CHAPTER TWENTY-THREE

6.7K 559 122
                                        

Napahilot-hilot ng sentido si Shelby nang makita ang mga naging ka-match niya sa dating site ng kaibigan niyang si Edgardo. Karamihan sa kanila ay from overseas. Ibig sabihin kahit na magkasundo silang dalawa ay mahihirapan siya sa binabalak niyang madaliang kasal. Baka nga pagdudahan pa sila ng immigration officer at sasabihing sino-short cut nila ang proseso dahil nga green card holder na siya.

"Shelby?"

Napatingala si Shelby kay Ms. Pat Dixon, ang social worker na tutulong sa kanya sa proseso ng adoption. Mukhang kararating lang din nito sa ospital. Nasa lobby sila pareho. Siya'y naghihintay na ipatawag ng doktor ng baby girl at marahil si Ms. Dixon ay siya talaga ang sadya.

"Hey, Pat," nakangiti ring bati rito ni Shelby habang luma-log off sa Heavenly Match dating site.

"I have been wanting to talk to you about Baby Alison," paunang sabi nito. She smiled at Shelby.

Batid ng dalaga ang ganoong uri ng ngiti. Iyon ang ngiting humihingi ng pang-unawa. Kinabahan siya. Napahawak tuloy siya nang mahigpit sa cell phone.

"There's this childless couple in New Jersey who wanted to adopt the baby, too. They're---"

"No! I will not give up Baby Alison!"

Nagulat ang social worker sa biglang pagtaas ng boses niya. Lalo pa't bigla siyang napatayo. Bukod doon, she looked shaken.

"But Ms. San Diego, the couple in New Jersey can give the baby a better environment because---"

"Because they're married? So you're judging one's capability in raising a child based on marital status? Is that what you're trying to say?"

Hindi na maikakaila ang galit sa boses ni Shelby. For the first time, nakaramdam siya ng takot at pangamba na baka isang araw ay babalitaan lamang siya ng ospital na wala na roon ang bata at naibigay na sa isang mag-asawang hindi nilala kilala pareho ni Dane.

"It's not my policy but the State's. We just want to make sure the baby will be placed in a loving home with a stable environment. That's all."

Bago pa matapos sa pagsasalita ang social worker ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ni Shelby. Pinagtinginan na rin sila ng mga nandoon sa lobby. Tumigil na lang sa pagsasalita si Ms. Dixon at humingi ito ng paumanhin sa dalaga.

Pagdating ni Shelby sa kuwarto ni Dane para sabihan ng kanyang hinanakit, nagulat siya. Wala na siyang nadatnan doon. Ang sabi ng nurses at cleaner na nag-aayos ng kuwarto, ang aga daw umalis ng kaibigan niya. Kagabi pa raw kasi ito pinayagang umuwi.

Napanganga si Shelby sa narinig. Ni isang text kasi'y walang pinadala sa kanya si Dane. Heto nga't tsinek niya sa phone kung mayroon siyang unread messages. Wala ni isa. Nakaramdam na siya tuloy ng pagtampo sa pinagmamalasakitang kaibigan.

"She left a note for you, Miss. You are the Miss Shelby she was talking about, right?" anang Ukranian nurse.

"Yes," pakli niya.

Dalawang kamay na inabot ng nurse kay Shelby ang maliit na asul na stationery. Nakatiklop ito at may dinikit na sticker sa pinakabukasan nito. Dahan-dahang tinanggal ng dalaga ang naturang sticker. Maikli lang ang note ni Dane sa kanya. Paulit-ulit itong humingi ng dispensa sa pagkakalagay sa kanya sa alanganin pero buo na raw talaga ang desisyon niyang ipa-adopt ang bata. Sana huwag daw siyang magtanim ng galit dito. Gusto lamang daw niyang kalimutan nang lubusan ang nagawang pagkakamali.

Please, hwag mo na akong hanapin, Shelby. But that doesn't mean I do not treasure our friendship. You will always be an important part of me---the sister I never had. I love you and will always be thinking of you and the happy memories we had together. Take care. Love, Dane.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon