HINDI na rin naman tinapos ni Caroline ang bakasyon niya sa Coron at bumalik na rin sila ni Raquel sa Maynila limang araw bago ang official enrollment para sa huling taon nila sa kolehiyo. Hindi niya gustong aminin sa sarili na nang wala na ang mag-ama ay boring na ang lahat ng sandali.
Unang-una ay wala na siyang ibang napag-uukulan ng pansin. Naikot na niyang lahat ang maaaring pasyalan sa Coron. Lalong natutuon ang buong pag-iisip niya kay Shane. Hindi na rin siya halos natutulog sa mga gabing nagdaan.
Sa mismong araw na nasa apartment na sila ni Caroline sa Maynila ay tumawag si Matt. Kinumusta ang flight niya at siya. She glared at Raquel accusingly. Ipinaalam nito kay Matt na nakabalik na sila. Nagkibit lamang ng mga balikat si Raquel.
Nang sumunod na araw ay tinulungan na nila si Lovelle sa paglilipat nito sa Libis. Nadagdagan ang lungkot niya dahil dalawa na lang sila ni Raquel sa apartment. Subalit tiniyak ni Lovelle sa kanya na sa lahat ng pagkakataong posible ay magkakasama silang tatlo.
Naging constant caller niya si Matt at ilang beses din siyang inimbita nitong kumain sila sa labas subalit tinanggihan niyang lahat ang mga iyon. Hindi niya gustong sa hindi sinasadyang pagkakataon ay makita siya ng alin man sa mga kaibigan at kakilala ni Shane na may ka-date siyang ibang lalaki at makadagdag lamang sa ano mang hinala nito sa kanya.
She also tried many times to call him. At tulad ng dati ay puro voice prompt ang naririnig niya. Natiyak niyang nagpalit na ng cell phone number si Shane sa labis niyang pamimighati. Sinikap din niyang ma-contact ito sa pamamagitan ng pagtawag sa opisina ng ama nito. Subalit ni hindi siya nakalampas sa operator. Ayon dito ay nag-resign na mula sa kompanya si Shane. She didn't believe that either.
At sa buong akala niya ay wala na siyang iiyak nang gabing iyon. But she cried the whole night. Dinama niya ang tiyan. "Paano ka na, baby? Kung hindi babalik ang daddy mo ay lalaki kang hindi siya makikilala... tulad ko..." pahikbi niyang usal.
Nagulat pa siya sa biglang pagbukas ng silid at ang pagliwanag ng ilaw. "You are six weeks pregnant, Caroline. Ang unang trimester ang delikado para diyan sa dinadala mo. Please stop crying."
"I'm... s-sorry..." Inabot niya ang tissue paper mula sa box na nasa tabi lang niya at nagpahid ng mga luha.
Sumandal sa hamba ng pinto si Raquel. "Paano ang OJT mo sa pasukan? Itutuloy mo pa rin ba ang pagpasok sa kompanya ng papa ni Shane?"
"H-hindi na natin magagawa iyon, Raquel. Malibang magbalik si Shane."
"Sana nga ay magkaisip si Shane at magbalik, Caroline. Hinahangad ko rin iyon para sa iyo at diyan sa dinadala mo. Pero kung hindi ay ihanda mo ang sarili mong sa kompanya ni Matt tayo mag-OJT." Puno ng simpatya ang tingin nito sa kanya bago muling pinatay ang ilaw, lumabas, at tahimik na isinara ang pinto.
Kinabukasan ay ipinasya ni Caroline na umuwi sa Silang. Sinamahan siya ni Raquel upang, ayon dito ay may makapagpaalala sa kanyang kailangan niyang ilihim nang husto sa lola niya ang pagdadalang-tao niya.
Dalawang araw sila sa bahay ng lola niya sa Silang. Puno ng katuwaan ang mukha nito na malapit na siyang magtapos. Nasa kubo sila na nasa tagiliran ng bahay ng lola niya.
"Matanda na ako, apo. Setenta na ako sa susunod kong kaarawan. At pakiramdam ko ay humihina na ang aking katawan. Kaya totoong ako'y nagagalak na napagtapos kita..." Puno ng pagmamalaki ang tinig ni Lola Serafina.
Nagyuko siya ng ulo. Napuno ng guilt ang dibdib niya. Totoong magtatapos siya pero kasabay niyon ay magkakaanak siya. Bahagya lang ang kaibahan sa nangyari sa nanay niya. Naramdaman niya ang pagsipa sa kanya ni Raquel sa ilalim ng mesang kawayan sa may kubo.
BINABASA MO ANG
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceIsang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. A...