CHAPTER THIRTY-NINE

7.2K 517 81
                                    

Ilang linggo na lang ay Christmas na pero hindi ramdam ni Shelby ang excitement ng pinakamasayang okasyon sa Pilipinas. Ang dami kasing problema. Sa loob lamang ng ilang buwan ay na-overhaul nang husto ang kanyang buhay. Una, nawala si Alfonso. Hindi niya sukat akalain na magdidiwang siya ng pasko nang hindi na ito parte ng buhay niya. Pangalawa, sa tanang buhay niya'y hindi niya naisip na magkakaroon ng relasyon sa isang Amerikano, kahit nga sa isang Fil-Am. Pero heto siya't ikinasal at ikakasal muli sa lalaking minsan nang tinaguriang hottest bachelor ng New York City, the city that never sleeps.

Bigla siyang napangiti nang maalala si Gunter. Noong una niya itong makita kahit na inakala niyang butler, naisip na niyang may hitsura ito. Kaya nga napagkamalan niyang may sugar mommy na mayaman na siyang sumusuporta sa luho. Pagkakita nga niya kay Madame Margaux noon na sumundo sa lalaki in her pink Mercedez ay pinaghinalaan pa niyang ito ang matronang lover. Pati si Lord Randolph ay pinagdudahan din niyang may relasyon dito. Paano naman kasi. Sa hitsura nitong batang bersyon ni Robert Redford, madali lang dito sana ang makauto ng isang mayamang sugar mommy kung nagkataong mahirap ito.

"What do you think of the mistletoe? Is it just placed right?" tanong ni Lyndie sa kanya habang ina-adjust ang pagkakalagay ng naturang Christmas decor sa pintuan ng kanyang upisina.

Tinanguan niya lang ito without even glancing at it. Abala na siya sa binabasa. May mga nahagilap kasi siyang lumang artikulo tungkol sa isang Amy St. Clair, isang Amerikanang estudyante sa Berlin na nakatawag ng pansin ng bunsong anak ng mga Albrecht, isang kilalang pamilya sa Germany. May kalakip na photo ang nakalap niyang artikulo. Kahit halatang luma na ang nai-upload na larawan ng babae, lutang na lutang pa rin ang ganda nito. At mukha naman siyang puti. Napaisip tuloy si Shelby. Ang dinig niya kasi'y inayawan ito ng pamilya ni Henry Klaus Albrecht dahil sa skin color.

"Ms. Shelby?" untag ni Lyndie. Lumapit pa ito sa kanya.

Napatingala si Shelby sa assistant. She copied and saved the article and put it in a folder marked For Shy before she closed her laptop and gave her attention to her staff.

"I think it's just right. Thank you, Lyndie. You made a good choice."

"Is something bothering you?" tanong ng babae. Naupo na ito sa isa sa mga visitor's chair sa harapan ng desk niya.

Napabuga ng hangin si Shelby.

"Is it about your father-in-law's murder case?" deretsahan nitong tanong.

Napahilot-hilot ng sentido niya si Shelby bago marahang tumangu-tango. Napapikit siya sa tindi ng iniinda. Alam niya kasi na kahit hindi naman si Gunter ang may sala, malaking bagay na ama nito ang napagbintangan. Nagpahayag na nga ng hindi pagsang-ayon sa lalaki ang kanyang lolo. Kung kailan naman nararamdaman na niya sanang unti-unting lumalambot ang puso ng dad niya rito. Sa ngayon, si Matias lang ang hindi lantarang nagpahayag ng pagsalungat sa relasyon nila. Pero ang iba niyang mga kuya ay gusto nang hiwalayan na niya si Gunter.

"I know somebody that could help you. I mean---maybe can help you."

Napadilat si Shelby at napatitig sa assistant. "What do you mean?" tanong niya agad dito.

Kumuha ng papel si Lyndie at may sinulat doong phone number. "Call him. Tell him you got the number from me. He's a very good friend."

Napatitig si Shelby sa mga numerong nakasulat sa kapirasong papel saka sa kanyang assistant. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Hindi siya nakatiis. Tinanong iya ito kung kaanu-ano niya ang may-ari ng numerong iyon.

"As I said, he's a very good friend," nakangiti nitong sagot. "All righty. I will go to the coffee shop downstairs. Want some latte?"

Shelby nodded absent-mindedly.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon