A/N: Tentative portrayer for Gunter. Best candidate for me. What do you think?
**********
"They're you're brothers?" halos pabulong na lang na tanong ni Gunter kay Shelby. Hindi ito makapaniwala. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ang tingin nito kina Markus at Matias tapos ay sa dalaga at pabalik na naman sa dalawang lalaki.
"Yes, they are," pakli naman ni Shelby. Nakaharang pa rin ang katawan niya sa mga kapatid.
Gunter cleared his throat. Napakamot-kamot pa ito sa batok para makayuko nang kaunti. Ayaw niya rin kasing mahalata ng mga kaharap ang pagsilay ng ngiti niya sa labi. Sa katunayan, hirap na hirap siyang supilin iyon. Daig pa kasi niya ang naka-jackpot. He was more than happy. He was relieved beyond words.
"Oh," tanging nasagot niya sa pagkompirma ni Shelby. "Your brothers," sambit uli niya. Parang ninanamnam ang katotohanan.
Kakitaan naman ng kalituhan ang mga security personnel dahil biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng anak ng kanilang amo na tinatawag nilang Madame Quandt. Kung kanina'y nakikita nila itong nagngangalit na parang super typhoon ngayo'y biglang nag-animong lull before the storm. He looked strangely calm and composed.
"Sir?" untag ng mga dambuhalang guwardiya kay Gunter. Natigil kasi ito sa pagbibigay ng instruksiyon sa kanila na paalisin doon ang dalawang modelo.
"You may go back to your posts now. It was a false alarm."
"Sir?" anang pinuno ng guwardiya. Hindi makapaniwala. Bihira kasing magbago ng isip ang isang Gunter Klaus Albrecht na kilala nila. Once he sets his mind on something, he really goes for it.
"I said, go! You are not needed here anymore," mando pa nito sa kanila.
Napaharap bigla si Shelby kay Gunter dahil sa narinig. Gulat na gulat din siya. Kung kanina nakita niya itong parang gustong lapain ang mga kuya niya, ngayo'y maaliwalas na ang mukha. Nakangiti na rin ito sa kanya at bumalik pa ang Mr. Nice Guy aura na tulad noong una niya itong makilala. Ang pinakapinagtaka niya sa lahat, humingi pa ito ng dispensa kina Markus at Matias.
"I thought you guys were harassing Shelby Ma---shall I call you Shelby?" At sumulyap ito sa dalaga with an apologetic expression.
"No!" halos ay sabay na tutol ng dalawa bago pa man makasagot ang kanilang kapatid. Napa-double take sa kanila ang dalaga.
Si Gunter naman hindi na nagulat sa reaksiyon ng mga kapatid. He expected them to be hostile still because of the things he said to them. But he was determined to make amends to them.
"You see I thought you were harassing Ms. Mariano here. And I do not tolerate any woman being harassed right in front of me. Sexual harassment is not tolerated in New York."
"Bipolar ba ang lalaking ito?" anas ni Matias kay Shelby. Pero sadyang pinarinig kay Gunter.
Binigyan ng dalaga ng warning look ang kuya niya. "Huwag kang mag-Tagalog. Aakalain niya pinag-uusapan natin siya," pabulong pa niyang babala.
Hindi nakinig ang Matias. "Are you suffering from a bipolar disorder?" tanong pa nito sa eksaheradong mahinahong boses. Iyon bang parang bukal sa loob ang pag-aalala.
Hindi napigilan ni Markus ang mapangisi sa sinabi ng kapatid. Pinandilatan naman ni Shelby si Matias. Gunter, however, did not reply. He did not care about it. Nothing could dampen his spirit right now.
Samantala, si Lord Randolph ay palipat-lipat ang tingin sa apat. At unti-unti itong napatangu-tango. Tila bagang may nadiskubre ito sa tahimik na pag-oobserba sa apat na nilalang sa kanyang harapan. Ang ikinababahala lamang niya ngayon ay si Adeline Grayson. Paano na ang anak ng matalik niyang kaibigan?
![](https://img.wattpad.com/cover/224560626-288-k696417.jpg)
BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
Literatura FemininaSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...