Hindi naniwala si Shelby na walang iniinda si Gunter dahil noong binalita ang tungkol sa pagkaka-aresto sa ina nito sa salang pagpatay kay Amy Brown ay halos namamaos ang tinig nang tawagan siya. Iyon ang dahilan kung kaya dinaanan niya ito sa upisina first thing in the morning. Mukhang hindi ito nauwi sa sariling pad kasi he looked dishiveled. It seemed like he didn't sleep at all!
"Hey," bati nito sa kanya nang makita siyang papasok ng upisina nito. Mukhang abala ito sa kung ano ang tinitipa sa laptop. Pagkakita sa kanya'y tiniklop nito ang MacBook at hinarap siya.
Masuyong hinipo ni Shelby ang magaspang na nitong mukha dahil sa papatubo nang balbas. "I wouldn't ask you how you are anymore. It's obvious, you haven't slept yet."
Napabuntong-hininga ito. "I just need to finish some things," sabi nito in a horse voice.
"Couldn't that wait? Why do you have to stay here the entire night?"
Umiling-iling si Gunter at bumalik na ito sa kanyang swivel chair. Halos ay ibinagsak lang nito ang katawan doon at napahinga nang malalim. Nilapitan ito ni Shelby at pinisil-pisil sa balikat. He gently held her hand and brought it to his lips.
"Thank you for dropping by, babe. I was the one who was supposed to drop by your office today. I just got caught up with a lot of work here that needs to be done ASAP."
Yumuko nang kaunti si Shelby at niyapos mula sa likuran si Gunter. Hinalikan pa muli ito sa pisngi.
"I wouldn't say 'everything will be all right, don't worry' because I know it's easier said than done. She is your mom and I am sure you cannot help worrying about her. I just want you to know that whatever happens I will always be here for you, okay? Shy and I will always be by your side."
"Oh, that's so sweet." Gunter broke into a smile at tiningala siya saka sinalubong ng halik ang kanyang mga labi.
"By the way, Dad wanted us to have dinner with him tonight. Please drop by. He is scheduled to go home tomorrow so he would appreciate it if we can be together for dinner before he leaves for Manila. Can you make yourself free even just for tonight."
Saglit lang na natigilan si Gunter, saka tumangu-tango.
Mayamaya pa, tumayo na rin si Shelby at dinampot ang naka-hang niyang winter jacket sa gilid ng pintuan. Nagpaalam siya sa asawa na papasok na rin ng trabaho. Hinatid naman siya ni Gunter hanggang sa ibaba. Hindi pa nakontento roon. Nagbigay pa ito ng instructions sa sariling bodyguard ni Shelby na ingatan ang asawa. Natawa nga ang huli.
"Don't worry about me, Gunter. Mang Conrad knows how to take care of me. It's yourself you need to think about. Do not work too much."
"I love you, babe," pabulong nitong wika sa kanya bago siya hinagkan sa pisngi.
Habang nakatukod ang mga braso sa nakabukas na bintana ng sasakyan sa back seat, Shelby smiled at Gunter with all her sweetness at pabulong rin siyang tumugon ng, "Ich liebe dich."
Natigilan si Gunter, tapos na-realize siguro kung ano ang sinabi ni Shelby kung kaya namutawi ang ngiti sa mga labi. Nag-alala naman si Shelby kung tama ba ang pagkakabigkas niya no'n. Na-check niya lang iyon sa YouTube at kinabisado. Na-mispronounce kaya niya iyon?
"Mas mahal kita," sagot naman ni Gunter sa kanya. In well-pronounced Tagalog words. Bahagya na lang ang American accent this time.
Napabungisngis si Shelby. Si Mang Conrad naman na nakikinig lang sa labas ng sasakyan ay napangiti nang biglaan. Tapos nang sulyapan ito ni Gunter ay dali-dali ring sumeryoso.
"Deretso na ba tayo nito sa office n'yo, Ms. Shelby?" tanong ng driver con bodyguard niya nang makapasok na ito sa sasakyan.
"Opo, Mang Isko. Salamat po."
BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
ChickLitSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...
