CHAPTER FORTY-THREE

6.7K 532 81
                                    

Nahuli ni Shelby na mataman siyang pinagmamasdan ni Lyndie habang nagtuturo siya sa isang mananahi nila kung paano ang pagburda sa mga bridal gowns na ira-rampa nila sa kanilang bridal show sa Pebrero. Ngumiti agad ito sa kanya nang magtama ang kanilang paningin. Subalit, hindi tulad ng nakagawian ay agad din itong nagpaalam. Aasikasuhin pa raw ang tungkol sa appointment niya sa tatlong wedding planners na kinuha niya para magsanib-puwersa sa madaliang pag-aayos ng kanyang kasal isang linggo matapos ang naka-iskedyul na bridal fashion show nila.

"Uhm, Lyndie," tawag niya rito.

"Yes, Shelby?" nakangiti na naman si Lyndie. Strange. Ganunpaman hindi nagpahalata si Shelby. Sinikap niyang ipakita rito na hindi niya napapansin ang munting pagkakaiba ng mga ikinikilos nito sa kanyang harapan.

"I'm thinking---I mean, Gunter and I agreed to postpone the wedding," sabi niya rito na labis nitong ikinabigla, or so how she showed it to her. Parang biglang-bigla ito sa pinahayag niya.

"Is that so? Well---I must admit that is a good idea. You should plan the wedding well. Afterall, it would be the wedding of the century. You are not marrying just a nobody. He is an Albrecht and you are a San Diego. You both deserved a well-planned wedding."

Ang paraan ng pagkakasabi niyang 'he is an Albrecht' ay parang may ibang pakahulugan. O baka masyado lang siyang napa-praning? Sinikap ni Shelby na hwag masyadong bigyang-pansin iyon. Inalala niya ang payo ng kanyang mga kuya. Dapat ay hindi ito nakakatunog na may alam na siya tungkol sa asawa nito. Baka bigla na lang maglahong parang bula o mas matindi, gawan pa siya ng masama. Hindi pa niya puwedeng pakawalan ang babaeng ito. Mayroon pang nais malaman ang mga kuya niya. Ang pinagdadasal lang niya'y matapos sana ang pagmamanman ng mga ito sa lalong madaling panahon dahil habang tumatagal ay natatakot na siya sa babae.

"Gunter and I agreed that we will have the wedding sometime in June or July next year. We are not in a hurry. So we do not have any definite plans yet."

Hindi sumagot si Lyndie. Bahagya lang itong tumangu-tango. Pinasalamatan ito ni Shelby sa pagtulong sa paghanap sa kanyang wedding planners na naisip niyang palitan din agad as soon as she fires her, pero hindi niya muna iyon pinahalata.

"By the way, just so you know, your mother-in-law's fashion house is going downhill. I heard that the court has decided to have its operation investigated. There were evidences that it was used to hide some illegal income of Madame Margaux's associates."

Natigilan si Shelby. Walang binanggit tungkol doon si Gunter.

"I am not surprised," pahayag niya makaraan ang ilang segundo. "Knowing Madame Margaux, I kind of expect that to happen."

Sa simula pa lang ay pinakita na ni Madame Margaux kung paanong hindi siya fair. Nagsagawa ng pa-contest sa fashion house nito, pero ni hindi man lang ginawang objective. Si Katarina lang din pala ang gusto nilang manalo nag-abala pang mag-invite sa lahat nilang aspiring designers na sumali. Hay naku. Kung hindi lang iyon ina ni Gunter, ewan kung pakikisamahan pa niya.

"You will be suprised who these associates are, Shelby. Or should I say, shocked?" matalinghaga nitong pahayag saka dinukot ang cell phonee sa bulsa ng blazer. "Oh. I have a call. Talk to you later, sweetie," nakangiti nitong paalam saka tumalikod. Parang sinadyang bitinin siya.

Masa-shock siya? Bakit? Sino ba ang mga associates ni Madame na nagpapasok ng pera mula sa illegal na gawain?

**********

Gunter rolled the newspaper he was reading and threw it in the trash bin. Natigil sa paghigop ng kape si Frederick na kaharap niya sa kanyang desk sa upisina.

"What? Are they dissing you again on their front page news?" nakangising biro ni Frederick sa amo. Ang 'they' na tinutukoy ay ang mga walang magawang journalist na puro na lang pambabatikos kay Gunter at sa pamilya nito ang ginagawa nitong nakaraang mga araw.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon