47

7.9K 246 36
                                    


Five years later...


MAHIGPIT na niyakap ni Caroline si Raquel.

"Na-miss kita nang husto, Caroline," ani Raquel na nakatawa.

"Mas na-miss kita..." aniya at pinakawalan ang kaibigan at tinitigan. "Humiyang sa iyo ang apat na taong pamamalagi mo sa Canada, friend." Lumipat ang tingin niya sa foreigner na nasa tagiliran ni Raquel. "Hello, John. Good to see you again."

Mahigpit siyang kinamayan ni John na nakangiti. "Same here, Caroline. It's good to be back here in Coron..."

John was Raquel's husband. Isa itong Canadian exchange student na nakilala ni Raquel sa unibersidad sa huling semester ng kaibigan. Nagkamabutihan ang dalawa. Bago umalis si John patungong Canada upang doon magpakasal ay namalagi muna sa Coron nang isang linggo ang mga ito upang makausap ang mga magulang ni Raquel. John stayed at Hotel Hannah. Na ngayon, pagkalipas ng tatlong taon ay dalawang palapag na at may tatlumpung silid.

"Anyway, I leave you two with your..." Nagmuwestra ito sa thumb at forefinger. "... usapeyng babae." Sinundan nito iyon ng tawa. Nakitawa na rin ang dalawa.

"Where are you going, honey?"

"Around. Don't worry about me. I'll be back at lunchtime." Nginitian at kinawayan nito si Caroline at ang asawa.

Nang mawala sa paningin nila ang asawa ni Raquel ay inakay ni Caroline patungo sa coffee shop ng hotel ang kaibigan. Naupo sila sa isang mesa. Um-order ng kape si Caroline.

"Ikaw, ano ang gusto mo?"

"Kape na rin," sagot ni Raquel, hinagod ng tingin ang kaibigan. "You look good. Curves at the right places. Motherhood becomes you, mi amiga. So how are you?"Caroline laughed. "Para naman tayong hindi nagkakausap at nagkaka-chat niyan sa Internet." Nilinga ni Raquel ang kapaligiran. "Nagawa mong palaguin ang negosyong iniwan ni Matt. Dalawang palapag na itong Hannah Hotel."

"Plano ni Matt na magdagdag ng floor noon..." She sighed. "Ikaw? Kumusta ang married life mo?"

Ngumiwi ito. "Mahirap magkaasawa ng foreigner. Maraming pagkakaiba at mas maraming pinakikibagayan." Then Raquel shrugged nonchalantly. "But it's okay. I'm coping with my so adorable macho Canadian..."

Lumabi si Caroline. "Husss. If I know. Sobra kang in love sa husband mo. Para ka ring si Lovelle. Kunwari ay maraming reklamo sa asawa. Pero hayun, nakadalawang anak na." She paused. "Eh, bakit hindi pa kayo nag-aanak ni John?"

Raquel's laugh was hollow. "Ako ang may problema, Caroline. After that miscarriage, sinabi ng doktor na hindi na ako magkakaanak pang muli."

She stared worriedly at her friend. "Have you asked second opinions?"

"No. I didn't. Ayokong marinig." Raquel sighed. "Kung sa susunod na taon ay talagang wala pa, baka mag-adopt kami. Iyon ang suhestiyon ni John. Pero nag-aatubili ako." Iwinasiwas nito ang kamay. "I don't want to talk about me..." Inabot nito ang kape bago pa maibaba ng waiter. Tinimplahan at marahang hinigop.

"Dinalaw ko si Lovelle bago ako lumipad patungo rito. Well, hindi siya nakabingwit ng mayamang mapapangasawa tulad ng pangarap niya..." They both laughed at that.

"But Lovelle's madly in love with Billy and she's happy," she said, smiling.

"That is so true. Kasamahan niya sa call center si Billy. And as of now, nagsisimulang mag-ipon para makapagnegosyo. And the kids are adorable. Isang tatlong taon at isang magdadalawang taon."

Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon