilid ng unibersidad sa may mga dormitories ang mga babaeng hantarang naninigarilyo.
Inawat niya ang sariling matawa sa lola niya. Kapag nagkasakit nga naman siya ay panibagong gastos. At hindi naman masalapi ang lola niya. Umaasa lang sila sa kapirasong flower farm para sa pag-aaral niya.
Nasa second semester si Caroline sa unang taon niya sa kolehiyo nang makilala niya sina Lovelle at Raquel. Si Raquel ay classmate niya sa halos lahat ng subjects. Samantalang si Lovelle ay kaibigan naman ni Raquel.
Parehong iniwan ng mga ito ang boardinghouse at sumang-ayong magsama-sama at maghati na lang sa bayad sa apartment. Dahil nang kuwentahin nila ang gastos ay mas mahal pa ang boardinghouse kaysa sa apartment.
Dalawa ang di-kalakihang kuwarto ng two-storey apartment. Magkasama sa kabilang kuwarto sina Raquel at Lovelle at solo niya ang isang kuwarto na nakaharap sa kalsada, since she had the lion share of the rent.
Mas malimit silang magkasama ni Raquel dahil classmate nga niya ito samantalang si Lovelle ay nagtapos na nitong nakalipas na semester at pumapasok na sa call center.Sa kabila ng nagtatrabaho na si Lovelle ay hindi nito binitiwan ang apartment at nanatili silang magkakasamang magkakaibigan. Sila ni Raquel ay nasa huling semester nila sa third year.
At sa nakalipas na mahigit na dalawang linggo mula nang magalit sa kanya si Shane ay ang mga kaibigan niya ang nariyan at nakikiramay sa kalungkutan niya. Her chest heaved as she took a deep breath. Ang maisip si Shane ay muli na namang nagpapabigat sa dibdib niya.
Paanong ang isang maganda at mala-pocketbook romance na simula ay ganito ang kinahinatnan? Paanong hindi siya nito pinaniwalaan? Paano nito naisip na nagtataksil siya?
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
Roman d'amourIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...