PROLOGUE

27.7K 705 76
                                    

First upload: May 10, 2020

Kung gusto n'yo pong umorder ng book nito, answer this survey form: https://forms.gle/8cq9oxh74zaRSBqTA  Survey palang po ito, wala pang bayad. 

Sa mga gusto pong umorder, ito po ang link. Ang printed copy ay mayrooong 5 special chapters.

https://forms.gle/HxtY6poawE7MxHwbA

**********

(SHELBY MADELINE MARIANO SAN DIEGO'S STORY)

Alam ni Shelby na ikakasal na ang lalaking labis-labis niyang minahal, pero iba pa rin pala ang dating nang makita niya mismo sa labas ng chapel ng isang five star hotel sa New York ang wedding sign board ng dalawa: Welcome to our Wedding, Teresa & Alfonso.

May narinig na ingay ang dalaga mula sa kanyang likuran. Paglingon niya sa pinagmulan no'n nakita niya ang masasayang mukha ng mga bisita ni Alfonso. Mayamaya pa, lumitaw na rin ito na katulad ng mga kasama ay hanggang tainga rin ang ngiti. Bago pa siya makita nito'y dali-dali na siyang lumayo roon.

"Why do you need to go there? You were not even invited?" sabi ng kaibigan niyang si Dane kanina nang umalis siya sa shared condo nilang dalawa sa Manhattan. "You're just putting yourself in so much pain."

"I have to see him for the last time, Dane. Hangga't hindi ko siya nakikitang ikinakasal sa iba ay hindi ako maniniwalang wala na siya sa buhay ko."

Iyon ang balak niya kanina. Ang saksihan mismo ang pag-iisang dibdib ni Alfonso sa babaeng ni sa panaginip ay hindi niya inakalang aagaw sa kanya sa pagmamahal ng lalaking itinatangi. Sino ba naman si Teresa Filomena Quezada kung ikompara sa kanya? Isa lamang itong ordinaryong nilalang na sinuwerte lang at nakapuntang Amerika. Pero siya? Siya ay Si Shelby Madeline Mariano San Diego, ang kaisa-isang anak na babae ni Magnus San Diego, isa sa mga tinitingalang pangalan sa larangan ng negosyo sa Pilipinas. Hindi lamang iyon. Kahit hindi niya gamitin ang pangalan ng pamilya, kilala na rin siya sa bansa maging sa Europa at America bilang rising star in fashion design. Kahit saang anggulo tingnan, lamang na lamang siya kay Teresa. Subalit...

"Are you okay, Miss?" tanong ng lalaking puti na nakasalubong niya paglabas na paglabas ng hotel. He looked a bit concerned. Isang marahang tango lang ang isinagot niya rito bago ibigay ang hawak niyang ticket na may nakasulat na numero.

The guy did a double take at the ticket number she gave him. Nangunot pa ang noo nito. Ang lalaking katabi nito ang nagpaliwanag dito kung ano ang ibig sabihin no'n. Hindi na siya nakapag-explain na kailangan na niyang umalis sa hotel na iyon dahil sa tindi ng nararamdamang emosyon.

"All right," sabi ng lalaki.

Nang bumalik ito sa harapan niya, pinagmamaneho na nito ang kulay puti niyang Mercedes-Maybach. Itinigil nito sa harapan niya mismo ang nasabing sasakyan. Daig pa niya ang isang lasing na halos ay gumiwang-giwang palapit sa sasakyan sa tindi ng pagkahilo. Nang hawakan na niya ang pintuan sa tabi ng driver's seat para pumasok na sa loob, pinigilan siya ng lalaki.

"Do you think you can drive?" tanong nito.

"Yeah," sagot niya sa mahinang tinig.

Imbes na umatras ang lalaki para magbigay-daan sa kanya, inalalayan siya nito na umikot sa passenger's seat. Wala nang lakas tumutol pa ang dalaga. Pagpasok na pagpasok nga niya sa loob ng kanyang sasakyan ay napapikit siya at nanangis muli. Siguro matagal-tagal na rin ang nilakbay nila nang matauhan siya at biglang mapasigaw dahil kakaiba ang tinatahak nilang direksiyon sa pauwi sa condo niya.

"Stop the car!"

The car made a screeching halt.

"My God, woman!" naibulalas ng lalaki. "You'll give me a heart attack."

No'n lang ito napansin ni Shelby. Hindi niya ito namumukhaan.

"Who are you?" tanong niya nang may pagdududa.

Napangiti ang lalaki showing his perfect white teeth. Shelby noticed his beautiful smile along with his cute dimples. He reminded her of a Nordic prince. A handsome, blond man with blue eyes. Bago pa ito makasagot, naalala na niya ang huling kaganapan sa hotel. Kinabahan siya at natakot na rin para sa kasama. Malamang ay pinaghahanap na ito ng head butler nila dahil bigla itong nawala. Tiyak masisisante ang lalaki nang wala sa oras.

"I'm sorry, Mister. I should have known better than to ask you to drive for me. Don't worry I'm willing to pay you extra." At dumukot na ang dalaga ng sampong tig-iisang daang dolyar para ibayad sa inaakala niyang butler ng hotel na nagmagandang loob para ipagmaneho siya.

"Albrecht."

"What?" nalilitong tanong ng dalaga rito.

"Gunter Klaus Albrecht. That's my name."

Pinangunutan ng noo si Shelby.

"Oh," sabi niya nang maunawaan ang ibig sabihin ng lalaki. "I'm sorry, Mr. Albrecht. I should have not asked you to drive for me."

"You didn't. I volunteered."

Tumangu-tango ang dalaga. Inabot niya sa lalaki ang isang libong dolyar na tip niya rito. Tiningnan lang nito ang bigay niyang pera saka nginitian siya ulit.

"Don't worry, Miss---?"

"San Diego. Shelby San Diego."

"Keep the money, Miss Shelby San Diego. I don't need it."

"But---"

Nagtaas ng kamay ang lalaki saka bumaba na ng kotse niya. No'n lang napansin ng dalaga ang suit na suot nito. He was wearing a very expensive custom-made suit! Nang iangat nito ang isang kamay para tumawag gamit ang cell phone, nakita rin niya ang limited edition ng Rolex GMT Master II sa left hand nito. Afford ba iyon ng mga butlers? Kahit isipin pang sa five-star hotel siya nagtatrabaho.

Tila sinagot ang katanungan ng dalaga. May huminto kasing isang pink na pink na Mercedes Benz sa harapan ng lalaki. Umibis mula roon ang isang extravagantly dressed middle-aged woman.

"Oh, Gunter, darling. What are you doing here?" maarteng bati rito ng puting socialite. She kissed the guy on the cheekS and pulled him towards her car.

Tila nahihiyang kumaway sa kanya ang lalaki bago pumasok sa sasakyan ng sugar mommy nito. Tinanguan ito ni Shelby bago pinaandar din ang kanya. Napailing-iling siya.

Pambihira. Wala na bang lalaking matino ngayon?

**********

Humahangos na sinalubong ng assistant niya si Gunter pagbalik niya ng hotel. Tinanong siya agad nito kung saan nagsuot gayong magkasama naman daw silang umibis kanina sa sasakyan nito. Hindi pa niya ito nasasagot ay nagsalita itong muli. Tila kabadong-kabado pa.

"Sir, all the board of directors are already in the conference room. They are all angry for being asked to wait. They are asking for an explanation."

"Why should the chairman explain to them?" aroganteng sagot ni Gunter at mabilis itong nagtungo sa private elevator na nilalaan lamang ng hotel na iyon para sa kanya.

Hindi na sumagot pa ang assistant. Nagkumahog na lang ito na sundan ang amo na daig pa ang cheetah sa bilis maglakad.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon