CHAPTER FORTY-ONE

7.3K 531 129
                                    

Ang weird ng pakiramdam ni Shelby nang pumasok siya ng fashion house nang sumunod na araw. Kakaiba ang pakiramdam niya sa presensya ni Lyndie. Hindi niya alam kung kinukutuban na ito na alam na niya ang lahat. Kung titingnan kasi'y walang pagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Grabe. Sa sobrang tiwala niya rito dahil dinamayan siya noong mga panahong hindi lang ninakaw ni Katarina Horvathova ang kanyang designs kundi pati mga modelo niya ay hindi man lang niya ito pinagdudahan kahit noong maulit na may pumuslit sa designs niya para sa birthday gown ni Adeline Grayson. Napapailing siya. Ang galing nitong aktres! Napaikot siya nang gano'n lang. Tama nga pala si Gunter. Dapat noong nadiskubre ng asawa niyang may nakatanim na spycamera at audio sa upisina niya'y nagduda na siya rito.

"Shelby love, I already ordered a tree for the office. It's coming today. I know it's just the fifth of December but I heard that Filipinos love to have an early Christmas decoration. In fact, we are already late," nakangiti nitong sabi sa kanya.

Pinilit ni Shelby ngumiti. Iyon naman kasi ang maaari niyang reaksiyon sa sinabi nito kung hindi niya natuklasang traidor ito. Sabi ng mga kuya niya, she should make her feel and think na wala pa rin siyang alam. Mahirap na. Baka makatakas ito bago mahuli ng mga otoridad.

"Don't be mad if I took the liberty of choosing our tree for you. I saw how busy you were these past few days. I knew you wouldn't have time for this so I did it for you. I hope you're not mad at me?"

Ngumiti lalo si Shelby at umiling-iling. "No. Thanks, Lyndie," sagot niya rito. "Maasahan ka talaga," dugtong pa niya sa Spanish. "I should have told you months ago. In the Philippines, we start decorating our house around September."

"September! Oh my! That is way too early!" Humalakhak ito.

"Yes. And we have this favorite singer for this occasion, Jose Mari Chan, whom people always look forward to seeing and hearing during this season. When his songs start to be played on radios, it somehow tells us Christmas is in the air. And it starts on the first day of September."

Lalong namangha si Lyndie.

**********

"Make sure that you tell them to guard my wife well. If something happens to her, I'll fire them all! Not only that, I will skin them alive, too."

Eksaheradong napasinghap si Frederick sabay hawak sa dibdib para ipakitang na-shock ito sa paraan ng kanyang pananalita. Ang 'them' na tinutukoy niya ang mga kaha-hire lang na bodyguards para kay Shelby. Wala kasi siyang tiwala sa Lyndie Gonzales na iyon. Isa pa naisip niyang sa sobrang sentimental ng asawa'y baka patuloy pa nitong pagkatiwalaan ang assistant to the point na kukulangin sa pag-iingat sa sarili. Mayroon na itong mga bodyguards mula sa ama, pero gusto niya pa ring makasiguro.

"You know how I work, boss, sir. You do not need to tell me that. They were already briefed that the person they are going to guard is the most important creature in the universe," nakangisi nitong sagot. Pinaningkitan ito ng mga mata ni Gunter.

"I am not kidding, Frederick. I will also skin you alive if your newly-hired bodyguards fail to protect my wife!"

Napalis agad ang ngisi sa labi ni Frederick. Napakamot-kamot ito sa ulo.

"Boss, naman, eh. Grabe naman kayo. Bakit pati ako? Hindi ko naman kasalanan iyon kung sakali? Nagawa ko na ang papel ko. Na-brief ko na sila kung gaano ka importante ang trabaho nila," pakli nito sa German.

"I'm just warning you. Wala namang mangyayaring gano'n kung magawa ng tao mo ang pinapagawa ko sa kanila," sagot din dito ni Gunter sa magkahalong English at German.

Sumimangot si Frederick. "Bakit parang kasalanan ko?" tanong uli nito sa salita nila.

"Stop this nonsense, all right?" At hinampas ni Gunter ng nirolyong dyaryo ang assistant. Umaakting pa kasi ito ng kung anu-ano. He was wasting his time.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon