Gulat na gulat ang lahat ng nasa press conference ni Shelby nang biglang lumitaw si Gunter sa bandang pintuan ng conference room ng Shelby Madeline San Diego Fashion House at sagutin ang tanong ng isang pangahas na paparazzi na si Christopher P. Ferguson. Ang sabihing lubos na nakahinga nang maluwag si Shelby ay parang kulang. Paera siyang nabunutan ng tinik. Kanina pa kasi siya napupuno sa walang habas na tanong sa kanya. Isipin ba namang pati ang pag-consummate ng kasal ay itatanong pa nila? Isa lang ang ibig sabihin no'n. Wala silang pakialam sa damdamin niya.
"What if I do not want to?" ulit ni Gunter nang nasa harapan na siya ni Ferguson. Naghahamon ang kanyang tingin. Hindi agad nakasagot ang paparazzi.
"Mr. Albrecht," pa-cool nitong bati kay Gunter nang makabawi sa pagka-gulat.
"You didn't answer my question. What if I do not want to?"
Tumikhim-tikhim ang lalaki. "Well, you used the word 'if'. And that makes it a hypothetical question. I must admit it's difficult to answer a hypothetical question." At nginitian pa nito nang mapakla si Gunter.
"Is that so?" pakli naman ni Gunter. Cool lang din ito.
Si Shelby ang hindi mapalagay sa maaari nitong isagot. Doon kasi nakasalalay ang kanyang alas. Kung aminin nitong may plano nga siyang hiwalayan in the near future, lagot. Wala na siyang maihaharap pa sa mapanghusgang mga papaprazzi na ito.
"You do entertain the thought of divorcing your so-called wife, right, Mr. Albrecht? You have realized that although she's not poor herself, the Schlossbergs have more power in the States and elsewhere in the world and it would benefit your business a great deal should you go ahead with your plan to marry their only daughter, Marinette Schlossberg. Even Adeline Grayson, your original fiancee is not a bad choice either. You can also benefit from the union business-wise. Afterall, her family is connected to the White House, the much-coveted connection. Perhaps, that's why your mom is very keen with you rekindling your romance with Adeline rather than Marinette, right?"
Nakita ni Shelby na napaigting ang bagang ni Gunter. Akala niya sisigawan na nito at pagagalitan si Ferguson sa kanyang kapangahasan. Pero hindi.
"People do not live on wealth and power alone, Ferguson. There's more to life than just that."
"Mr. Albrecht! Over here, please!" sigaw ng ibang reporters na nandoon. Hindi na nila pinansin si Shelby. Hindi alam ng babae kung matutuwa ba siya o ano. Pero naipagpasalamat niya ang pagdating doon ni Gunter dahil nakapahinga siya sa kakaisip ng isasagot sa mga below the belt nilang tanong.
"Are you telling us that you love your current wife?" anang isang babaeng reporter nang balingan na ni Gunter sa wakas.
Napasinghap si Shelby. Kahit na ilang beses nang nagtapat si Gunter sa kanya naroon pa rin ang kanyang pangamba. Ibang usapin na kasi kung aamin ito sa harap ng mga press people. Para na ring pinagsigawan nito sa buong mundo kung ano ang tunay na damdamin para sa kanya.
"What do you think?" sagot ni Gunter sa mahinang tinig saka tumingin kay Shelby. At ngumiti.
Napa-ano raw ang karamihan lalung-lalo na ang nasa likuran. Si Shelby nama'y pinanunuyuan ng lalamunan. Nag-init pa ang kanyang mukha sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Gunter. It reminded her a lot about what they did the night before. Kinilig naman ang mga kababaihang reporters.
**********
A day after Shelby and Gunter's rooftop marriage proposal
"I cannot believe you married that woman, Gunter! And you even proposed to her twice?!" tungayaw sa kanya ni Marinette. Kasama nitong dumating sa kanyang upisina ang ama na siyang may malaking shares sa Skylark Quandt Corporation liban sa kanilang mag-anak at sa pamilya ni Albert Stevenson, ang COO nila.
BINABASA MO ANG
TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)
Chick-LitSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #6 MAY PRINTED COPY NA PO ITO! INBOX ME IF YOU WANT TO BUY A COPY. ********** SHELBY SAN DIEGO'S, A.K.A "BABY GURR'S", STORY Si Shelby San Diego, nag-iisang anak na babae ng isang Filipino business tycoon na si Magnus San...
