CHAPTER TWENTY-TWO

7.5K 518 155
                                        

"Ano ang tunay na relasyon n'yo ng lalaking iyon?" malumanay na tanong ng Kuya Marius niya sa kanya nang pumanhik na ito sa kanyang unit. Hindi gaya kanina kalmado na ang tinig nito. Ganunpaman, kinakabahan pa rin si Shelby. Hindi nga niya matingnan ito nang deretso. Ang iba naman niyang mga kuya ay tahimik lang sa isang tabi. Parang nakikiramdam.

"Ang laki ng naitulong niya sa akin---sa career ko. Dapat bang pagsusupladahan ko siya?"

"You're not answering the quesiton, Shelby Madeline," sagot ni Marius. Naningkit na ang mga mata nito at tinitigan pa nang mabuti ang nakababatang kapatid.

"Wala, Kuya. He's just a friend," sagot ni Shelby nang halos pabulong.

"Huwag mo akong sinasagot ng pang-showbiz. We are not celebrities."

Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga. She looked exasperated. Masakit pa ang ulo niya dahil sa pagod. Ang haba ng araw niya today. Mula sa trabaho ay dumeretso silang magkakapatid sa MetLife Stadium pagkatapos sumama siya kay Gunter na mamasyal sa paborito nilang puntahan sa NYC---ang harbor. Inisip niyang sa pagdating sa condo ay magpapahinga na lang. Pero heto't malapit nang mag-alas tres ng umaga pero hindi pa tapos ang interrogation ng mga kapatid sa kanya.

"Gunter and I are just plain friends, Kuya. Nanliligaw siya pero hindi ko pa sinasagot."

"Hindi pa. Ibig mong sabihin ay may plano kang sagutin ang anak-araw na iyon?"

"Are you being racist, Kuya?"

"No. I'm just stating a fact. Kulay mais ang buhok niya. Sa atin, kapag ganoon ang kulay ng buhok ng tao tinatawag nating anak araw. Anyway, I just want you to know we do not trust him."

Hindi na sumagot doon si Shelby. Sa loob-loob niya'y nag-uumpisa na siyang mainis. Heto siya't halos magtu-twenty-four na pero pinapakialaman pa rin ang lovelife. Marahil tama in a way si Alfonso noon. May pagka-selfish ang mga kuya niya. Hindi nila isinaalang-alang ang kanyang kaligayahan. Ang importante sa kanila ay ang damdamin nila. Na hindi pa rin nakakahulagpos sa kahapon dahil ang tingin pa rin nila sa kanya ay isang batang musmos. Isang batang musmos na nangangailangan ng proteksiyon sa mga nakatatandang kapatid. Tatanda siguro siyang dalaga nito. Gusto na niyang maiyak.

"May pagkatuso pa siya sa negosyo. Hindi ba sinabi sa iyo ni Papa ang ginawa niya sa LA Hotel? Sinulot niya sana iyon, pero nang lakihan ng may-ari ang presyo ng property umatras din. He only delayed our transaction with them. Na-inconvenience pa sina Papa. Ang isang tusong negosyante ay walang puwang sa pamilya natin."

Hindi napigilan ni Shelby ang mapaluha. Parang napadaing si Matias sa nakita. Ito ang unang lumapit sa bunso nila at yumakap.

"Pwede ba, Kuya. Tama na?" reklamo pa nito.

Hindi sumagot si Marius pero parang natigilan. Makikitang tila kumislot ito sa nasaksihang pagluha ng kapatid. Napatalikod sila ni Markus pareho kay Shelby. Sina Moses at Morris nama'y lumapit at nakiyakap sa bunso.

"Stop crying, okay? Para rin naman sa iyo ang sinasabi ni Kuya," masuyong pahayag ni Moses habang nakikihagod sa likod ng dalaga.

"We are only doing this because we love you," bulong naman ni Morris sa kapatid. Humalik-halik pa ito sa hilam sa luhang pisngi ni Shelby.

"I know he's a good man. Tahan na," ang sabi naman ni Matias sa mahinang tinig. Nang marinig ito ng dalawang nakababatang kapatid na lalaki napamulagat sila sa kanya. Dinedma lang sila ni Matty.

**********

Maaga pa'y nagmartsa na sa upisina ng anak si Madame Margaux Quandt Albrecht. Makikita ang galit sa mukha nito. Pagkapasok na pagkapasok nga sa upisina ni Gunter ay agad na binagsak ang dalang dyaryo sa mesa ng binata. Saglit lang na natigil sa pagtitipa sa laptop niya ang huli para sumulyap sa pahayagan at nagpatuloy na sa ginagawa.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon