CHAPTER ELEVEN

8K 518 116
                                    

A/N: So here you go, as promised. :) Salamat sa lahat ng suporta n'yo.

**********

"So how was the night?" excited na salubong sa kanya ni Dane pagkapasok na pagkapasok niya sa shared condo nila.

"Alfonso came to our table," walang kagatul-gatol na paglalahad niya rito.

Namilog ang mga mata ni Dane. "Hindi ba't kasama niya ang asawa niya? So even with his wife around? My God!" madramang pakli naman ng kaibigan. Nakatakip na ang kamay nito sa bunganga sa matinding pagkagulat. Umalis agad kasi ito kasama ang assistant ni Gunter. Kaya wala na siyang kaalam-alam kung ano ang sumunod na pangyayari.

"And Gunter played along. He acted just fine. Naniwala talaga si Alfonso na kami na."

"It's high time, 'no? Kung tutuusin ilang buwan na siyang kasal at halos mag-iisang taon na ring totally wala siya sa buhay mo. Ang epal nga niya talaga, ano? Nilapitan pa kayo ni Gunter. What if totoong date iyon? And you were in the middle of discussing something important?"

"Hayaan na. Mas okay nga iyon at least hindi na siya magi-guilty na nasaktan niya ako nang sobra. Tingin ko nga, parang nagulat siya na kaya ko siyang ipagpalit sa mas nakahihigit pa sa kanya. Eh ano kung three-time MVP siya ng NFL? May-ari naman ng New York Jets si Gunter," sabi pa ni Shelby. Parang nagyayabang ang tono.

"That's my girl!" nakabungisngis na sagot naman ni Dane.

Natigilan si Shelby nang ma-realize kung ano ang mga nasabi. Tapos nagkatinginan sila ni Dane at kapwa napatawa nang malakas.

Kinaumagahan, napangiti siya sa bumulagang news sa front page ng isang dailies sa New York. Inintriga nga silang tatlo! They were so predictable. Tama nga ang sapantaha niya. Ngayo'y hindi na tumitigil sa pag-ring ang telepono nila sa living room dahil sa kung sinu-sinong reporter na nais mag-interview sa kanya.

"Tell them all I'm busy," sigaw ni Shelby habang nagbibihis papunta sa trabaho.

"Don't you worry, my friend. Lahat sila'y susupalpalin ko. Aba. Nang inimbitahan nating dumalo sa fashion show mo para at least may gumawa naman ng artikulo tungkol sa event mo lahat sila nag-decline tapos ngayon gusto ka kamong makausap? Neknek nila!"

Napangisi si Shelby. "Okay," sabi niya kay Dane sabay halik sa pisngi nito. "Mauuna na ako."

**********

Eight years. Wow! That was a long time. Tatlong buwan lang ang pinakamahabang pakikipagrelasyon niya sa isang babae. And that was years ago when he was in college.

Hinipo-hipo ni Gunter ang lumang larawan ni Shelby sa screen. Though she was only fifteen or sixteen in the picture and supposedly at her awkward stage, she still managed to look like a fashionista that she is. Kung sa bagay, ngayong alam na niya kung sino ang mommy nito hindi naman iyon nakakapagtaka. Nasa lahi nila ang magagandang genes.

"She never had any other boyfriend, sir. Only Mr. dela Peña."

Napatitig lang si Gunter kay Frederick tapos balik ulit sa tinitingnang larawan ni Shelby na nasa screen ng kanyang cell phone. Bigla na lang ay sinave niya iyon at ginawa nang wall paper ng telepono. Napasipol doon ang kanyang assistant. Pero nang tingnan niya nang masama, tumigil naman agad ito. Tumalikod na lang at naglakad-lakad sa kanyang harapan para maitago siguro ang bungisngis.

So she only had one man in her life. Medyo na-threaten si Gunter. Isa lang kasi ang ibig sabihin no'n. Kakaiba magmahal ang dalaga. Pang-matagalan. Natatakot tuloy siya na baka kailanman ay hindi nito makalimutan ang first love.

But then again, why would he worry. He is Gunter Klaus Albrecht for Pete's sake. Lahat ng mga nakakakilala niyang babae ay nahuhulog ang loob sa kanya. Sigurado siyang ganoon din si Shelby sa bandang huli.

TWENTY-FOUR SECONDS (NO LONGER COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon