CHAPTER TWO

8.8K 495 35
                                    

A/N [October 27, 2020]: The story is already done. Paisa-isa ko na lang na binabalik. 

Tentative portrayer #2 for Gunter Albrecht.

**********

"Sample maker? Ano iyon?" walang kainte-interes na tanong ni Dane kay Shelby habang nag-aalmusal sila isang Lunes nang umaga.

"Tagatahi ng design matapos magawa ng master designer ang disenyo para kung mayroong problema ang pattern ay magagawan kaagad niya ng paraan bago ito maibigay sa mananahi namin for mass production."

"Ang ibig mong sabihin hindi ikaw ang master designer diyan sa fashion house n'yo? Eh ba't nagtitiyaga ka pa riyan? My God, Shelby! Hindi bagay sa iyo! You can do better than that, you know. Parang entry level position lang pala iyan tapos nagpapakahirap ka pa. Why don't you ask your dad to get you your own fashion house?"

Sinimangutan ni Shelby ang kaibigan bago inubos ang pinakahuling patak ng kape sa tasa niya.

"That's the last thing I want to do. Dane. Gusto kong magsimula sa ibaba para alam ko ang pasikot-sikot sa negosyong ito. I'll build my own fashion house someday but I want to do it on my own."

Itinirik ni Dane ang mga mata bago inimis ang mga pinagkainan nila at nilagay sa dishwashing machine. Natawa naman sa kanya si Shelby.

"Okay, see you later, Dane. I have to go na."

At tumakbo na ang dalaga palabas ng shared condo unit nila. Dahil gustong pangatawanan ang simpleng pamumuhay, iniwan niya sa garahe ang bigay na sasakyan ng dad niya at nag-bus lamang papunta sa Margaux Quandt, ang pangalan ng fashion house kung saan siya nagtatrabaho ngayon bilang isang sample maker. Makikita ito sa pinaka-sentro ng Manhattan.

"Lord Randolph, the Philipino girl is here now. You said you want to see her yourself," sabi ng isang petite na black woman pagkapasok na pagkapasok ni Shelby sa loob ng working area nilang mga sample makers.

Kinabahan agad ang dalaga. First two weeks pa lang niya sa trabaho at gusto na siyang makausap agad ng head designer nila? Hindi ba nito nagustuhan ang ginawa niyang samples noong isang araw? Mabilis na nag-replay sa utak ni Shelby ang mga ginawang notes matapos maipasa ang mga samples na gawa niya. Hala! Baka hindi nito nagustuhan ang mga isinama niyang suggestions to make the pattern better!

My gosh! Masyado ba akong pabida?

Kabado man, pinilit ni Shelby na maging kampante. She straightened her shoulders and stood with her chin tilted upward. 'Ika nga ng dad niya sa kanya noon, dapat kapag nakipag-usap sa kahit kanino huwag laging kalimutang ipakita na confident siya at sure na sure sa sarili. Malaking bagay raw ang nagagawa ng power poses sa kung paano tratuhin ng isang tao ang kapwa niya.

"So you are Miss Shelby San Diego?" tanong sa kanya ng matandang puti na base sa accent nito'y naisip ng dalaga na baka tubong Alemanya.

"Yes, Lord Randolph. I'm Shelby San Diego."

Inikot-ikotan siya ng matanda habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Mayamaya pa'y nagtaas ito ng kilay at parang napaismid.

"That's a pair of Manolo Blahnik's Hangisi flats," bigla na lang ay nasabi nito.

Napatingin din si Shelby sa suot na pares ng black flat shoes mula sa isang mamahaling designer ng mga sapatos. Ganoon din ang mga kasamahan niya sa departamentong iyon pati na ang fashionable na petite black woman na napag-alaman niyang assistant pala ni Lord Randolph. Nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga empleyado roon at medyo nakaramdam ng guilt ang dalaga dahil alam niyang nagtitiyaga lamang sila sa mumurahing gamit samantalang heto siya at tila binabalandra pa sa lahat ang kung ano ang kaya niyang bilhin. She made a mental note to do an overhauling of her closet once she gets home that day.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon